Damn it, sobrang nahihilo talaga ako! Pakiramdam ko ay magba-black out talaga ako!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa labis na kirot sa ulo ko. Ngunit bigla akong napamulat nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Oh gosh! Narito na ang order ko.

With all the remaining strength I have, I stood up while panting heavily and groaning in pain.

"Damn!"

Marahan kong binuksan ang pintuan at laking gulat ko nang tumambad ang isang mapang-asar na ngiti sa harapan ko.

"What are you doing here—"

Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay.

Argh!

--

"Damn you, Sunny! Ang kapal mo talaga para pag-isipan ako ng ganiyan! I'm not like your boyfriend, yuck!"

Nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng ingay ngunit nanatiling pikit ang mga mata ko.

"I just went here because you told me so. And damn! Biglang nagblack out sa harap ko!... Tsss. What the hell?! I'm not interested in this petite woman."

Who the hell is inside my house at bakit ang ingay-ingay niya?! Damn this intruder!

"Ha! Mutual talaga kami. Pareho naming hindi papatulan ang isa't isa. Ikaw lang naman talaga 'tong ma-issue. C'mon, don't be so malicious. We're just friends."

Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko. Nasa sala pa rin ako at nakahiga sa sofa. Nang lumingon ako sa kanan ay nakita ko ang lalaking nakatalikod at tila may kaaway sa telepono.

Magsasalita pa sana ako ngunit pinigilan ako ng kirot sa ulo ko.

Argh! Damn it!

"Wala kang kwenta kausap, Sunny. Ang pangit niyong mga Oliveros! Haha!"

Napapikit ako sa sakit at naramdaman kong papalapit na sa akin ang lalaki. Gustuhin ko mang alalahanin kung sino ang lalaking ito at alamin kung paano siya nakapasok sa bahay ko ngunit mas nangibabaw talaga ang pagsakit ng ulo ko.

"Hays. Ano bang gagawin ko sa'yo." he sighed then the doorbell rang. "Oh, mukhang may bisita ka pa yata."

I heard his footsteps, maging ang pagbukas ng pinto. He mumbled things, he's probably talking with the delivery boy. Shocks. Naaamoy ko na ang fried chicken and fries. Ugh! That shit made my head hurts more.

Ilang sandali pa ay nagsara na ang pinto. Binukas ko na ang mga mata ko kahit na kumikirot pa rin ang ulo ko. Nilingon ko siya at kasalukuyan niyang inaayos ang mga inorder kong isang katerba. Animo'y may fiestang nagaganap sa dami nito.

"Bumangon ka na. Nandito na 'yung orders mo. Binayaran ko na rin and you're welcome."

Hindi ko alam kung paano ko nagawang umirap sa kabila ng pagpintig ng ugat sa utak ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pinapunta ako ni Sunny rito noong nag-text ka sa kaniya na hindi ka makakapasok dahil masama ang pakiramdam mo." He said then shifted his gaze on me. "And as you open the door, you collapsed. Nahimatay ka yata sa kagwapuhan ko."

A playful smile formed in his lips. Binigyan ko lamang siya ng matabang na ekspresyon. Seriously? He has the guts to say those words? Siya nga itong dahilan kung bakit nag-collapse ako. Pinuyat niya ako.

"Kumain ka na. Sobrang payat mo. Mas bagay pa sa'yong maging pasyente kaysa doctor, e."

"Ang daldal mo, 'no?"

TagpuanWhere stories live. Discover now