1

428 7 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"ano na? Kala ko ba ilalakad mo na ko kay andrea?" inis na sabi nito.

Inirapan ko naman ito at uminom sa milktea na nilibre nito "boss, yung pinsan ko, walang hilig sa ganyan kaya mahirao talagang kausapin siya sa ganon"

Lumapit ito sakin kaya biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hoy puso, kalma, mas pogi ka kay tyler "eh diba sabi mo, gagawan mo ng paraan?"

"ginagawan ko na nga po, at alam mo sabi niya?" tanong ko na nagpataas ng kaliwang kilay niya.

"may tatlong bagay akong ayaw sa kanya. Una, muka siyang babaero. Pangalawa, pag basketball player daw, manloloko at ang pangatlo--" nahinto ako ng maalala ko ang sinabi niya.

Tiningnan ko si tyler na naghihintay "ano yung pangatlo?" tanong nito.

Umiling ako atsaka ngumiti "nakalimutan ko eh" palusot ko.

"ano ba naman yan Zaipyr, pano ka makakasama sa palawan kung ayaw mong gawan ng paraan?" inayos ko yung sumbrero ko.

Kinausap kasi ako nitong si tyler nung nakaraang buwan na ilakad ko siya sa pinsan kong si andrea. Pero syempre may kapalit, isasama niya ko sa palawan para maging photographer ng eagles. Ipinagpaalam na ko ni tyler sa coach nila kaya ang matamis na oo na lang ni andrea ang kulang. Di ko nga lang alam kung ibibigay ni andrea ang oo niya kundi, bye bye palawan.

"bigyan mo ko ng time boss, kaya ko yun" inuto uto ko pa ito.

"next month na yung palawan, halos 2 months na yung binigay kong time Zaipyr" asar na sabi nito.

Natawa ako ng mahina, cute. Nanlaki yung mata ko sa naisip, ano ba tong pinag iisip ko? Mas cute ka jan Zaipyr .

"bakit ganyan itsura mo?" natatawa nitong tanong sakin.

"w-wala, may naalala lang" i fake a smile.

Sa totoo lang nung nakaraan ko pa naiisip ang mga ganyang bagay tungkol kay tyler. Twice a day kami magkita, mag kaklase kami sa isang subject at nililibre niya ko ng meryenda para balitaan siya.

Magkatext din kami sa gabi, pinag tatalunan yung mabagak na proseso ng paglalakad ko sa kanya kay andrea pero madlas nag aasaran.

"hoy tombs, gawan mo ng paraan ah. Sige na mauna na ko, may training pa ko" sabi nito at tumayo na dala yung milktea niya.

After 10 minutes ay umalis na din ako sa kinauupuan ko para pumunta sa klase ko. Malelate na din kasi ako.

"kala ko may training kayo?" taka kong tanong kay tyler ng nakasalubong ko, mukang papunta siya sa pinag meryendahan namin kanina.

"wala daw si coach kaya bukas na lang daw" sagot nito kaya na pa ahh ako.

"o sige na, una nako. May klase pa ko e" sabi ko at nagmadali ng maglakad, di pa man ako nakakadalawang hakbang ay pinigilan na ako nito sa paglalakad.

"huy, tyler may klase pa ko" sabi ko habang hinihitak yung braso ko pero nakangiti lang ang loko. May naiisip na naman tong kagaguhan.

"tara" hinila ako nito papuntang parking, kamuntik na kong madapa dahil sa bilis nitong tumakbo at malalaki pa ang hakbang. Basketball player nga.

"hoy, may klase pa ko" sabi ko habang hinihingal, dahil nasa tapat ba kami ng kotse nito.

"cutting ka, punta tayo kala andrea" talaga nga naman oo.

-----

Read my other stories!

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now