Prologue

1K 59 64
                                    

Madilim ang kalangitan tila nagbabadya ang malakas na ulan, hindi manlang nagkaroon ng reaksyon ang maputlang mukha ni Anika

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Madilim ang kalangitan tila nagbabadya ang malakas na ulan, hindi manlang nagkaroon ng reaksyon ang maputlang mukha ni Anika.

Ang mga mata niya ay may bahid nang pagkapagod, mapapansin din ang labi niyang bitak bitak pero kahit na ganoon ay hindi pa rin maitatago ang kanyang ganda.

Gulo gulo man ang mahaba niyang buhok ay nangingibabaw pa din ito dahil sa itim na itim nitong kulay. Nakasuot lamang siya ng pang tulog, makikita rin ang natural na pagkapula ng pisngi ng dalaga, namumula din ang bilugang mata marahil dahil sa pagiyak, Mapungay ang kanyang mga mata na pinaresan nang mahaba nitong pilikmata at makakapal na kilay.

Masama ang panahon ngunit hindi alintana iyon sa babae, tila gulong gulo siya at pagod na pagod at ang pagsakay niya ng bus ng madaling araw ang nagpalaho sakanya ng parang bula.

Katahimikan ang bumabalot sa buong Albania, walang masasayang tawa. Walang kumpulang estyudyante, walang naghahabulang mga bata. Purong katahimikan.

Ito ang una at huli niyang pagsakay ng bus, hindi niya alam kung ano ang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan hihinto ang naglalaro lamang sa isip niya ay matapos lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Tilian ang nangibabaw ng magpagewang gewang ang bus, lahat ay natataranta maliban kay Anika.

Sigawan, iyakan. Takot na takot sila, natawa na lamang si Anika nakaupo lamang siya, at kasabay ng gulong tinatahak ng sinasakyan niya ay napangiti siya. Ang maamo nitong mukha ay nagnanais ng kapayapaan.

Niyakap niya ang trahedya sa pagaakalang pagkatapos nang kamatayan niya, ay magiging maayos na ang lahat.

-

"I am Dr. Farrel, How about you? What's your name?" Ngumiti siya. May niligpit na mga papel ang Doctor, Sinuot niya din ang salamin niya.

Nilibot ng babae ang tingin niya tila dinala siya nito sa kanyang opisina. Pasimple niyang kinapa ang sarili at nakahinga ng maluwag nang malamang wala naman siyang sakit.

"I am Amira Enriquez." Ngumiti si Dr. Farrel, nilahad niya ang kamay niya tinanggap naman iyon ng babae.

"Nice to meet you, Amira? My name is Jack Farrel, I moved here in Philippines because it is my passion to treat patients. I'm from US. Doon talaga ako nakapamalagi, I have a rich background analyzing patients and I would love to tell you about the strengths I can bring to this role."

"Ah, sige. nga pala Doc, why did you invite me here?"

"Nothing, gusto lang kita makakwentuhan. You can trust me Amira."

"Hala doc, kung type mo ko," tumawa siya bago magpatuloy, hinawi niya pa ang buhok niya.

"Sorry pero taken na ang heart ko."Napakamot nalang sa ulo ang doctor. Ngumiwi siya at tsaka nagpatuloy magtanong.

"May asawa ka na ba Amira?" Tanong ng Doctor. Agad itong tumango,

"Boyfriend palang as of now... ayaw kasi pumayag ng only daughter ko sa relationship namin kaya ayon hindi maikasal."

"May anak ka na? Ang bata mo pa ha?" Natawa naman ang kausap niya. "Ganyan lagi ang sinasabi nila, pero uy medyo may edad na din ako talagang maaga lang nabuntis."

"Mukhang mahal na mahal mo anak mo ha? Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan niya?"

Tila natigilan ang babae, para siyang nabingi sa katahimikan kasabay non ang pagbigat ng kanyang dibdib.

"Anika..." bulong nito. Ngumiti ito ng mapait. "Pero patay na siya." Napatango tango ang doktor.

"Ano ang kinamatay niya?"

"Bus accident." Bulong niya kasabay nito ang paguunahan ng kanyang mga luha.

_____

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now