17

102 4 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

Iniwan ko kagabi si tyler matapos niyang magsalita ng tulog. Binabaan ko din si anton kagabi at dumiretso nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga.

"sis, breakfast na daw" nagising ako nang may tumapik sa balikat ko.

Isa sa mga student managers, si Klara.

Agad kong tiningnan yunh cellphone ko nanakacharge. 10:00 na ah, brunch na to. Mga nakagayak na yung dalawang student managers na kasama ko sa room. Naka pang beach na at talagang ready na sila habang ako namomroblema kung ano ang isusuot dahil wala akong rash guard. Mama kasi eh.

Tumayo na ako para maligo at mag ayos. "aphro, una na kami sa baba ah" paalam sakin ni Janina. Tumango ako at ngumiti. Inaantok pa ko pero nagugutom na din ako.

Nagtapis ako ng towel sa katawan ko at lumabas ng kwarto. "ggo anton, anong ginagawa mo dito" sabi ko at mas hinigpitan yung kapit ko sa towel na nasa katawan ko.

"sorry, sorry kala ko nakabihis ka na paglabas mo" sabi nito at nagmadaling lumabas ng pinto. Nilock ko naman ang pinto para sigurado.

Napabuntong hininga ako at naghanap ng matinong maisusuot. Gusto ko magtampisaw sa tubig kaso wala akong rash guard. Mama kasi eh.

No choice ako kundi kunin yung two piece na black tube. Pag nag underwear ako baka maubos yon at wala akong gamitin pauwi. Magshoshort nalang ako at tshirt habang nag eenjoy sa tubig, smart aphro, like ko yan.

Nang matapos ako magbihis, i didnt bother to brush my hair, basta iniwan ko lang siyang nakalugay. Nag sun block naman na ako sa loob ng banyo kaya ready to go na ako. Kinuha ko na din yung shades ko at ginawang headband para mamaya pag kumuha ako ng pictures ng blue eagles di ako masyadong nasisilaw. Kinuha ko na din yung phone at camera ko para mamaya di nako babalik.

Pagbukas ko ng pinto, bumingad sa akin si anton na nakasandal sa gilid ng pinto. "sorry about sa kanina" nahihiyang paliwanag nito.

Natawa naman ako "ok lang yun, aksidente lang naman" sabi ko at nauna nang maglakad. Nakamuscle tee lang ito at naka swimming shorts. Nang maramdaman kong di ito nakasunod sa akin ay binalingan ko ito. Nakatingin lang ito sa akin, parang nagtataka na ewan. "huy, tara na, gutom Na ako" sabi ko dito at hinila na ito. Himala lang sya yung late natulog kagabi pero mas nauna sa akin tong nagising.

"okay ka lang ba?" tanong nito habang tinatahak na namin ang napiling pagkainan ng grupo.

"oo naman bakit? " sbai ko ng di ito tinitingnan.

"nag mura ka kasi kagabi tapos binabaan mo pa ko ng telepono. About kay tyler yon no?" tanong ulit nito.

"alam mo naman pala eh" sabi ko dito habang patuloy kaming naglalakad.

Hinawakan ako nito sa braso para huminto ako sa paglalakad "di mo pa sinasagot sa tanong ko eh, may gusto ka ba kay tyler ha?"

No choice self kundi ang magsabi ng totoo dahil mapagkakatiwalaan naman itong si Anton.

"oo, bakit?" matapang na sagot ko.

"anong meron?"

-----

Sipag ko today.

Send stories naman oh.

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now