16

84 10 21
                                    

"Omg!" Tili ni Trinity, "yare tayo!" Napatigil kami sa tawanan at napuno ng kaba ang loob ng sasakyan.

"Pinapatawag tayo bukas...we're dead" bulong niya. Agad kaming natahimik. Natawa si Clover, kaya nawe- weirduhan kaming tumingin sakanya.

"Ako nalang pupunta, ako naman nagsimula e." Prente niyang sabi. "Omg, you just saved me from being kicked out, I love you!" Sigaw ni Trinity at akmang yayakapin niya si Clover ng bigla siya nitong pinakyuhan.

"Wow, hero!" Pabirong sambit ni Claudine. "Nah, sama sama tayo pupunta."seryosong sabi ni Bianca. Napalunok si Trinity. "But... isang atraso nalang kick out na ako " umirap si Bianca.

"Ikaw 'yung victim, don't worry. You just need to act." Napatango si Clover, nanglaki ang mata ko kaya pala pinigilan ni Clover si Trinity nung balak niya sumugod. Sabay kaming napa palakpak ni Bridgette, natawa naman sila saamin.

Kinabukasan ay sabay sabay kaming naglakad patungo sa principal office. Inagahan talaga namin dahil chinat kami ng mga adviser namin. Bumungad samin 'yung mga babae kahapon, may pasa pa yung isa. Si Bridgette kasi siraulo, ang usapan sabunutan lang. Biglang nanuntok.

Kinuwento namin ang nangyari with a little twist. Nilagyan din namin ng make up si trinity, kulay violet para mukhang pasa. Si Bianca ang nagkwento, dahil running siya for cum laude ay agad siyang pinaniwalaan.

"It was an artificial competition or manufactured anger; I'll call it childish and immature, We've all screwed up. We all have things we could have done better. Words. Actions. " huminto siya, bumulong si Claudine saakin.

"That was the bianca I've known lalo na pag recit." Tumango tango ako at pinakinggan ko pa si Bianca.

"People will always have their opinion on you despite who you are and what your capable of, Dapat mas nagisip po kami. Dapat po mas hinabaan pa po namin ang pansensya namin. Sa dami dami ng insultong sinabi nila, dapat hindi nalang po kami pumatol. We were carried away" tumango ang principal, mukhang napapaniwala siya sa acting ni Bianca.

"Ano yan? Inspirational speech?" Bulong na naman ni claudine, siniko ko siya dahil baka mahalata kami.

"The best way to counter-attack an insult is to make it blatantly obvious that their attack has had no impact on you, but instead of doing that we fight." Yumuko pa si bianca na parang pati siya na dissapoint sa sarili niya eh ang lakas nga nang tawa niya nang matapos ang sabunutan.

Agad tumayo ang isang babae. "What!? You're making stories! Hindi namin kayo ininsulto ng madami!" Natahimik si Bianca. Sinaway ni dean yung babae, muntik ko na siyang belatan pero dapat mukha kaming kawawa dito.

"Tinapunan pa nila ng tubig si Bridgette, this poor girl doesn't deserve that, they've even call trinity names!Those hard words toward trinity, annoyed our ears. To think na, they've even best of friends before! That way, we lose our self control."

natikom ulit ang bibig ni Bianca nag sumigaw ang babae. "You're lying!" Muli sinaway siya ni dean, mukhang naiinis na si dean sakanya dahil ang ingay niya. Mabuti naman.

"In just a small amount of time, I cherished them " naluluha si bianca kaya umakto din akong malungkot. Baka mahuli kami.

"Since, matitino kayo except kay Ms. Trinity, pwede na kayo lumabas." Nakagat ni trinity ang labi niya. Nagsalita si Clover.

"She's just a victim., bakit kailangan niya maiwan?" Tanong ni Clover, siniko siya ni Claudine. Kaya dinugtungan niya agad ng po.

"I see..." tumango tango si dean. "All of you can go now..." agad nagprotesta yung mga clown, pasimple kong binelatan yung kasabunutan ko kahapon. Agad niya akong sinumbong kaya nakayuko ako at umaktong kawawa.

"P-pati ba naman ako? Wala naman k-kaming ginagawa sayo ha." Nagbabanta na agad ang luha ko, gusto ko palakpakan ang sarili ko.

"Pagpasensyahan mo na Ms. Enriquez, you can go now." Dahan dahan akong tumango, may panginig effect pa kamay ko. Madali lang naman kaya di ako nahirapan.

Pagkalabas namin ay naghahadali kaming pumunta sa gazebo, nang mahinto na kami ay agad kaming nagtawanan. Tinuro ako ni Bridgette. "Ang galing mo 'ron anika!" Pumalakpak siya kaya natawa na lamang din ako.

"Convincing si cumlaude!" Saad naman ni Claudine habang siniko si Bianca Natatawang nilipat niya ang tingin kay Clover na nakangisi na ngayon.

"Gago ka Clover kala ko madedehado tayo, barumbado ka talaga!" Maingay na sigaw ni Bianca habang masama ang tingin niya kay Clover, tinasan lamang siya ng kilay nito.

Napatingin kami kay Trinity dahil napansin naming tahimik siya. " Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya. Nakagat niya ang labi niya hanggang sa bigla siyang umiyak at yumakap samin isa isa. Agad namin siyang pinagtutulak.

Nagtatawanan sila habang inaasar si Trinity, I just smiled. Imagine back then, we doesn't have any single clue that we will be this close and I swear, unexpected friendship were the best.

_

Lumipas ang isang linggo at sabay sabay kami lagi nila Trinity, sa loob ng sandaling panahon ay komportable na agad kami sa isa't isa pero may part pa rin sakin na namimiss si Janus. Naguiguilty nga ako dahil madalas ako nag i space out kapag sila ang kasama ko.

Nagkikita kami madalas ni Janus, maliit lang naman ang campus pero hindi kami nagpapansinan. Lagi kaming nagiiwasan ng tingin. Nakagat ko nalang ang labi ko at sinarado ko ang locker ko, muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ang mukha ng lalaking iniisip ko.

May pasa na naman ang gilid ng labi niya, hindi ko namalayan na dahan dahan ko iyon hinawakan. Mukhang ilang araw na din siyang hindi nakakatulog.

"You look happy, with your new friends." Bulong niya, nakanguso siya at nakatingin sa malayo. Wala akong masabi kaya lalagpasan ko sana siya ng bigla niya akong hatakin at kinulong ako sa isang mahigpit na yakap.

"I miss you, I'm sorry..." bulong niya, ilang minuto lang ang lumipas at naramdaman ko ang pagtaas ng balikat niya. Is he crying? Nanglaki ang mata ko at pinalo ang ulo niya. "Ouch!" Ngawa niya, kita ko ang luha niyang tumulo natawa ako at inabot ko ang panyo ko sakanya.

"Bati na tayo, ga?" Nahihiya niyang sambit. "Tsk, di ko nga alam bat natiis mo ako ng 1 week." Nagtatampo kong sabi, agad siyang ngumiti bumalik ulit ang sigla sa mata niya kaya napangiti na lamang din ako.

"Sabay tayo lunch?" Aya niya.

"Kasabay ko sila trinity, you want to join?" Tanong ko habang inaayos ang pagkalock ng locker ko. Nakagat niya ang labi niya,

"next time nalang siguro..." bulong niya. "Bukas na cheerdance niyo no?" Nakangiti niyang sambit.

Tumango ako, "manonood ako, galingan mo ga ha?" Malambing ang pagkakasabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Kailan basketball?" Tanong ko naman. "Bukas rin, kaso 5pm" sakto maaga ang cheerdance competition namin.

Nang tumunog ang bell ay hinatid na ako ni Janus sa classroom, as usual siya ang nagdala ng mga libro ko. Nanglaki ang mata ko nang makita si Claudine hawak ang camera niya.

"Say LQ-NO-MORE!" Sigaw niya at agad humalakhak, hahabulin ko sana siya ng hawakan ni Janus ang kamay ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, ano ba problema neto? "Uh. Haha wala pala sige pasok ka na."

Para siyang nailang nung tinignan ko siya. Hinampas ko siya ng libro kaya napa aray na naman siya. "Naiilang ka ba sakin?" Pinamewangan ko siya, ngumiti siya.

"Ewan ko, baka crush na kasi kita?" Dire diretsa niyang tanong. Nanglaki ang mata ko at ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko.

________

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now