Hindi muna ako papasok dahil feeling ko talaga ay magco-collapse lamang ako sa hospital. I need to eat like a king and get some rest.

Bumangon na ako para sana maghanda ng breakfast nang muli na namang nag-ring ang phone ko. I thought it was sunny but it was an unregistered number ngunit sinagot ko pa rin ito.

"Hello?"

[Doctora na walang jowa!]

I smiled when I heard Patricia's voice.

"Where did you get my number?"

[Secret. Bakit wala ka pa, doctora? Anong oras na oh! Ang aga mo pumasok lagi tapos ngayon late ka? Tsss.]

"I'm not feeling well today so I decided to take a rest muna. Ikaw, dapat nagpapahinga ka rin. Bawal ka gumamit ng phone, ah!"

[Walang bawal kapag ikaw ang tatawagan ko, Doc!]

"Hays. Pasaway." naiiling na sabi ko.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan ngunit naalarma ako nang makarinig ako ng pag-ubo.

In a snap, my heart beats rapidly. Para akong bumalik sa nakaraan at nakita ko si Alli na umuubo ng dugo.

"PAT! PATRICIA! WHAT'S HAPPENING?"

Napatayo ako sa kama ko ngunit bigla akong nahilo kaya napaupo ulit ako. Damn it! Nanghihina talaga ako ngayon!

[H-Hello Doc? Nasamid lang si Pat. Pasensiya na po.]

Bigla akong kumalma nang marinig ang boses ni Ma'am Flora. Na-trauma na yata ako sa ubo. Hays!

[Hello again, Doc!]

Muli kong narinig ang boses ni Pat ngunit sa pagkakataong ito ay parang nahihirapan na siya. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya kaya nahihirapan siyang magsalita.

"Pat, are you alright?"

[Opo, Doctora...]

"Are you sure?" naningkit ang mga mata ko at nagsimula na naman akong kabahan.

[Yes. D-Definitely sure, Doctora.]

"Okay." huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "Pasensya na kung wala ako ngayong araw. Talagang masama lang ang pakiramdam ko."

[I understand, Doctora. Basta bukas nandito ka ha? May ibibigay ako sa'yo.]

"Yeah, sure. Thank you. That's so thoughtful of you." nakangiti kong saad.

[No problem, Doctora! Sige na, I'll hang up na. Kumain ka na at magpahinga para magkajowa ka na!]

"Pasaway ka talaga." nailing-iling na lamang ako habang nakangiti. "Bye, Pat. Reserve your energy for tomorrow."

[I will. You too, Doctora Alys. Ililigtas mo pa ako.]

Pakiramdam ko'y sumikdo ang puso ko sa sinabi niya. Isang malungkot na ngiti ang siyang kumurba sa labi ko dahil doon.

"Y-yeah..."

Hanggang sa mamatay ang tawag ay hindi ko inalis ang telepono sa tainga ko. Para akong nanigas dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, humiling nga pala sa akin si Patricia na iligtas ko siya.

Sana...

Sana nga magawa ko.

I shrug my thoughts off at ibinaba ang telepono upang umorder na lamang ng pagkain online. Hindi ko talaga kayang kumilos masyado. Over-fatigue na yata ito.

Pinigilan ko muna ang sarili ko na makatulog upang hintayin ang order kong pagkain mula sa isang fast food chain. Sinikap ko ring makababa sa sala para mas mabilis kong mabuksan ang pintuan kung sakaling dumating na ang order ko.

TagpuanWhere stories live. Discover now