21

90 3 1
                                    


"ano ba? Let go of me" inis na sabi ko habang hinihila yung kamay ko sa hawak niya. Pero matigas pa din siya at hindi ako pinansin at pinagpatuloy lang ang paghila sakin.

"ano bang problema mo? Nanahimik ak--"

"ikaw ang problema ko" sigaw nito sa akin kaya nahigit ko na ang kamay kong hawak niya.

Feeling ko naman di kami maririnig dito dahil medyo malayo ito sa mga kasama nitong maiingay na naliligo sa dagat atsaka di nila malalaman na nagtatalo kami dahil nasa likod kami ng malaking bato.

"ako? Ano bang ginawa ko sayo? Nanahimik ako diba? Di nakita pinapansin kaya paanong ako?" matapang na tanong ko. Kailangan tapusin ko na to.

"yan ang problema ko Zaipyr, bakit ba di mo ko kinakausap? Ano bang ginawa ko sayo? Bigyan mo naman ako ng paliwanag zai kasi nahihirapan din ako" kita ko sa muka niya ang lungkot. Umiwas ako ng tingin dahil baka bumigay ako, mahirap na.

Huminga ako ng malalim atsala nagsalita ulit "diba sinabi ko na sayo na tapos na yung napag usapan? Ayaw ng pinsan ko sayo kaya dapat tapos na din tayo" paliwanag ko sa kanya pero mukang di siya nakumbinsi.

"sa tingin mo maniniwala ako sa mga rason mo? Di tayo ganon katagal nagsama zaipyr pero kilala kita, sa sandaling panahon na yon alam kong kahit ayaw sakin ng pinsan mo, ipagpapatuloy mo pa rin ang pakikipag kaibigan sakin dahil alam kong kaibigan na din ang tingin mo sakin" totoo lahat ng sinabi niya pero di ko kayang aminin sa kanya yon. Ayoko at di ako aamin.

"kung ayaw mong maniwala edi wag, basta ako sinabi ko yung rason ko" sabi ko at tumalikod na pero hinigit niya ako sa braso kaya napaharap ako sa kanya.

"si anton ba?" madiin na tanong niya.

"ang kulit mo, hindi nga eh" sabi ko at hinigit ulit ang braso ko.

"bakit ba pinapahirapan mo ko?" he softly said kaya napatingin ako sa kanya at nanlambot ang tuhod ko. Ang hirap niyang panoorin sa ganitong lagay.

"hindi naman kita pinapahirapan eh, ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo" sabi ko sa malambot na tinig. Unti unti na akong bumibigay, masama to. Tiningnan niya ako sa ekspresyon na nagmamakaawa.

"zaipyr naman, bakit ba ayaw mo na sakin? Ok naman tayo dati ah? Bakit naging ganto?" tanong nito sakin kaya napayuko ako.

"kasi nahihirapan ako tyler" he lifted my chin kaya nakatingin ulit ako sa kanya.

"tell me zai, what is it? Tutulungan kita, alam mo naman na lagi akong nandito para sayo diba?" sabi nito kaya napaiyak na ko.

"hindi mo kaya tyler" umiling ako atsaka pinunasan yung luha ko.

"kaya ko zai, kakayanin ko. Ilang linggo akong di mapakali kung bakit ka nalang nawala sakin bigla" sabi nito kaya mas lalo akong umiyak. How could he say that? Hindi niya naman alam eh, pano pag nalaman niya? Edi ano? Siya na ang lalayo? Dahil di niya kayang gawin simula pa lang.

"hindi mo kaya tyler" sabi ko ulit dito.

"try me zai, try me" seryosong sabi nito sakin. Huminga ako ng malalim, its now or never. Mapilit sya eh, tsaka maganda na din to, di niya na ko kakausapin.

"gusto kita tyler"

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now