6

111 2 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

1 week matapos kong samahan si tyler uminom, di na ko ulit nakipag usap sa kanya. Masyado akong nasasaktan hindi para sa kanya kundi para sakin. Ewan ko na lang ba, everytime na bukambibig niya si andrea nasasaktan ako at mas lumalala yung sakit lalo na ngayon na mas bukambibig niya si amdrea dahil hindi nga ito pinayagan na manligaw.

Gustong gusto ko siya tulungan ang kaso pag tinulungan ko siya, ako ata ang talo dito. Ayokong kaawaan si tyler dahil hindi naman dapat, ang dapat kong kaawaan ay ang sarili kong nasasaktan sa di malaman na dahilan.

Patuloy kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang tamang dapat gawin. At ginawa ko nga ang tama, mas pinili ko na huwag na muna siyang kausapin.

Alam kong nakaka-halata na ito sa mga di ko pagpansin sa kanya. Magkaklase kami sa ilang subjects at alam niyang lagi kong hawak ang cellphone ko kaya imposible na di ko matanggap ang mga messages niya pati mga tawag. Pero siguro hinayaan na niya ko dahil naisip niya na tapos na ang misyon ko sa buhay niya. People come and go nga naman sabi nila.

"oh, pasalamat ka mabait ako" inabot niya sakin yung ID na may nakalagay na staff.

"salamat anton" dito na kasi ako nagpalakad kay anton ng ID, dapat si tyler ang lalakad nito dahil siya ang mag sasama sa akin ang kaso di naman na kami nag uusap.

Nakilala ko lang si anton 3 days ago dahil tinapunan ako ng fishball sa damit ko. Hindi ba naman nakatingin sa dinadaanan. Para makabawi siya, ito ang inutos ko, ID lang naman ang kailangan para makasama dahil patunay ito na kasama ka talaga sa trip ng blue eagles.

Two weeks na lang kasi ay trip na ng blue Eagles. Dapat pala una palang nag back out na ko hindi yung kelan nagawa na yung ID tsaka iisipin na mag back out. Hina ko talaga.

"tara street foods tayo" aya nito sakin.

"kaka street foods mo lang nung isang araw bro, masama sa katawan yun" biro ko dito.

"nung isang araw pa yun, tara na" hinila na ako nito kaya no choice ako kundi magpahila.

Marami naman nagkalat na street food vendors sa labas kaya di kami nahirapan mamili ng kakainin.

"egg waffle ba hijo?" tanong ni manong na nagtitinda.

"po?" tanong namin pareho ni anton na nagtataka.

"iyon kasi yung tinatawag ng mga estudyante kaya napapa egg waffle na din ako" sabi ni manong na ikinatawa namin.

"here, try mo to" inabot niya sakin yung stick na may tofu.

"sarap nga" sabi ko matapos kong tikman yung binigay niya. Di naman gaanong madami yung estudyante, mga 5 lang siguro kaming kumakain sa pwesto ni manong.

"teka, diba dapat si tyler yung maglalakad ng ID mo? Dahil siya ang nagpaalam kay coach na isasama ka niya pero bakit ako ang pinaglakad mo ha?" tanong nito habang sinusubo yung fishball niya.

"busy si tyler eh" palusot ko.

"busy o LQ?" asar nito sa akin

"wala namang love in the first place kaya quarrel lang pare" paliwanag ko dito.

"eh bakit kayo laging magkasama?" tanong muli nito.

"nilalakad ko kasi siya sa pinsan ko, sad to say ayaw ng pinsan ko sa kanya" paliwanag ko muli.

"kaya pala walang gana sa practice si tyler nung mga nakaraan eh, nabasted pala" sabi nito.

"si tyler? Malungkot?" malamang, sino bang hindi malulungkot kung binasted nung taong gusto niya diba?

"talk to him zai, may pinagsamahan din naman kayo at di dapat mawala yung pinagsamahan niyo dahil lang natapos na yung napag usapan niyo"

----

STAY HYDRATED AND ALWAYS WEAR YOUR MASKS!!

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now