Chapter Fourteen

466 46 6
                                    

Maaaring nakalilito ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon ni Quillan, ngunit hindi rin niya gusto ang katotohanang accessory siya sa pagta-traidor dito.

"Not your kind of day, huh?" at parang ayaw naman siya nitong tantanan.

She turned to him and gasped when she realized he was leaning way too close. "I am trying to focus here." protesta niya.

Umarko ang isang kilay nito. "Come on..."  malambing na sabi nito sabay inilapit pa ang mukha sa kanya. "We haven't spent much time together these past weeks. it's all work."

Tinaasan din niya ito ng kilay. "And who's fault was that?"

His eyes glinted knowingly. Oh shit, ano nga ba ang sinabi niya? "I wouldn't blame it on that..."

"Wala akong..." pinagdikit niya ang mga labi. My God, what is this? They're bickering like an old married couple!

"Are you regretting it now?" at mukhang nag-e- enjoy pa itong makita na wala siyang masabi  ngayon.

Umiling siya. Regretting it? I cannot stop thinking about it! About the kiss. About you.

Sana ay kaya niyang sabihin ang mga iyon. Sa halip ay muli niyang ibinaba ang tingin sa makapal na folder sa kanyang kandungan. Only  to have Quillian lift her chin and turn her face towards his. Hinintay niyang may sabihin ito, kahit pa nag-uumpisa na namang maging erratic ang tibok ng puso niya dahil sa paghihinang ng kanilang mga mata. "Quillian." sabi niya na may bahagyang pagbabanta sa tono dahil sa halip na magsalita ay pinakatitigan lang siya nito.

With that knowing smile on his lips. And a  mischievous glint in his eyes. Is this man, by any  chance, flirting with her?

Iniisip pa niya kung ano ang susunod na gagawin nang mag-vibrate ang cellphone sa kanyang bag. What a welcome distraction, she thought. Ngunit nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya ay pinagsisihan niya ang pagsagot ng hindi tinitingnan muna ang caller ID. Dinig niya ang mahinang tunog ng paghampas ng alon sa background, kahalo ng masayang usapan at tawanan ng kung sinumang mga kasama ng tumawag sa kanya.

Nasaan kaya ang babaeng ito ngayon? Sa mga oras na ito ay hatinggabi na marahil sa Pilipinas. "Himala, nagparamdam ka."

Tawa lang ang isinagot ng nasa kabilang linya, na walang iba kundi si Sarah. "Nagtampo ka naman agad. Good afternoon to you too, love."

She huffed. Natawa lang muli si Sarah. Nakainom kaya ito?

"How's filming, Mace? I keep talking about you to every person I come across here. Excited na akong mapanood yang series nyo this October."

She sighed. "Ayos naman." sumulyap siya kay  Quillan, na noon ay lumayo na ng bahagya sa  kanya ngunit halata namang nakikinig. "We're actually just taking a break right now. Stand-by  mode habang inaayos ang next set. Nasa South  Bank kami ngayon, near the London Eye."

"Oh wow, hindi pa tayo nakakasakay dyan ha."

"That's because you're either too busy, o tamad kang pumila kahit sa boarding."

Natawa muli ang babae. "Taray nito. Eh kung  gusto mong mag-ferris wheel, yayain mo si  Quillan."

She rolled her eyes, kahit hindi naman iyon  nakikita ng kausap. "Lagi na lang ganyan ang  sinasabi mo." Then again, that sounds like a good  idea. "Nasaan ka ba ngayon?'

"Boracay." sagot nito. "With Miguel."

Napailing siya. "Sarah..."

"What?" parang taka pang sabi ng kaibigan niya, bago hininaan ang boses. "You think Quillan is becoming suspicious?"

"Malay ko!" hininaan din niya ang boses. "Usually, pagdating sa bahay, galit-galit na kami."

"Good, good..." Halata ang relief sa boses ni  Sarah. "Mabuti iyan na masyado kayong busy at wala nang panahon to talk about me. Hayaan mo lang."

"I'm sure he misses you." hindi niya alam kung bakit medyo na-guilty naman siya.Muling natawa si Sarah.

"I miss him too." pagkuwa'y sumeryoso ang boses nito. "But you know I need to do this, Mace."

Napabuntung-hininga siya. "Don't think I support you on this one, Sarah." nakita niyang kausap ni Quillan ang isang cameraman nila.

"I don't expect you to. Sapat na sa akin na alam mo at naiintinidihan mo somehow."

"Sino'ng maysabing naiintindihan kita?"

Natawa lang si Sarah. "I miss you, Macy."

"Whatever." sumulyap muli siya kay Quillan, na noon ay nakatingin na muli sa kanya.

"Taray mo!" natatawa pa ring wika ni Sarah. "O sya, I have to go. Kiss Quillan for me, okay?"

"Yeah right." sinenyasan nya si Quillan na  lumapit. "He's here, he wants to talk to you."

"Mace naman. Just kiss him for me."

Sa halip na sumagot ay iniabot niya sa binata ang cellphone.

"Hey, sexy... Huh? Really?" tumingin ito sa kanya habang nakikinig sa kung anumang sinasabi ni Sarah sa kabilang linya. "Yes, kanina pa kami magkatabi dito. Medyo bad mood nga eh." pagkuwa'y natawa ito. "Already? Saan naman ang punta mo? Fine. O sige, next time. But whatever it is you told Macy to do for me, duda akong gagawin niya." he raised a brow at her.

And she just kept looking at him. Something about the teasing, smug, challenging look in his eyes made her defiant. Walang babalang hinawakan niya ang collar ng suot na jacket ni Quillan at hinila ito palapit sa kanya.

His eyes widened, but the anticipation in them was also undeniable.

Her lips touced his cheek, lingerd a bit then grazed the side of his mouth, before she pulled away as she held his gaze.

Marahil ay nagpaalam na si Sarah sa kabilang linya dahil tahimik na ibinalik na ni Quillan ang  cellphone niya. Bumitaw na rin siya sa collar nito, ngunit hindi siya agad nakalayo, dahil nahagip na  ni Quillan ang kanyang braso.

"Sometimes, Macy." he said huskily as his face drew near. "I wonder why I even hold back."

An Affair in London Where stories live. Discover now