Chapter 20: GE;GE√ Empress Challenge I (BEAUTY CATEGORY)

Start from the beginning
                                    

Tipid akong ngumiti at tumango. At sa unang pagkakataon, "thank you." Nasabi ko rin. Ngumuso naman siya at parang nag-teary eyed pa. Inikutan ko siya ng mata. Tss. OA talaga. Amp!

"Oh my so! You're making me cry like ahuhuhu! Pero anyways, mag-ready kana dahil any minute by now, darating na yung mag-aayos sayo. Don't worry, they're the best of the best! You'll be more gorgeous!" Aligagang aniya at umalis na sa likod ko. Kinuha niya yung Hermes bag niya at lumapit ulit sa'kin. Hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian. Aalis na sana siya pero tinawag ko uli.

"Why?" Nakataas ang dalawang kilay na aniya.

"Yung sinabi mo, may tatlong judges tama?" I ask and she nodded, "posible bang ang isang judge ay si Science?" Tanong ko uli. Baka lang naman kasi diba?

But she quickly shook her head. "No, no! Hindi pwede yun. Ang Emperor ay Emperor. He can't be a judge dahil isa yun sa rules sa Mendell Empire. Lalo pa't may hinamon siya at ikaw yun. Magiging unfair sa iba kung magiging judge siya dahil paniguradong malaki na agad ang puntos mo dahil pinili ka nga niya. Kaya no-no." Mahabang paliwanag niya sa'kin.

Tumango naman ako. Tama nga naman. Kumaway ulit siya sa'kin at tuluyan na talagang umalis.

Umalis ako sa harapan ng salamin at umupo sa couch na nasa gilid. Iniisip ko kung sino-sino kaya ang pwedeng maging judges. I nailed down every person in the school who I think has a high possibility to be a judge.

Kung hindi pwede ang Emperor na siyang may pinakamataas na posisyon sa eskwelahang yun, paniguradong ang mga taong nakapalibot sa kanya! Tama! Napatuwid ako ng upo.

Pero sino naman sa mga yun? Madaling makilala dahil kung sino ang wala mamaya, malamang na siya. E palaging nag-uumpukan ang mga kwagong yun kaya madaling mapansin.

Sa brain Category at Skill Category ako nag-iisip kung sino ang judges. Sa beauty Category, the person I am thinking right now has a high tendency na siya ang judge.

Bukod sa ganun siya, at ganyan siya. Parang siya na nga. That's a plausible explanation I can share right now.

Nagmukmuk pa ako ng konti bago nakarinig nang sunod sunod na doorbell. Tumayo ako at agad yung binuksan. Sinalubong ako ng dalawang bakla na halos pumutok ang labi sa pula.

Ni-head to toe ako ng isa na may purple na buhok. Nakatayo ang style nun at may shade pa nang gray at green ang dulo. Habang ang isa naman ay sobrang straight ng buhok niya at sobrang haba. Halatang inaalagaan. Parang buhok ng babae.

"Hi momshie! Ikaw ba yung sinasabi na besty forever ni Madame Cams?" Magiliw na saad nung naka-purple ang buhok. Hindi ko sila tuluyang pinapasok. Pero sandali, Madame Cams? Cams? Sino yun?

"I am Cecil Amarie Mietté San Diego! Other calls me Cams or simply Mietté!"

Umalingawngaw sa isip ko ang araw na nagpakilala si Amarie sa'kin. Tama, siya pala yun. Tiningnan ko sila at tipid na tinanguan tsaka ko sila ginaya papasok.

Nauuna ako sa kanila at pumasok nga kami sa kwarto ni Amarie. Sabi niya dito nalang daw ako mamalagi kung magbibihis na daw ako o mamake-upan man. May malaki kasi siyang vanity table na may mga ilaw sa gilid.

Habang naghahanda sila ay sinabihan ako nung may mahabang buhok na maghilamos daw muna. Tipid akong tumango at pumunta sa cr nitong kwarto. Hinayaan kong bukas ang pinto, hindi naman sa wala akong tiwala, napabuntong hininga ako; pero parang ganun na nga.

Habang naghihilamos ay narinig ko ang pagbubulungan nila. Napaismid ako.

"Naku ka, Berna! Ang dyosa dyosa ng lola mo! Kaso nakakashokot ang expresyones! Fill in the Blank!"

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now