3

138 5 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"tama na daldal, mag pahinga ka na" sabi ko habang inaayos yung comforter niya.

"i like andrea so much, she makes me crazy without her knowing" bakit ba kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya?

Dati naman pag sinasabi niya yes ng ganito wala akong nararamdaman. Gutom lang siguro ako, di kasi ako nakakain dahil tinawagan ko si tyler kanina kung bakit ito wala, may sakit pala, natuyuan daw ata siya ng pawis kaya ayun pinuntahan ko. Nagdala na din ako ng gamot at lugaw para may makain ito dahil tiyak wala pa itong kinakain.

Naupo ako sa kama nito atsaka huminga ng malalim "pahinga ka na Ty, may sakit ka lang kaya kung ano ano pinagsasabi mo"

"kahit naman wala akong sakit, malakas pa din tama ko sa pinsan mo" natatawa nitong sabi kaya ngumiti lang ako.

Tumayo na ako "pahinga ka na ha, di mo maliligawan si andrea pag nakahiga ka lang jan" pananakot ko dito.

"teka, iiwan mo na ko?" babangon pa sana ito kaso mabilis kong pinigilan.

"may group study kami Ty, tawagan ko na lang sila thirdy para tingnan ka" paliwanag ko dito.

"ayoko, dito ka lang" ang kulit talaga nito, napakamot ako sa ulo atsaka kumuha ng upuan para itabi sa kama nito.

I sighed "sige na, tulog ka na, dito lang ako" ngumiti ako ng maliit dito.

Nang palagay na akong mahimbing itong natutulog ay pinagmasdan ko ito. Ang cute niya at ang peaceful ng muka. Dahan dahan kong hinaplos yung muka nito. Bakit ko ba ginagawa to? Agad kong tinanggal yung kamay ko sa muka nito ng gumalaw yung labi nito, ngumiti ito ng maliit. Gising ba to? Pero mukang di naman.

Nagkibit balikat ako atasaka tumayo na dahil gutom na gutom na ako. Kinuha ko yung pinagkainan nito at nagpunta ako sa kusina nito para magahanap ng makakain. Walang laman yung ref! Puro instant noodles lang yung nandito! Wala akong nagawa kundi iyon ang kainin, kesa naman mahimatay ako sa gutom dito.

Matapos kong kumain ay bumalik agad ako sa kwarto ni tyler, baka magising ito at hanapin ako. Tulog pa rin naman ito ng bumalik ako. Dahil inaantok na rin naman ako, naupo ulit ako sa upuan at saka dumukmo sa kama nito para matulog.

Nagising ako ng marinig ko ang ingay mula sa TV. Kaya pupungas pungas akong nag abgat ng tingin. Nanonood pala ng tv si tyler at nakaupo na ito at kumakain ng chocolate? San niya nakuha yun?

"nagising ba kita? Pasensya na" sabi nito atsaka binalik yung tingin sa TV.

"san mo nakuha yan?" kinusot ko yung mata ko habang nakatingin dito.

"eto ba?" tinaas niya pa yung chocolate na hawak niya, kaya tumango ako "ayun oh" nginuso niya yung maliit na.. Ref? May ref dito?

Agad kong tinungo yon at binuksan, ang daming pagkain! Huhuhu "nagtiis ako sa instant noodles tapos may pagkain pala dito?" sigaw ko dito.

"oh, wag ka nagagalit. Di mo naman kasi tinanong" natatawa nitong sabi.

Bumuntong hininga ako atsaka kumuha ng chocolate din.

"may masakit pa ba sayo?" tanong ko dito nang makaupo ako.

"yung puso ko zai, yung puso ko"

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now