Chapter Eleven

463 44 4
                                    

“Breaktime, Sir. In case you're forgetting... again.”

Isang tray ng samu't saring pagkain ang lumitaw sa harap ni Quillan, sa pagitan ng kanyang mukha at ng laptop screen kung saan nire-review niya ang nakuhanang mga eksena sa loob ng nakalipas na apat na oras.

Dumirecho siya ng upo, at tumingin sa kanan. Ang nakangiting mukha ni Macy ang sumalubong sa kanya.

Kahit kaninang alas siete ng umaga pa sila nagtatrabaho, at pasado alas cuatro na ng hapon ngayon, ay tila mas fresh pa sa umaga ang itsura ng dalaga.

“Thanks, Mace.” sabi niya at itinabi muna ang laptop upang ang pagkain ang mapagtuunan ng pansin.

“Our caterers prepared superb snack and early dinner food, as usual. Kaya hindi mo dapat kinakalimutan na kasama ang pagkain kapag breaktime, hmm?” sabi nito bago naupo na rin sa bakanteng silya sa tabi niya. “Kain na.” sabi nito bago sinimulan nang lantakan ang dalang pagkain.

And Macy ate in such a way that anyone, and especially him would want to eat as well. Talagang tumitingin pa ito sa kanya habang kumakagat, ngumunguya, bago medyo mapapapikit sabay sasabihin kung gaano kasarap ang kinakain nito kahit puno pa ang bibig.

Sino naman ang hindi mae-engganyo sa ganoon? Pagkatapos ay ipipilit pa nitong ubusin niya ang lahat ng kinuha para sa kanya, at kapag nakita nitong nag-aalangan pa siya ay kukunin pa ni Macy ang kubyertos at ito na mismo ang magpapakain sa kanya.

Which isn't bad, really. If only he didn't find it strange. Ano kaya ang nangyari? Not that he's complaining.

“I can't believe na five days pa lang tayong nagsu-shoot pero halos dalawang episodes na ang natatapos natin. Hindi pa kasama iyong natapos na retakes nung ilang scenes sa ginawa ninyong pilot dati.” sabi nito sa pagitan ng pag-atake sa isang malaking subway sandwich. “Ang galing ng mga artista, ng crew...” then she looked at him with that playful glint in her eyes. “Ang galing ng director.”

“You are beginning to scare me, Mace.” naiiling na sabi niya bago muling sumubo ng potato salad.

Tawa lang ang isinagot doon ng babae. And man, does she sound even sexier when she laughs.

“Just eat, love.” sabi nito, sabay tapik sa braso niya. Iyon pa ang isang gumugulo sa sistema niya.

He has never known Macy to ever use anything too British in her everyday speech. “Love” or “Doll” is something most Londoners use generously to refer to just about anyone they took a liking to. But it takes a whole new, different meaning somehow, when she's the one who says it. To him.

It really does sound affectionate, and sweet coming from her. And was it just him or was there really a hint of flirtation whenever she calls him “love”?

“Quillan, huwag mo akong masyadong tingnan at baka mawalan ka ng gana diyan sa kinakain mo. Eat!” nangungunot ang noo pero nangingiting sabi ni Macy bago nito itinuon na rin ang atensyon sa kinakain.

Ganoon na rin ang ginawa niya, at hindi niya alam kung paanong naubos niya ang mga nasa tray, pati na ang peach sorbet na dessert gayong masyado siyang aware sa presensya ng magandang katabi niya.

Matapos kumain ay niyaya niya si Macy na mag-ikot muna dahil mahaba-haba pa ang break nila. Nasa Battersea Park sila, na bukod sa malapit sa bahay niya ay malapit din lang sa pamosong River Thames kung saan sila magse-set up mamaya para sa nalalabing mga eksena para sa schedule nila for the week.

At two hundred acres, Battersea Park is a favorite among Londoners. Di gaya ng Hyde Park ay hindi pa ito  ganoon kakilala ng mga turista. Ito ang itinuturing na sanctuary ng mga mahilig tumakbo o mag-bike, paboritong pasyalan ng mga gustong makatikim ng lilim at sariwang hangin lalo na sa tuwing mainit ang panahon dahil sa maraming malalaki at matatayog na punong nagkalat sa buong parke.

Marami ding iba pang facilities ang Battersea na dinarayo lalo na ng mahilig sa sports dahil mayroon ditong tennis courts at soccer field. Katabi lang din ito ng River Thames at ang buong stretch nga bahaging iyon ay popular sa mga joggers. There's also a boating lake near the gardens and children's zoo.

"Second day pa lang ng filming natin dito at ni hindi ko pa nga ito nalilibot kahit diyan lang tayo  nakatira, but I am begiining to fall in love with this place already." sabi ni Macy sabay kuha sa flyer na inaabot ng nadaanang grupo ng aktibista at inilagay iyon sa dalang messenger bag.

And the park is also a favorite among all types of  activists, but they're not the loud, overzealous  type. Huminto rin siya saglit at pumirma sa petition para sa renovation ng malakling  playground sa park, bago iyon ipinasa kay Macy.  "Yeah, I know what you mean. I have been living  in this neighborhood for four years and I have  biked around this place countless times already, but it never loses its magic." ngumiti siya sa katabi, at sinadyang tingnan ito ng matagal.

Macy usually feels uncomfortable whenever he would look at her like this, pero ngayon ay parang ang tapang nitong salubungin ang tingin  niya.

"So, is there anything you want to talk to me  about? Any last minute changes you want to make on the scenes later?"

Umiling siya, bago hinagip ang kamay nito. "Nah,  the script's perfect." nagpatuloy sila sa  paglalakad. "However, what I want to talk to you  about has to do with certain... changes."

Hindi nakaligtas sa kanya ang nagdaang emosyon  sa mga mata nito. Tila nagulat ito na nagalit na  nag-alala. "Fire away!"

"You're being extra nice..." mabagal na umpisa  niya. "And just a little too sweet lately. It's kind of  strange considering how you've been."

"And how have I been?"

"Parang umiiwas ka sa akin, parang hindi mo ako  gusto dati."

Natawa ito. "Quillian, bagong salta ako dito sa  London. At bago din sa akin ang tumira sa isang  bahay na lalaki ang kasama, at tayong dalawa  lang. Doesn't matter what my preference is, it's still... weird."

"Why was it weird?" untag pa niya.

"Duh? We're different. At nag-a-adjust pa ako,  Nangangapa pa kung ano ang ugali mo, kung  magkakasundo tayo."

"And how do you find me now?"

An Affair in London Where stories live. Discover now