22

102 1 0
                                    


Siguro ang iisipin ni anton ngayon ang tapang ko, ang tapang ko dahil nasabi ko na yung nararamdaman. Hindi naman talaga ako matapang, napilit lang ako ng sitwasyon para masabi yung mga salitang yon.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya, nakatingin na siya sakin, gulat ang namamayani.

"a..ano... sabi mo?" di makapaniwalang tanong nito.

Hindi ako sumagot at nagsimula ulit maglakad palayo sa kanya. Pero nakakadalawang hakbang palang ako ay hinila niya ulit ako.

"di pa tayo tapos mag usap" madiin na sabi nito.

"tinapos ko na" sabi ko dito at tinanggal ulit yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"iyon yung dahilan diba? Kung bakit di ka na lumalapit sa akin" napahinto ako sa sinabi nito pero di lumingon.

"alam mo na yung totoong dahilan kaya pwede bang tigilan mo na ko?" humarap na ako dito.

"ayoko pa zai, ayoko pa" napahawak ako sa ulo ko. Ang kulit naman nitong isang to.

"bakit pa? Wala ka namang gusto sakin diba? Bakit ako mag sstay?" matapang na tanong ko dito.

"sino nagsabing wala?" napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Anong sabi niya?

"wag mo kong niloloko tyler" inis na sabi ko dito. Kasi parang may nabuhayan sa loob ko at ayokong umasa, lalayo na nga ako diba?

"kelan ba kita niloko?" kalma zai, gumagawa lang ito ng paraan para pahabain ang usapan.

"w..wag mong pinapahaba ang usapan tyler"  mahina kong sabi at nag iwas ng tingin, mukang nakuha na niya ko..ulit.

"di ko pinapahaba zai, nagsasabi lang ako ng totoo" seryosong sabi nito, lord help me naman.

"ano ba talagang gusto mo? Sinabi ko na diba yung gusto mong malaman" bumalik ulit yung inis na nararamdaman ko.

"tayo zai, bigyan natin ng chance yung tayo" kumunot yung noo ko sa sinabi nito.

"ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba?" sabi ko at nilapitan ito.

Buti nalang at nagising ako sa mga pinagsasabi niya kung hindi baka kanina pa ko nahulog sa pain nito. Masyadong malakas ang tama nito kaya imposibleng di ako makuha nito pero hanggat kaya ko naman magtitiis ako.

"pwede bang makinig ka muna sakin?" napacross arms ako at tumingin sa mga bato, iniiwasan ang mata nito.

"bilisan mo, wala akong oras" mataray na sabi ko. Hanggat kaya, kakayanin kong maging matigas.

"simula nung di na tayo nagkakausap, naka realize ako zai. Nagseselos ako kay anton dahil siya lagi ang kasama mo. Lagi kong hinahanap presensya mo. I miss your laugh, your corny jokes, everything. I talked to thirdy, he told me na maybe i was inlove with you all along, dinedeny ko lang dahil ayokong masira yung nabuo natin na friendship"

I dont know what to say, masyadong magulo di ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. He just confessed for God's sake.

"so.." naputol yung mga iniisip ko ng magsalita ito.

Huminga ulit ako ng malalim tsaka matapang na tiningnan ang mga mata nito "siguro, wag muna tayong mag usap Tyler, marami akong iniisip"

"what? You confessed, i confessed too. We both like each other" Naguguluhan na sabi nito.

Ngumiti ako dito "tyler, yes i like you pero, di ba masyadong maaga? Pahinga muna tayo"

"so you're asking for a break kahit walang tayo?" natawa naman ako sa sinabi nito, gumagaan kahit papano yung nararamdaman ko.

"parang ganon na nga, gawin muna nating better yung sarili natin bago natin bigyang ng chance yung tayo"

----

1 or 2 chap/s to go na lang hehe.

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now