Chapter Eight

474 42 4
                                    

Tahimik sila habang nasa biyahe patungo sa BNTV center. Pero kapag may nadaraanan silang landmark o building ay may mga trivia o anecdote si Quillan tungkol doon.

At kahit araw-araw na niyang nakikita ang mga nadaraanan ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha sa tuwing madaraanan ang River Thames, ang Big Ben at ang Saint Paul's cathedral, kung saan ikinasal ang namayapang si  Princess Diana and Prince Charles.

Kahit magkandabali na ang leeg niya sa katitingin ay balewala sa kanya. She has always loved old world architecture at mayaman doon ang London. Her personal favoriteS are the Somerset House and its Georgian charm, ang tore na kung tawagin ay Monument to the Great Fire of London na plano niyang akyatin one of these days at ang pinakapaborito niya, ang Tower bridge.

“Minsan, papasyalan natin ang lahat ng iyan. Pero isa-isa lang ha?”

Nilingon niya si Quillan. Nakangiti ito at tila naaaliw dahil halos idikit na niya ang mukha sa bintana kakatingin sa labas.

Nag-init ang pisngi niya. “Oo naman. Ang dami kaya, at ayoko namang madaliin ang pagbisita ko.”

Masuyong pinisil nito ang braso niya, bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Gaano katagal na kaya siya nitong tinitingnan?

Ginagawa ba nito iyon araw-araw?

Nang marating nila ang BNTV center ay sinalubong agad sila ng makukulit na mga ka-opisina. The English people maybe known for their unspoken code of conduct, of keeping and respecting personal space, but those at BNTV are an especially friendly and accommodating lot. Dahil siguro iyon sa karamihan sa mga kasamahan niya ay hindi talaga taga-Britain, kundi galing pa sa ibang bansang bumubuo ng United Kingdom gaya ng Northern Ireland, Scotland at Wales.

Ang mga writers nga niya ay hindi purong Londoner. Irish sina Geri at Melanie, habang Scottish naman si Jon, na palagi siyang kinukulit tungkol kay Quillan. Crush kasi nito ang housemate niya.

“I'll see you later.” sabi ng binata sabay akbay at hinagkan ang tuktok ng ulo niya. Ginulo pa nito ang buhok niya bago tuluyang lumayo at magpunta sa opisina nito.

“Will you just look at that man! Too fanciable for words!” sabi ni Geri na sumandal sa desk niya.

“Did you ever see that man without his shirt on, Mace?” tanong naman ni Mel, na nangalumbaba sa divider ng cubicle niya. “Didn't you ever feel like changing your mind whenever you do?”

Napailing siya. “You girls...” Kung alam lang ng mga ito na araw-araw niyang nakikita si Quillan na tuwalya lang ang suot. The man is magnificently sculpted. Bukod sa hindi niya pagsasawaang tingnan ito ay hindi na rin siguro magbabago ang reaksyon niya sa tuwing makikita itong hubad.

Oftentimes, she wondered what it would feel like to touch him.

“You silly old bats.” Sabad ni Jon habang nilalaru-laro ang Hermes scarf nito. Tumingin ito sa kanya ng makahulugan. “If ever you see him naked, though, please remember your poor writers and take a picture. Will you, love?”

She groaned. “I have not seen him naked, you pervs.”

Natawa lang ang tatlo. “Come on, Mace. He's a man, and he's Filipino. He's supposed to be fond of taking showers.”

Gustong tuktukan ni Macy ang sarili dahil pagkarinig sa sinabi ni Jon ay na-imagine nga niya si Quillan under the shower. Oh, God. “I have not seen him in the shower!” bulalas niya. Ooopps.

Natawa lalo ang tatlo.

“Of course you won't see him, unless you want to.” nanunudyong sabi ni Geri. “But blokes like air drying themselves, don't they? They like walking around the house wearing only a towel or skimpy boxers.”

Napailing muli siya. “You guys, I have not seen Quillan naked, okay?” sabi niya, na napalakas yata dahil natahimik ang tatlong kaharap niya.

Ngunit may kakaiba sa tingin ng mga ito. She felt her cheeks growing hot.

Mukhang napalakas nga ang pagkakasabi niya na hindi pa niya nakitang hubad si Quillan, dahil pati ang nasa ibang cubicle at mga padaan ay nakatingin din sa kanya.

O sa kung sinumang nasa likod niya.

Oh no, don't tell me... Kinabahan siyang bigla, and then she became aware of that distinct scent. Fresh, clean, and so manly.

Marahang iniikot niya ang upuan at nakitang nasa likod na niya si Quillian. Shit.

“Ah, Mace.” kunwa ay nasaktang sabi nito. “How can you even deny it? You see me every day without my shirt on, and you totally check me out. How could you not tell your friends about it? You're breaking my heart.”

Narinig niya ang tawanan ng mga ka-opisina, sa pangunguna ng tatlong writers niya.

Asar na hinampas niya si Quillan ng nahagilap na folder.

Natatawang ginulo lang muli nito ang buhok niya, bago pasipul-sipol pang naglakad na muli palayo.

Pinanlakihan niya ng mata sina Geri na noon ay nanunudyo na ang tingin sa kanya.Nangingiting nagsialis na rin ang mga ito at nagpunta na sa kanya-kanyang cubcile.

She was left with her face on her palms.

Oh yes, she has seen him. Shower fresh and half-naked. And she sees him like that every day since she moved into his flat.

But she had no idea he noticed that she actually, checked him out.

An Affair in London Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon