5

117 2 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"hoy, bossing easyhan mo lang sa pag tungga. Parang mauubusan e" sinubukan kong agawin yung alak na hawak niya.

"shhh, bawal and maingay" tinakpan pa nito yung bibig ko at agad ko naman hinawa yung kamay niya.

"pwe, kadiri ka naman" sabi ko habang pinupunasan yung bibig ko.

Di ko naman ito maawat sa pag inom dahil heart broken ang bahog kaya hinayaan ko na din. At isa pa ayaw mag paawat, tinatakpan lagi bibig ko at sinasabihan pa kong maingay.

"ang shakit sa pusho Zaipyr , sha palang ang unang babae na binushted ako" iyak nito sa akin.

"gwapo naman ako diba?" napaka mahangin talaga eh. Lasing na yan ah. Kanina pa kami dito at kanina pa niya pinapaulit ulit na wala na daw mahihiling pa si andrea. Hays.

Hinagod ko naman ang likod nito "baliw, marami pa namang babae jan. Kinukulong mo naman yung sarili mo kay andrea" inirapan ko ito.

"di mo kasi nararamdam yung shakettt!" sabi nito sa akin.

"anong di nararamdaman ka jan, nakakaramdam ako no. Di mo nga lang nararamdaman" bulong ko sa huling part na sinabi ko.

"shinungaling!" sigaw nito sa akin.

Binatukan ko ito "aba, ako pa sinungaling?"

"di mo pa kasi nararanasan di magustuhan nang taong gushto mo" dinuro pa ko nito sa pisngi.

"eh pano may gusto siyang iba" hindi ko Alam kung bakit kami nagkaroon ng ganitong usapan.

"edi umamin ka, ang hina mo din pala Zaipyr " sabi nito sakin.

"sana ganon kadali yon tyler" i frowned.

Natahimik kami at napiling uminom nalang. Di naman ako gaano umiinom dahil tiyak na wala mag uuwi sa aming dalawa kung pareho kaming malalasing. Atsaka broken hearted siya kaya umiinom at ako? Di ko alam kung dinadamayan ko sa lungkot to o nagdiriwang pa ko.

"hindi ko alam kung ano pa yung kulang sakin" nagulat ako nang umiyak na naman ito. Para pala itong bulkan eh, di mo alam kung kelan ngangawa.

"huy, tama na drama tyler" natatawa kong saway dito.

"ano ba kasi gusto ng pinsan mo?" naawa naman ako dito dahil legit na umiiyak ito.

Napakadalang na nung mga kagaya ni tyler, ang swerte ni andrea kay tyler kung pagbibigyan niya ito manligaw.

"diba sabi mo, there are 3 things on why she doesnt like me back?" tanong nito.

"oo, uulit--" pagputol nya sa sasabihin ko.

"ano yung pangatlo? Hindi mo pa sinasabi sa akin" sabi nito.

Nag isip agad ako ng palusot dahil tiyak na kukulitin ako nito kundi ako magpapalusot.

"nakalimutan ko nga, hayaan mo bukas tatanungin ko siya" pang uuto ko dito.

Bumuntong hininga ito atsaka tumungga nang tumungga ng alak.

"hoy, sobra sobra na yan" pag awat ko sa kanya.

Pero tinitigan ako nito kaya nagtaka ako. Maya maya ay dahan dahang nilalagay nito ang kamay niya sa kaliwang pisngi ko "ang ganda mo" namula ako sa sinabi nito.

Bakit sa kanya iba yung dating sakin? Pero pag iba yung nagsasabi naiinis ako.

"t-talaga?" tanong ko dito.

"oo andrea"

---

Will finish this and Muli so i can make a chapter/s na sa never yours :)

STAY SAFE!

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now