18

80 8 18
                                    

"Wow sweet, say cheese!" Napalingon agad ako kay Claudine dahil pinicturan niya na naman kami.

"Oh chill, kanina pa po kasi tinatawag po yung mga cheer dancer doon po oh!" Sarcastic niyang sabi kaya agad akong nagmamadaling pumunta kayla Clover. Inakbayan ako ni Bianca.

"Puro positive comments ni coach." Bulong niya, napabungisngis naman ako.

"Good energy and expression! Good dancing! Your facial expressions were great, it was very engaging to watch." parang naiiyak pa siya sa sobrang proud. Napangiti na lamang kami sa isa't isa.

Bumalik na kami sa kinauupuan namin dahil may bago nang isasalang. Sila yung champion nung nakaraan. Suot palang bongga na, ayaw malamangan?

"Can I sit there?" Bulong ni Janus tila nahihiya pa siya kay bridgette na katabi ko. "Sure sure you can take my sit and you can take her heart!"

Agad piningot ni Trinity si Bridgette at hinatak papunta sa kanya. "Hayaan mo sila, wag panira diskarte." Bulong na medyo malakas ang pagkakasabi ni Trinity. Napatawa na lamang ako. Kung ano ano talaga ang iniisip nila.

"Here, Ga. Nagbaon din ako ng towel." Pinunasan niya ang noo ko kaya napalunok ako. What's wrong with him?

"Wew, naol!" Sigaw ni Claudine at Bianca. Napatingin ang iba sakanila kaya natawa sila. Napailing iling na lamang ako at kinuha ko na ang bimpo at pinunas sa sarili ko. He's acting weird.

"Manonood ka mamaya?" Tumango ako. He smiled. "Good, need ko pala galingan lalo."

Napasimangot ako at humarap sakanya. "Ang weird mo, may problema ba?" Napangisi siya. "Buti naman napansin mo, I think I have a ahshas on you." Kasabay ng pagtilian ang pagsabi niya non. Nanglaki ang mata ko, "ano ulit?" Nagtatakha kong bulong, hindi ko kasi narinig masyado. Baka nagkakamali lang ako.

Umiling iling siya, sandaling natahimik kami kaya agad akong nagtanong.

"Ga may kilala ka bang arthur?" Mukhang iyon kasi ang kinababaliwan ng magaling kong ina.

"Arthur, who?" Mukhang wala din siyang ideya.

"Hindi ka nga rin pala nakikipagusap sa mga kapit bahay. Baka nga di nila alam na may anak pala si mayor." Sarcastic kong sambit, dahil bukod sa club at school ay wala na siyang pinupuntahan.

Maski nga ata kapitbahay nila ay di niya alam ang pangalan. He's not good at socializing pero ang daling makabingwit ng babae. Ibang klase.

"That's why I'm not into politics, polichix pwede pa." Bulong niya. Siniko ko siya. "Akala ko ba good boy ka na?"

Tumaas ang kilay niya. "Bakit selos ka?"

"Why would I?" Hindi naman tunog defensive yon diba? Nakaka conscious kasi 'tong lalaking to ngayon. Ewan ko ba kung masyado lang niya ako namiss. Parang mas naging clingy e.

"Date tayo mamaya?" Kumunot ang noo ko. Ah baka nalimutan niya lang ang salitang friendly or tinatamad lang siya buuhin. Wala namang kaso saakin, hindi naman ako nag a assume. We're friends. That's it.

Napahawak ako sa sentido ko, nanakit na nga ata ang ulo ko kakaisip kung bakit nagkakaganito siya. "G lang." Pagpayag ko sa alok niya.

Pagkatapos ng lunch break ay agad na akong pinuslit ni Janus papalabas. Bawal kasi talaga lumabas hangga't hindi pa tapos ang competition. Kawawa naman yung last performer kung mawawalan ng tiga nood.

Nang makapunta kami sa cr ng mga babae ay inabot niya saakin ang sports bag niya. Nagtatakha kong kinuha ito. "Ano gagawin ko dito? Mag dri dribble sa loob ng cr?" Sarcastic kong tanong.

"Bakit kasya ba bola dyan?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Binuksan niya ang bag. "Ayan na ga, nandyan na lahat ng kailangan mo."

Tinalikudan ko na siya pero bago iyon ay kinuha ko muna ang cellphone ko. "Let's take a selfie first, wala tayong pic ngayon." Agad siyang ngumiti sa isang babae na nakasalamin.

"Pwede papicture?" Nagtatakhang lumingon ang babae sa paligid niya. "Sakin?" Agad tumango si Janus.

"If okay lang?" Alanganing tanong ng gago. "Uhh. Sure ka? B-bakit? Hindi naman ako artista." Napatahimik si Janus. Napaisip naman ako.

Muntik na akong matawa ngunit pinigilan ko. "Ahh that's not exactly
what I mean haha!" alanganin na tumawa si Janus kaya natawa na lamang din ako. Ako na ang kumausap sa babae.

"Sis, papic naman kami ng kasama ko oh." Nakangiti kong tugon. Lumiwanag ang mukha niya na parang nahimasmasan.

"Yon pala ibig sabihin nito, mabuti naman. Ayoko kasi sa gwapo, hassle!" Pinaypayan niya pa ang sarili kaya natawa ako.

"Okay, smile. Teka teka? Magkaaway ba kayo? Dikitan niyo isa't isa!" Kung umakto siya akala mo ay photographer talaga. Ngumiti na lamang ako habang labas ang ngipin ko.

"Nice shot, oh you're welcome! Stay strong, grabe naalala ko jowa ko dahil sainyo." Sumaludo siya at umalis na. Natawa na lamang kami sa babae. Tinignan namin ang picture sa cellphone niya. Nakatingin siya saakin habang naka ngiti ako.

Nilabas ko ang selfie stick ko, "now, dali. Wacky naman." Sambit ko. Nagulat ako ng hatakin niya ang pisngi ko, napindot ko din ang camera kaya nakuhanan ito. Napasimangot ako dahil gulat na gulat ako sa paghatak niya habang siya ay tuwang tuwa. Nakatingin kami pareha sa isat isa. Somehow, it looks adorable.

"Pasend."

"Unblock me!" Pahabol niyang sigaw. Pinakyuhan ko lamang siya at dumiretso na sa Cr.

_________

Life In Reverse(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon