3

302 28 75
                                    


Tumunog na ang bell at lahat sila ay nagsitayuan na, kanina pa kami walang klase at naghihintay nalang ng break time. Kanina pa ako buryong buryo, Mabuti nalang at Friday na. Napatingin ako sa sa cellphone ko nang mag vibrate ito.

Ga'go sent a photo

Clinick ko ang messenger ko dahil may nambubulabog na naman. Napairap ako nang mabasa ko agad ang message niya.

  11:30 am

Ga'go: Hi Ga, Can you do me a huge favor?

You: what

Ga'go: just for you, to continue being perfect ;)

Napabuntong hininga ako, at agadang nagtype ng reply. Kung hindi ko siya kilala pwe pwede niya pa kong mauto!

Ga'go is typing...

You: what do u need

Ga'go: seriously, you're perfect. Teach me your flawless ways.

You: funny, do u need something or not? Ur wasting my time dude?


Ga'go: just a validation for my perfect friend :)))

You: WHAT. CAN. I. DO. FOR. U!???!?

Ga'go: well if you insist hehe, take me out for lunch wala akong pera!

You: ok dick head

Ga'go: thankyou butt faceeeee! <3

Seen 11:36 am

Napairap nalang ako dahil sa kunsumisyon, He alway's told me na ako 'yung sobrang kulit hindi niya nakikita kapasawayan niya. Malamang kaya wala siyang pera dahil naka block na naman ang credit card niya. May kasalanan na naman siyang ginawa panigurado.

Konting lakad lang ang ginawa ko sa hallway at agadan ko siyang nakita, tanaw na tanaw ko agad ang pasa sa gilid ng labi niya. Inakbayan niya ako at kinuha agad ang dala kong gamit. Nakasanayan niya na 'yon, Even sometimes he's really an asshole hindi nawawala sakanya ang pagiging gentle man.

Na i-issue na nga kami sa campus dahil masyado talaga kaming malapit sa isa't isa. Well duh, hindi ko siya type ang baho baho kaya ng medyas niya.

"Butt face, ano ililibre mo?" Nakangiting sambit niya. Sumimangot ako. Bukod sa Ga, na short cut ng gago ay kinahiligan niya rin ang pagtawag ng butt face dahil mukha raw pwet ang mukha ko, dalawang matambok kong pisngi kasi ang lagi niyang pinagiinteresan.

"Utang!" Paglilinaw ko, wala nang libre sa panahon ngayon. Natawa na lamang siya.

"Fine, ano ba gusto mong bayad? Pwede bang pagmamahal nalang?" Malandi na naman ang tono niya, siguro kaya tumagal ang pagiging magkaibigan namin dahil hindi ako tinatamaan sa mga moves niya.

"Nakablock na naman card mo?" Nagtatakhang tanong ko, siya naman ang sumimangot.

"Order mo na ko, naghihintay si ate." Sambit niya. Nag order ako ng two piece ng chicken at ng 5 cups of rice. Nag pa add din ako ng extra gravy nang mailagay na sa tray ay akmang babalik na si Janus sa pwesto namin.

"Bakit? Di ka pa umoorder ha?" Nanglaki ang mata niya at magpabalik balik ang tingin niya sa tray pati na din sakin.

"Kala ko, for two na yan!?" Sigaw niya, pinagtinginan kami. Natawa naman si ate.

"Shut up, o uuwi kang gutom!?" Madiin kong sambit. Nagorder na siya ng carbonara at ng chips, pati na rin ng soda ganyan talaga ang hilig niyan. So unhealty! Ako naman kahit na sobra ang dami ng kain ko hindi ako tumataba, mabilis lang kasi ang metabolism ko kaya mamaya tatae ako panigurado.

Nang makaupo kami ay agadan kaming kumain, hindi muna kami nagusap at galit galit muna.

"Napakatakaw mo para kang timawa kumain!" Malakas ang pagkakasabi niya, hindi ko siya pinansin, hindi din naman ako nag breakfast kaya gutom talaga ako. Nandoon kasi si Mommy kanina, hindi ako nakakain ng maayos.

"Bakit block ang credit mo?" Pag uulit ko nang tanong dahil hindi niya talaga sinasagot.

"Nagalit si erpats, sinabi ko kasi na ayoko mag pol sci." Ngumunguya siya habang sinasabi niya iyon, napatango tango ako.

"Ayaw mo non, mayor Ga yung tawag ko sayo? So cute!" Inirapan niya lamang ako. "Bakit attorney Ga?" Tumawa siya nang ako naman ay sumimangot.

"Maybe our dream's were some else reality. Bahala na." Bulong ko. Ayoko din naman mag attorney pero 'yon ang gusto ni mommy.

"Bat di mo kasi sabihin kay tita? Makikinig 'yon." Nagkibit balikat ako. "Maybe, she'll listen but she won't understand." Nawalan ako ng gana kumain dahil sa pinaguusapan namin,

"You and me..." bulong niya, agad naman akong nagtaas ng tingin. Nakatitig ang kulay itim niyang mga mata, nang bigla siyang sumigaw.

"You and me! Mapa wis pawis pawis ma pa x mapa y mapa ZZZ!" Kinanta niya iyon habang sumasayaw. Sobra akong nahihiya sa pinag gagawa niya kaya sinipa ko siya sa tuhod biglaan din ang kanyang pagupo. Narinig ko ang tawanan ng iba, napangiti nalang ako, He maybe crazy all of the time pero he would do that just to make me smile.

"Kumakanta lang eh." Bulong niya, inirapan ko na lamang siya.

"What's your plan this weekend?" Tanong ko. "You asking me for a date? Shit, hidden desire ga? Grabe naman." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nginisihan niya lamang ako habang taas baba pa din ang kilay.

"You know bridge?" Tanong ko. Tumango tango siya, "kilala ko 'yon, yung beauty queen."

Agad kong nilawakan ang ngiti ko. "Yup! That's right, Ga. Alam mo ba? Super cute niya din tapos mahiyain siya in person, nagkakilala kami kanina. Ibang iba siya onstage sa pagrampa! Edi ayon nga Naki sit-in kasi siya, eh sakto kasama ni claudine ayon nagkwentuhan kami and eto pa malala Ga!" Excited kong sambit. Mukha naman siyang hindi interesado kaya sinipa ko siya.

"What?" Irita niyang tanong. "Ga! She had a crush on you! Sobra siyang namumula nung binuking siya ni claudine sa harap ko kasi diba syempre close tayo tapos eto pa funny na part!" Natatawa na agad ako ni hindi ko pa man naikwekwento ng buo.

"Akala niya boyfriend kita, well don't get me wrong boyfriend kita pero may space between boy and friend kaya pala ang naiilang siya sakin pero I like her for you, promise!" Feeling ko talaga perfect match pag sila na nagsama. Can't wait to attend their wedding!

"You want me to date her?"

Agad akong napatango tango. Ngumiti siya, nilapit niya ang mukha niya sakin kaya agad akong lumayo. Kinurot niya ang pisngi ko at kasabay ng pagbitaw niya ay ang pagsabi niya ng

"I won't."

Naiwan niya akong nakanganga, Did he just reject my proposal? Hala! Ang ganda ganda na nga ng offer ko, tatanda talaga siyang binata. I swear!

_______







Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now