20

113 4 1
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"nahihirapan na ko anton" sabi mo dito habang pinapanood ang mga teammates nito na nagtatampisaw sa tubig.

Nag island hopping kami patungong shimizu island. Matapos namin magpahinga kanina sandali ay dumiretso na kami para di sayang sa oras.

Kakatapos ko lang din silang picturan para daw pang IG nila kuno.

"san ka nahihirapan? Sa pagtake ba ng pictures o jan sa nararamdaman mo?" natatawang tanong ni anton kaya napatingin ako dito.

"sa nararamdaman ko" diretsang sabi ko.

"edi umamin ka na, umamin ka na nagustuhan mo siya kaya iniiwasan mo siya. Eto ang tapang tapang makipagbarahan sakin pero duwag naman umamin" sabi nito at napailing pa. Tinulak ko ito sanhi para mapahiga ito.

"ano sabi mo?" biro ko dito at kunwaring naghahamon ng away.

"wala po boss" sabi nito at nagpagpag nang katawan.

"kung ikaw ba yung nasa posisyon ko, aamin ka ba?" tanong ko muli dito.

"oo naman, baka maunahan pa ko diba. Isipin mo kasi zai, pag umamin ka na, mawawala na yung bigat na nararamdaman mo" paliwanag nito.

"pero kasi anton di naman lahat may lakas ng loob kagaya mo" sabi ko dito at sinimulang magdrawing ng kung ano ano sa buhangin.

"di naman ako matapang" sabi nito kaya napaangat ako ng ulo at tiningnan ito na nakangiti ng malungkot.

"eto ang lakas mag advice di naman pala kayang gawin sa sarili" asar ko dito.

"ikaw na nga nanghihingi ng advice jan e" asar nito pabalik kaya napangiti ako.

Bugok man minsan si anton may silbi din pala.

"teka, diba nasabi mo sakin na may tatlong bagay kung bakit di gusto ni andrea si tyler?" tanong nito kaya napatango ako dito para ipagpatuloy ang sinasabi.

"ano yung pangatlo?" tanong nito.

"secret" sabi ko atsaka tumayo para magsaya na din sa tubig.

"eto ang duga talaga" narinig kong sabi nito atsaka ako sinundan.

Nagpunta ako kala klara na halatang sayang saya sa paglangoy.

"Zaipyr, halika dito bili" aya sakin nito.

Nailing ako dahil ayoko magbasa. "kayo nalang, papanoorin ko nalang kayo" sabi ko dito.

"di kasi sanay lumangoy tong isang to eh" naramdaman ko yung kamay ni anton sa balikat ko. Sinamaan ko ito nang tingin.

"epal" bulong ko dito.

"gwapo naman" bulong nito pabalik kaya tinulak ko ito.

"sama talaga ng ugali" sabi nito at napacross arms nalang habang pinapanood sila klara na nagtatampisaw.

"malapit na lumubog yung araw" sabi ko dito.

"maganda daw panoorin yan pag kasama mo yung taong gusto mo" napatingin ako kay anton dahil sa sinabi nito. Nasinag ako sa araw kaya napatakip yung kamay ko sa mga mata ko.

"talaga? E bakit nandito ka?" tanong ko dito.

"gus--"

Magsasalita na sana ito nang maghiyawan sila thirdy kaya pareho kaming napatingin sa kanila.

Sinundan ko nang tingin yung inaasar nila. Medyo nasisinag pa ko sa araw kaya di ko masyadong matanaw.

"si tyler ba yun?" tanong ni anton.

Nang medyo malapit na ay agad kong namukaan kung sino yung inaasar nila thirdy, si tyler pala, bakit kaya?

Shit, papalapit dito!

"let's talk" sabi nito nang makalapit at hinila ako papunta sa malalaking bato.

-----

Will finish this very soon :)

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now