28

114 4 4
                                    

11:00 pm

Pinatuyo ko ang buhok ko, nakasuot lamang ako nang pantulog kahit na alam kong aayain ako ni Janus pero meron pa rin sa loob loob ko, na hindi ako sigurado kung para saakin nga ba.

"I do not feel like going out tonight." Bulong ko, sinusubukan ko siya. ngumiti siya at nagtanong.

"Sure ka? "

Doon ako nagulat, ngumiti ako at hindi pinapahalatang ang pagpapalam mo sakin ngayong gabi ang ikabibigat nang loob ko.

You asked me pero hindi mo ako pinilit. You went to your one of you favorites night out place, at hindi mo alam na sinundan kita, dahil akala ko para saakin ang hinanda mo.

Dahil akala ko ako lang.

Malakas ang ulan, pero sinundan pa din kita kahit anong oras na, basang basa ako. Nangangatog ako sa tindi nang ulan at sa lakas nang hangin, maski ang dinadaanan ko ay hindi ko na matanaw. Nanlalabo ang paningin ko dahil  na rin sa takot sa kulog at kidlat.

Nang makarating ako, ay basang basa ako. Hindi ako pinapapasok kaya sinilip ko nalang kayo sa bintana. You were dancing with her.

Pilit kong inaaninag ang mukha niya, pamilyar na pamilyar siya. Natigilan ako nang makita siya, hindi ko napigilan ang pag hagulgol ko.

Bakit sa dinami daming tao, siya pa?

Walang tumatakbo sa isip ko, blangko lahat. Namamanhid din ang katawan ko. Nilibot ko ang tingin ko, tumawa ako nang malakas habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko, litong lito ako.

I'm from small town, where everyone waves, everyone knows who you are, you are invited to anyone's wedding. It makes your world look so small. It is a home. It is Albania where I came from,
hindi kailanman sumagi sa isip ko ang umalis dito dahil sa kapayapaan na dinudulot nang lugar, bakit nga ba hindi ko naisip na magkru krus ang landas nila?

Ngayon isang masakit na ala ala nalang ang Albania, na gusto kong takbuhan at kalimutan.

_____

Madilim ang kalangitan tila nagbabadya ang malakas na ulan, hindi manlang nagkaroon ng reaksyon ang maputlang mukha ni Anika.

Ang mga mata niya ay halatang pagod na pagod na kapansin pansin din ang labi niyang bitak bitak pero kahit na ganoon ay hindi pa rin maitatago ang kanyang ganda.

Gulo gulo man ang mahaba niyang buhok ay nangingibabaw pa din ito dahil sa itim na itim nitong kulay. Nakasuot lamang siya ng pang tulog, makikita rin ang natural na pagkapula ng pisngi ng dalaga, namumula din ang bilugang mata marahil dahil sa pagiyak, kapansin pansin pa rin ang mahaba nitong pilikmata at makakapal na kilay.

Masama ang panahon ngunit hindi alintana iyon sa babae, tila gulong gulo siya at pagod na pagod at ang pagsakay niya ng bus ng madaling araw ang nagpalaho sakanya ng parang bula.

Katahimikan ang bumabalot sa buong Albania, walang masasayang tawa. Walang kumpulang estyudyante, walang naghahabulang mga bata. Purong katahimikan.

Ito ang una at huli niyang pagsakay ng bus, hindi niya alam kung ano ang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan hihinto ang naglalaro lamang sa isip niya ay matapos lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Tilian ang nangibabaw ng magpagewang gewang ang bus, lahat ay natataranta maliban kay Anika.

Sigawan, iyakan. Takot na takot sila, natawa na lamang si Anika Nakaupo lamang siya, at kasabay ng gulong tinatahak ng sinasakyan niya ay napangiti siya. Ang maamo nitong mukha ay nagnanais ng kapayapaan. Niyakap niya ang trahedya sa pagaakalang pagkatapos kamatayan niya, ay magiging maayos na ang lahat.

________

"I am Dr. Farrel, How about you? What's your name?" Ngumiti siya. May niligpit na mga papel ang Doctor, Sinuot niya din ang salamin niya.

Nilibot ng babae ang tingin niya tila dinala siya nito sa kanyang opisina. Pasimple niyang kinapa ang sarili at nakahinga ng maluwag nang malamang wala naman siyang sakit.

"I am Amira Enriquez." Ngumiti si Dr. Farrel, nilahad niya ang kamay niya tinanggap naman iyon ng babae.

"Nice to meet you, Amira? My name is Jack Farrel, I moved here in Philippines because it is my passion to treat patients. I have a rich background analyzing patients and I would love to tell you about the strengths I can bring to this role."

"Ah, sige. nga pala Doc, why did you invite me here?"

"Nothing, gusto lang kita makakwentuhan. You can trust me Amira."

"Hala doc, kung type mo ko," tumawa siya bago magpatuloy, hinawi niya pa ang buhok niya.

"Sorry pero taken na ang heart ko."Napakamot nalang sa ulo ang doctor. Ngumiwi siya at tsaka nagpatuloy magtanong.

"May asawa ka na ba Amira?" Tanong ng Doctor. Agad itong tumango,

"Boyfriend palang as of now... ayaw kasi pumayag ng only daughter ko sa relationship namin kaya ayon hindi maikasal."

"May anak ka na? Ang bata mo pa ha?" Natawa naman ang kausap niya. "Ganyan lagi ang sinasabi nila, pero uy medyo may edad na din ako talagang maaga lang nabuntis."

"Mukhang mahal na mahal mo anak mo ha? Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan niya?"

Tila natigilan ang babae, para siyang nabingi sa katahimikan kasabay non ang pagbigat ng kanyang dibdib.

"Anika..." bulong nito. Ngumiti ito ng mapait. "Pero patay na siya." Napatango tango ang doktor.

"Ano ang kinamatay niya?"

"Bus accident." Bulong niya kasabay nito ang paguunahan ng kanyang mga luha.

______

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now