9

104 4 2
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"ma, hindi naman ako nandon para mag enjoy" sabi ko dito habang inaalis yung mga pinag lalagay niyang two piece. Binili niya yan kahapon bago ako umuwi sa bahay para mag pack na ng gagamitin ko.

"anak, nandon ka na kaya might as well enjoy. Di naman dapat puro picture ka lang ng picture. At tingnan mo nga tong pinagdadala mo! Puro pajama at long sleeves, malamig ba doon? Wala ka sa baguio nak" mataray na sabi nito sa akin habang binabalik yung mg aoinag tatanggal ko.

"ma, aware ka naman na hindi ako nag susuot nang ganyan diba?" tanong ko dito atsaka naupo sa kama ko at pinagmasdan siya sa ginagawa. Mama talaga eh.

"tsaka tingnan mo to ma" pinakita ko sa kanya yung shorts na nilabas niya mula sa cabinet ko, matagal na niyang binili yan pero di ko sinusuot kaya mukang bago "ang ikli ikli tapos ipapasuot mo sakin. Edi sana pinag underwear mo na lang ako diba" sabi ko atsaka hinagis yung short sa upuan na malapit.

"dapat talaga hindi na kita iniwan sa papa mo eh, yan tuloy para ka nang lalaki manamit" sabi nito atsaka kinuha yung hinagis kong short.

OFW kasi si mama at si papa naman ay manager lang sa isang factory. At ngayong wala nang balak si mama mag ibang bansa ulit, naghahanap na siya ulit ng hospital na mapapasukan dahil isa itong nurse.

"ma naman, mas comfortable kasi ako sa mga ganyang damit kaya iyan yung mga dadalin ko" kibit balikat ko at pinag tatanggal na yung mga pinaglalagay ni mama.

"hay nako kang bata ka, ikaw nang bahala jan sa gamit mo. Pero kung gusto mong magdala sabihin mo lang sakin ha" sabi nito habang bitbit yung mga damit na gusto niya ipadala sa akin.

"ma naman" sabi ko dito at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag aayos ng mga dadalin ko dahil next, next day na ang alis namin ng umaga. Inagahan ko na yung pag aayos ng dadalin ko para bukas wala na akong gagawin. Kakauwi ko lang kasi kagabi at plano kong mag ubos ng oras bukas kasama si mama. Dahil matagal na daw kaming di nagbobonding.

-

"Zaipyr , kakain na" rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

Pinatay ko muna yung computer dahil nagpapatugtog ako dito.

"ma uuwi ba si papa?" tanong ko dito habang pababa ng hagdan.

"malamang anak, dito nakatira ang papa mo" sabi nito habang naghahain na nang hapunan. Nasanay na din ako sa ganyang sagutan ni mama, pati tatay ko ganyan na din kung magbiro. Nahawa siguro kay mama. Hays.

"ma, i mean uuwi ba siya ngayong gabi?" tanong ko dahil kagabi ay nalate ito ng uwi kaya di ko naabutan dahil natulog ako sa pagod. At kanina naman late na ako nagising kaya di ko din naabutan.

"uuwi siya, kaso late ulit dahil may tinatapos pa. Abot nga yung basahan anak" turo niya dun sa may basahan na nakasampay.

"oh kain na" sabi nito atsaka inabutan ako ng kubyertos.

----

Will continue updating again, pero slow updates lang haha. This is a boring chap, bare with it.

3 things // Tyler TioΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα