10

111 4 0
                                    

TYPOS, MISPELLED AND WRONG GRAMMARS AHEAD

"anak may nanliligaw na ba sayo?" nabilaukan ako sa tanong ni mama.

Kumakain na kami ng merienda matapos namin maglibot libot dito sa mall.

"ma naman" sabi ko dito atsaka tinanggap yung inabot niyang juice.

"nagtatanong lang, ikaw naman. So ano? Meron ba?" minsan talaga parang hindi nanay tong si mama e, parang kapatid ko lang.

"wala ma" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain ko.

"bakit?" takang tanong nito.

"ma, drop the topic" nahihiyang sabi ko dito.

"tomboy ka ba Zaipyr ? Hindi porket Zaipyr pinangalan ko sayo magiging tomb--" nilinga linga ko yung paligid kung may nakikinig ba sa amin pero wala naman dahil maingay. Nakakahiya kasi kung may makakarinig.

"ma hindi ako tomboy, sana nga nagtomboy na lang ako" bulong ko sa sarili. Kung tomboy ako di naman ako kikiligin kay tyler at hindi naman ako makakaramdam ng sakit sa kanya diba?

"kinabahan ako sayong bata ka, gusto ko magka apo eh" i rolled my eyes at her, nanay ko ba talaga to?

"at anong sabi mo? Sana nagtomboy ka na lang? Ikaw bata ka talaga. Bakit gusto mo magtomboy ha? " sabi nito atsaka hinampas ako sa braso.

"aray ko naman ma" reklamo ko habang hinihimas yung pinalo niya. "drop the topic, wala lang yon" sabi ko dito at kumain na ulit.

"hindi kita titigilan hanggat di mo ko sinasagot" banta nito sa akin.

Napabuntong hininga ako "ma, naguguluhan ako kung gusto ko ba talaga sya o hindi"

Nanlaki yung mata ng nanay ko "talaga ba anak? May nagugustuhan ka?" masayang tanong nito, tumango lang ako.

"teka, babae ba yan o lalaki?" tanong nito kaya napabuntong hininga ulit ako.

"lalaki yon ma" sabi ko dito.

"buti naman" sabi nito atsaka uminom ng juice.

"o sige, magkwento ka na" sabi nito matapos uminom.

Kinwento ko sa nanay ko kung paano nagsimula ang lahat. Mula sa pinsan kong si andrea hanggang sa deal namin hanggang sa hindi ko na siya kinausap dahil sa nararamdaman ko at hanggang sa makilala ko si anton.

"ano bang nagustuhan mo sa kanya?" tanong nito, ubos na yung kinakain namin kaya nakatambay nalang kami dito.

"seriously?" tanong ko dito.

"ano nga?" tanong ulit nito.

"di ko alam ma, alam ko lang isang araw kinikilig na ko sa kanya at nasasaktan ako kapag si andrea ang bukambibig nito" paliwanag ko dito.

"bakit ba kasi pumayag kang tulungan siya na ligawan si andrea? Dapat ikaw nagpaligaw" sbai nito.

"ma, di ka nakakatulong" sabi ko dito at sumandal sa upuan ko.

"biro lang anak, sabihin mo yung nararamdaman mo sa kanya kapag ready ka na para mawala yang bigat na dinadala mo. Malay mo diba, pareho pala kayo ng nararamdaman kasi diba sabi niya bumalik ka na daw sa kanya?" paliwanag nito.

"pano pag hindi pala? Pano kapag ang ibig sabihin non ay bumalik ako as his friend?" tanong ko dito.

Inabot ni mama yung kamay ko kaya binigay ko ito. "alam mo anak, walang mangyayari kung di mo susubukan o kung gusto mo yung anton nalang"

"ma!" inis na saway ko dito.

"biro lang eto naman. Alamin mo sa sarili mo kapag nakasama mo siya sa palawan"

3 things // Tyler TioWhere stories live. Discover now