18

104 4 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

Napatingin kami sa nagsalita. Si tyler na mukang pangit ang gising, gulo gulo ang basang buhok at nakasimangot. Naka tshirt ito at swimming shorts din. Tngina ang cute. Mabagal lang silang naglalakad dahil may kinakalikot si thirdy sa phone nito ay sinasabayan lang siya nang lakad ni tyler.

"wala lang, sinabi ko lang sayo" sabi naman ni thirdy na kasama nito sa paglalakad. Kala ko narinig kami, si thirdy pala ang kausap.

"oh, andito pala kayong dalawa, tara na brunch na" masayang nag aya si thirdy nung matapatan kami.

"susunod na lang kami" sabi naman ni anton kaya tumango nalang si thirdy.

"tara na tio" tiningnan ko si tyler na nakatingin na pala sa akin. Naglakad na ulit nung tiningnan ko siya pabalik.

"aamin din pala" sabi ni anton at sumabay na sa dalawa na maglakad patungo sa resto na kakainan namin.

Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanila pero di ako sumabay dahil di naman kami on good terms ni Tyler tsaka di naman halata na kasunod nila ako kaya di ako nililingon ng mga to.

Nang makapasok sila ay agad naman nagring ang phone ko. Si mama na magaling.

"hello ma, bakit ba pinalitan mo yung mga pinack ko?" bungad ko dito dahil kahapon ko pa ito di macontact.

Narinig ko naman ito na natawa "ikaw naman anak, wala man lang bati ng good morning" sabi nito sa kabilang linya.

"ma naman, alam mong di ako comfortable sa mga pinaglalagay mo sa luggage ko" irap ko sa hangin.

"nak, dinaig ka pa ng mga 13 years old na naka two piece na flat. Eh ikaw nga itong biniyayaan ng magandang katawan. Baka pag uwi mo pasalamatan mo pa ko dahil napansin ka na ng crush mo jan" masayang sabi nito.

"ma!" inis na sabi ko dito.

Natawa ulit ito "joke lang anak, i want you to enjoy your stay there pero not too much ayoko pa ng apo at tiyak na magagalit papa mo" bakit ba ganto si mama huhu.

"mama naman" nakakahiya na talaga, buti ako lang kausap nito.

"kumain ka na ba?" pag iiba niya ng usapan.

"kakain palang po" sagot ko dito.

"abat, tanghali na sayper, aba hanggang jan dinadala mo katamaran mong bata ka" sabi nito sa akin.

"ma, kain na ako, gutom na ko" sabi ko dito para makakain na ko dahil gutom na talaga ko.

"o siya sige na zai, kumain ka ng marami ha" sabi nito kaya nag paalam na ako na papasok na sa loob.

Parang kubo lang yung kainan na to, pero malaki siya syempre. Maganda din to dahil fresh ang hangin na papasok dito. Nakita ko agad sila dahil ba naman sa dami nila at ang haba ng lamesa na pinagsama sama. Nagsisimula na silang kumain.

"tagal mo, sino kausap mo ha?" salubong na tanong sakin ni anton. Chismoso talaga.

"mama mo" sabi ko dito at inirapan.

"sungit" bulong nito.

"iha, maupo ka na at nang makakain ka na" sabi nang isa sa mga nakakatandang staff. Tumango ako pero bago ako maupo ay kinuhaan ko muna sila ng picture.

Mga ilang takes lang yon para naman may maipakita ako at maipost sa page ng blue eagles baka sabihin nagpakasaya lang ako dito.

Matapos kong kumuha nang upuan ay naghanap na ako ng bakante. Sa kasamaang palad sa dulo ako napunta at katabi pa ni tyler. Help me lord.

-------------

I updated mistress and never yours, go check em out.

Dont know how to end this one pero will end this very soon

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now