16

95 3 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"ewan ko ba kung bakit naisipan ni tyler maglasing, sabi niya kanina di daw siya masyadong maglalasing pero tingnan mo, nauna pa sakin" kwento ni thirdy habang naglalakad kami sa hallway papuntang kwarto nila.

"dito room niyo?" tanong ko kay thirdy nung makahinto na kami sa tapat ng kwarto nila.

Tumango ito habang hirap na hirap kunin yung susi nito sa bulsa niya. Apat na kwarto lang pala yung layo sa kwarto namin.

"ito naman kasing si Tyler kung makapag lasing kala mong may babysitter" inis na sabi ni Thirdy.

Nang ma buksan na nito ang pinto ay pinagtulungan namin ihiga si Tyler si kama nito.

"ahm Zaipyr , iwan ko muna si tyler sayo ah, di ako masyadong nakapag enjoy dahil sa isang to" thirdy said while scratching his head.

Ang sabi ko tutulungan ko lang si thirdy na ihatid si tyler sa kwarto nito pero bakit ginawa na kong babysitter?

"o-oh sige, pakisabi kay anton di na ko babalik ah, pagod na kamo ako" bilin ko dito bago lumabas.

"ok sige, salamat zai" sabi nito bago isara yung pinto.

Agad akong tumayo para tanggalin yung sapatos nito pero natigilan ako nang gumalaw ito. Tiningnan ko kung nagising, di naman pala, umayos lang ng higa, yung mas comfortable siya.

Nang matanggal ko na yung sapatos ay itinabi ko ito sa gilid. Gusto ko nang matulog pero hinihila ako ng presensya ni tyler na maupo muna at panoorin soyang matulog.

Malakas talaga so tyler kesa sakin, di ko malabanan yung sarili ko pag si tyler na eh. Ang hina ko pagdating kay tyler.

Dahan dahan kong pinatong yung kamay ko sa buhok nito para hawiin. Medyo mahaba na din kasi ang buhok nito, ang huling pagupit nito ng buhok ay yung nagpunta kami kala andrea para tumambay daw. Nagpagupit siya para mas pogi daw siya. Natawa ako sa ala ala. Tngina tyler bakit ba ginaganito mo ako? Naiinis na ako.

Napako yung tingin ko sa muka nito, kala mong anghel pag natutulog eh, pero sinaktan ako nito ng wala siyang kaalam alam.

Napatalon ako ng biglang nagvibrate yung phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Agad ko naman kinuha yon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"nasan ka na? Kanina pa kami naghihintay dito" sigaw ni anton sa kabilang linya. Maingay kasi kaya sumisigaw na siya.

"hindi ba sinabi ni thirdy sayo na di na ako babalik jan dahil pagod na ako?" tanong ko dito.

"ano?" sigaw na tanong nito.

Hindi naman ako pwedeng sumigaw dahil tulog si tyler.

"lumabas ka kaya nang magkaintindihan tayo no" siguro palabas na ito dahil unti unting humihina na yung ingay.

"ano ulit yon?" tanong muli nito na di na sumisigaw.

"sabi ko, wala bang sinabi si thirdy na di na ako babalik? Pagod na kaya ako, kanina ko pa sayo sinasabi yan" sabi ko dito.

"maniwala ako sayo, porket kasama mo lang si tyler eh" pusa, pano niya nalaman na kasama ko oa hanggang ngayon?

Tatanungin ko na sana kaso nagsalita si tyler kaya napatingin ako dito baka tinatawag ako.

"andrea"

"tngina, ako yung nandito oh, bakit si andrea pa rin hinahanap mo"

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now