Chapter Six

496 37 0
                                    

Dama niyang nakamasid lang si Quillan sa kanya.

“I'm sorry.” nagtaas siya ng ulo upang tingnan nito, pero kasabay niyon ang pagpatak ng luha niya. Napabuga siya ng hangin, bago marahas iyong pinahid gamit ang likod ng kamay. “Sorry.” nag-iwas siya ng tingin. Hinarap niyang muli ang pag-aayos ng gamit.

Pero nagsisikip na ang dibdidb niya. Nanginginig na rin ang mga kamay niya habang inilalabas ang ilang pares ng sapatos. Huminga siya ng malalim, at aktong itutuloy sana muli ang ginagawa ng maramdaman niya ang marahang pagpaikot ng braso sa kanyang balikat.

She was gently pulled up, until she found herself crying on someone's broad shoulder.

Para siyang kakapusin ng hininga. Kaytagal na rin simula noong huling umiyak siya ng ganito, sa harap ni Sarah. Pasko noon at ilang beses siyang sumubok tumawag sa bahay nila, pero ilang beses din siyang binabaan ng telepono. Minsan ay pabagsak pa.

“Hindi ko sasabihing magiging okay din ang lahat dahil hindi ko naman alam kung kailan magbabago ang isip ng pamilya mo at tatanggapin kung ano ka.” Quillan murmured against the top of her head. Marahang hinahaplos nito ang kanyang likod.

Hinahayaan lang niyang malaglag ang luha. Hindi siya maingay umiyak. Wala iyong sound, maliban sa alternate na pagsinok at pagsinghot niya. Now she felt embarrassed.

Nababasa na niya ang t-shirt ni Quillan.

Sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap nito ngunit pinigilan lang siya ng lalaki. “Basa na ang t-shirt mo.” mahinang sabi niya nang mag-angat ng tingin.

Parang lalong nagsikip ang dibdib niya nang magtama ang kanilang paningin. He was just five inches taller at about six feet, and he previously had his mouth against the top of her head. Now his lips were just centimeters away from hers.

“I don't see anything wrong. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi matanggap ng pamilya mo kung ano ang pinili mong maging... You're...” he swallowed. Tila may nagdaang kung ano sa mga mata nito. Parang pagkalito na may halong panic, o takot?

Then his gaze went down to her slightly parted mouth. Parang aatakehin na siya sa puso. Quillan almost looked as if he wanted to inch closer. Or was he really coming closer?

Hahalikan ba siya nito?

And did she seriously felt like closing her eyes then? Gusto niyang mag-iwas ng tingin, gusto niyang lumayo.

Pero gusto rin niyang hintayin, at malaman kung ano ang susunod nitong gawin.

Ang isang kamay nito ay nakaalalay sa kanyang likod, habang ang isa ay nakahwak sa kanyang baywang.

She hasn't had anyone hold her so tenderly like that. It felt so good, so right that it made her forget why she had tears in her eyes in the first place.

And he is still looking at her, and her lips. “Quillan...” tawag niya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Tila iyon naman ang gumising dito. Parang nakawala sa isang trance at ngayon ay napapakurap na, litong nakamasid sa aknya. Marahang binitawan siya nito. “I... I'd just go get you some water.” sabi nito bago  parang bantulot pang naglakad palayo, palabas ng pinto.

Habang naiwan siyang tulala at hindi alam kung ano ang iisipin, ngunit sigurado sa nararamdaman.

She is now officially confused, and it is all because of that man who just left.



“Grabe, akala ko wala nang katapusan.” naiiling na sabi ni Macy habang paupo sa gilid ng flower box ng isang Victorian building sa isa sa side Alleys ng Notting Hill.

Katatapos lang nilang lakarin ang halos kalahati ng dalawang milyang stretch ng Portobello Road, kung saan may hindi mabilang na sellers ng antiques, vintage finds at kung anu-ano pa ang dinarayo lalo na kapag weekend. Portobello Market is within the Notting Hill neighborhod sa West London, at malapit din sa ilang dinarayong pasyalan gaya ng Holland Park, Hyde Park at Kensington Gardens.

“Napagod ka ba?” tanong ni Quillan habang inilalapag muna ang dalang maliit na wicker chest. Isa iyon sa mga binili ng dalaga para sa  kuwarto nito. Bumili din si Macy ng aluminum tea set, at ilang vintage clothing items na lahat ay nakuha nito sa murang halaga.

“Oh no, I actually enjoyd it. But how the streets seem to go on and on just amazes me.” natatawang sabi ng babae habang inilalabas sa isang brown paper bag ang binili nilang pagkain. Crowded na kasi ang nadaanan nilang mga kainan kaya gumaya na rin sila sa karamihan sa Sunday  crowd ng Notting Hill at Portobello na kanya-kanya ng upo sa hagdan o flower boxes. Ang iba ay nakasalampak na lang sa cobbled sidewalks. Wala namang reklamo ang mga building owners, basta huwag lang magkakalat.

Macy looked at the beautiful row of townhouses across the street. Dito mismo sa neighborhood na ito unang nagkakilala ang characters sa nobela nitong Same Difference. It was also why he brought her here, so she can check out the place and maybe have a few suggestions how certain scenes and shots should be executed when they begin filming in less than ten days.

“Hindi yata ako magsasawang magpalakad-lakad dito. Parang kada pasyal mo dito, may bago kang makikita. No wonder madalas itong gamiting filming locations at isang pelikula pa ang ipinangalan dito.” dugtong nito sabay abot sa kanya ng nakabalot na roast chicken sandwich.

“Thanks.” he smiled. It has only been twenty-four hours since that scene in her room. Hindi na nila iyon pinag-usapan pa, at kapwa piniling huwag nang alalahanin. Pero alam niyang hindi iyon basta-basta.

It bothered him why somehow, he knew he was attracted to his girlfriend's bestfriend, who happens to be gay.

Naiiling na itinuon na lang din niya ang atensyon sa pagkain gaya ni Macy. Nevermind if he was too aware that the sides their bodies were touching from shoulder to knees, and that he could smell her still lovely scent even if she was a bit sweaty from walking an entire mile.

Napailing siya, bago nag-angat ng tingin dahil may  narinig na tumawag sa pangalan niya.

Agad siyang napangiti nang makita ang matandang babaeng palapit. It was Tita Luisa, a sixty-five year old retired nurse who now volunteers at halfway homes. May nakasabit na camea sa leeg nito. Mahilig kasi itong kumuha ng litrato.

“You look lovely as usual, Tita Luisa.” sabi niya matapos magmano sa matanda. Curious na nakatingin ito kay Macy.

“Kumusta po.” bati dito ng dalaga.
Halatang nagulat ito sa pagbati ni Macy. “Aba, Filipina ka pala. Akala ko ay Briton din o Irish.” the old lady smiled. “Now, isn't she the lovely one, Quil?”

Tiningnan niya ang katabi. And how he love looking at her. “Oo naman, Tita. By the way, Mace. This is Tita Luisa, she owns a place here in Notting Hill.” he grinned. “Tita, this is my friend Macy. Hulaan mo kung ano ang buo niyang pangalan.”

“Naku naman, pahihirapan mo pa ako, ano nga ba?” sabi ni Tita Luisa. Napansin niyang napailing lang si Macy, pero nangingiti.

“Marcella Del Pilar.” sabi niya. “Bayaning-bayani. Illustrado iyan, Tita.”

Mahinang hinampas siya ng matanda. “Ikaw talaga.” bumaling ito kay Macy. “But it is a lovely name, my dear. Kailan ba kayo nagkakilala nitong si Quillian?”

“Almost two years ago pa po. Boyfriend po siya ng best friend ko na si Sarah Mercado.” imporma ni Macy.

Nangunot ang noo ng nakatatandang babae. “Oh...” napailing ito. “Pardon me, I like Sarah, too. Pero...”

Natawa siya. “Tita, hindi ko girlfriend si Macy. Alam mo namang nasa Pilipinas lang si Sarah sa ngayon kaya hindi mo napagkikita.” napailing din siya. “Then again, ngayon lang uli ako nagawi dito kaya hindi kita masisisi.” inakbayan niya si Macy. “Kaya lang, Tita. Kahit maghiwalay kami ni Sarah, hindi puwedeng maging kami ni Macy.”

An Affair in London Where stories live. Discover now