2

484 31 60
                                    


This gives me anxiety, I have to do this infront of my school. Paulit ulit ang pageensayo namin para sa darating na pep assembly, Ayoko sa ganito. Ayoko sa crowds, ayoko nang dancing, ayoko maging center of attention I rather be on the backstage than this.

But I have no choice... Grade 7 palang ako, sinasali na ako ni mommy sa iba't ibang cheering squad. This was her dream that I tried to live. Ang hirap pala, kahit ilang taon ko na 'tong pinagaaralan parang hindi pa din sapat dahil in the first place, I really don't like this.

"Anika?" Napatayo ako nang tawagin ako ng coach namin. Ngumiti siya,

"Earlier, you did great pero you need more practice kapansin pansin na iba ang galaw mo sa squad. You should work hard, okay?" Tumango tango ako, I'm not really into this.

Tumabi saakin si Clover, she's a tough one. She's the one who get's lifted, actually dapat ako din dahil qualified din ako pero hindi ko talaga kaya kapag nakikita kong nasa tuktok ako at maraming nakatingin saakin na-a-out of-balance ako.

Naaawa na rin naman ako sa bukol na tinatamo nila so gusto ko nang mag quit, matagal tagal ko na rin pinagisipan.

"Being a flyer requires several skills and abilities,"

Sinesermunan niya ako, kahit man laging sermon ang abot ko nararamdaman ko pa din ang tiwala nila na kaya ko.

"Attitude is everything. Kahit na madalas sinasabihan tayo na attitude tayo, well medyo lang naman basta dapat you always put to your mind that you can do it because if you don't think you can, you probably won't,"

"Mind over matter, Anika. Alam kong ayaw mo sa ganito, pero nakikitaan ka ni coach even me ng talent, magaakasaya ba ako ng panahon lagi para sermunan ka? Kulang ka kasi sa trust." Napatango tango ako, I'm aware of it.

"Hindi lang trust sa sarili mo, pati na rin trust sa team mates mo." Sambit niya, nanglaki ang mata ko at umiling iling ako. Ngumisi siya.

"If you trust them totally, you know that if you were to fall, someone will be there to catch you. With that out of the way, you can concentrate on what needs to be done." Nakagat ko ang labi ko, she's right.

"So you still want to fly?" Tanong niya habang nginunguya ang chewing gum. Kung sa malayo titignan, mukha niya akong inaaway dahil sa aura din niya lagi siyang napagkakamalang mean girl, but in reality cheer leaders were misunderstood.

"Your stunt goes smoothly, if you believe." Kinindatan niya ako bago tumakbo papalayo at samahan ang iba pang members. Napabuntong hininga ako, Magka edad lang kami ni Clover halata din sa pananalita niya na passion niya talaga ito. Ayokong makasira sa pinapahalagahan niya, I need to work my ass off. Hindi pwedeng tatamad tamad.

"Ga!" Nilingon ko ang lalaking naka varsity jacket, ang gwapo niya dahil na din siguro ang cute ng ngiti niya.

"Bakit?" Nagtatakhang tanong ko, alam ko busy din sila dahil malapit na ang competition para sa basketball.

"I need motivation." Hinawakan niya ang kamay ko, inirapan ko siya. "Peste ka, ginagawa mo na naman akong tulay para makasilip sa panty ng cheer leaders."

Gigil kong bulong, tumawa siya. Tinawag ko si bart, ang isa sa ka squad na sobrang galing mag tumbling. Hanga talaga ko dito eh.

"Hi papi!" Nilingkis niya agad ang katawan kay Janus, nandiri agad ang mukha nito. "Fuck, don't touch me." Maarteng sambit ni Janus.

"Go, Bart touch him. Sayong sayo 'yan." Napatili naman si Bart dahil sa kilig at napatakbo naman si Janus. "Labo din ng bestfriend mo, pupuntahan niya ko dito tas haler tatakbo siya pag niyakap ko siya. Kakaloka!"

Gwapo din naman si Bart kung walang kolorete sa mukha, takaw pansin kasi ang violet niyang lipstick. Idol niya kasi si Ursula.

Nagsimula na kaming magpractice, sinusubukan pa din nila akong ilift. This time, Sinet aside ko muna ang fear ko.

"Timing, guys!" sigaw ni Coach Anne, nagiging dragon siya pag may nagkakamali lalo na sa mismong practice pero after nito mahinhin na ulit siya.

"Assist the flyer into the stunt!" Sigaw niya, dahil nakikita niya siguro na nahihirapan si Clover sa kabila dahil hindi focus ang mga spotter.

"Be attentive, focus!" Sigaw na naman ni coach kaya agad akong napa ayos dahil ihahagis na nila ako. Dahil sa hindi maayos na pagkakasalo ay sama sama kaming bumagsak, shit ang sakit non ha?

"Okay lang kayo?" Nag aalala kong tanong sa mga base. Tumango sila kahit alam kong nasaktan talaga sila. Napakamot na lamang ako nang ulo.

Galit na mata ang sumalubong saamin, "Whether you serve as spotter, base or flyer, you should practice good safety guidelines. Safety should be your top priority. And don't forget to smile and have fun! Lahat kayo tense, parang hindi niyo 'to gusto. Para tuloy ang bigat bigat ng pag galaw niyo!"

We started over again, kada may mali ay magsisimula ulit kami sa umpisa. Pagkatapos ng whole day na practice ay nanlalambot kaming lahat,

"Sana malaki ang incentives na ibigay dito." Sambit ni Bianca, Running siya for 1st honor sa campus kaya maski ganito ay sinasalihan niya matapos malaman na may points din kahit papaano.

Iba't iba kami ng dahilan, ang iba passion talaga ito, ang iba para sa extra points, 'yung iba trip lang yung mga ayaw magklase at meron naman katulad ko, walang choice at napilitan lang pero kahit na gano'n kailangan namin magsikap.

There's always a room for improvement, kapag nag failed damay lahat. Kailangan namin ayusin 'to.

_________

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now