8

147 18 27
                                    


Dumaan ang ilang minuto natahimik siya. "Now, who want's to quit?" Biglaan niyang sabi, nararamdaman kong gusto na magtaas ng tatlong baguhan pero dahil passion nila ay di nila nagawa. Good for them, sinusubukan lang naman sila ni dragona.

"Scary talaga ang itsura niya lalo na kapag pinanlisikan ka niya ng mata, but trust me para sainyo din 'yan." Bulong ko sa katabi kong newbie. Ngumiti siya mukhang mga fresh man pa kasi 'to.

"Being a cheerdancer, it requires courage and one form of courage is accepting your mistakes. Tinutulungan ko lang kayo by pointing them." Umikot pa ang mga mata niya, nakangiwi na ang ilan saamin every year nalang ganyan ang ginagawa niya samin kaya di na kami na do down, pinagbubutihan nalang namin lagi para mapamukha sakanya na kaya namin.

"Refusing to own your mistake, it reveals cowardice and callousness. Accepting mistakes is far from blaming yourself, blaming yourself is a story of a loser. As far as I know, hindi man nag chachampion but we're always on the top. Hindi tayo talunan, correct me if I'm wrong pero most of the time top 2 or top 3 tayo and winners do accept their mistake because they've know that it is a first step towards victory."

"If you learn from your mistake then don't repeat it. Babaguhin natin ang costume niyo, pati ang music. Yung step niyo, maayos naman nagiging basura lang dahil hindi kayo sabay sabay. Get yourself together, hindi tayo talunan. " huminga siya ng malalim at tinignan ako at iba pang mga flyer.

"Flyers will be thrown into the air, and you have the responsibility to land gracefully. Hindi porke' nakatungtong kayo ay okay na 'yon, you need to catch the audience attention! Hindi porke' maganda kayo ay makukuha niyo na atensyon nila, aanhin niyo ganda niyo kung susubsob sa sahig ang mukha niyo!?"

May mangilan na natawa pero nung makita naming seryoso lang si dragona ay tinigil na namin ang pagbubungis ngis namin.

"Bases serves as the foundation of the stunt. Without bases, the flyer wouldn't go up, Hindi ibig sabihin na mangbabato kayo ay tapos na ang trabaho niyo, kailangan niyo sila saluhin. Use both of your legs and arms hindi yan display, gamitin niyo. That is where the majority of your strength should come from! Bawal mahina dito kung mahina ka umuwi ka na."

Muli natawa kami, pero agad kaming pinanlisikan ng mata kaya tumahimik kami.

"Spotters should be attentive and able to react quickly to any situation, wag tatanga tanga at bawal dito tulala! You should know how to save a stunt and not be afraid to do so. You cannot have any fear of catching the flyer or being hurt by doing so. If anyone is to hit the ground, it should be the spotter. Martir na kung martir pero yung mata niyo dapat nakatutok sa flyers!"

Pimagpatuloy niya pa ang panenermon, natatawa kami sa mga banat niya hanggang sa muli kaming pagsayawin. Nang matapos ang halos isang buong araw na tuloy tuloy sa pgaprapractice ay mukhang na satisfy na siya.

"Not a good job pero atleast di na trash." Sambit niya at dire diretsong nagwalkout. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay napatili. Nang makapagpalit na ako ay muntik na akong mapatalon sa gulat nang makitang naghahintay sa labas si Janus.

"Kanina ka pa?" Nagtatakhang tanong ko. Nagkamot ulo siya. "yea, maaga ako natapos sa training." Sambit niya. Ngumiti ako ng malawak.

"Nag cracrave ako sa mango graham shake..." pagpapacute ko. Umirap siya. "Tara na." At dinala niya ang mga gamit ko.

Malapit lang naman ang Mango graham shake stall dito, kaya naglakad lang kami ng kaunti. Wala nang masyadong tao sa cafeteria kaya tahimik na. Inabot ko na ang tumblr naming dalawa kay ateng nag she shake, kilala niya na ako kaya hindi na siya nagtakha. Hindi ko pinalagyan ng straw ang shake namin. Napasimangot naman si Janus. "Bakit mo binalik yung straw?" Rinig kong sabi niya habang naglalakad ako papunta sa bleachers.

"Somewhere in the back of your mind, you probably knew plastic straws weren't like, the best for the environment." Malambing kong sambit, nakasimangot lamang siya. Habang hinihigop ang mango shake ng walang straw at nakalagay sa tumblr.

Naging hobby ko na din ang magdala ng tumblr lalo na pag nasa milk tea shop ako, personal request ko 'yon. Madalas may natutuwa pero madalas hindi nila maintindihan.

"Fuck, ga. May r-red dot ka sa leggings mo." Bulong ni Janus habang sinuot ang varsity jacket niya sa bewang ko.
Natawa na lamang ako sakanya dahil pulang pula ang mukha niya.

__________

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now