CHAPTER 24: "NEW GUY"

247 13 2
                                    

CHAPTER 24: NEW GUY

“Ate Dafnieeeey!! Woooh!”

Napalingon ako sa likod ko!

Ano ba naman tong babaeng to? Bakit ba meron siyang CC at malaya siyang nakakapunta sa building namin?

Bakit di siya pinapagalitan ng mga teacher dito?

Leche! Ang ingay niya!

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.
tumatakbo siya papalapit sa akin at may hila hila siyang lalaki sa likod niya.

Huh? Si Yoh?

“Ate!!!”

Humihingal siya na tumigil sa harap ko at mas malinaw na nakita ko ang lalaki na hila hila nya na ngayon ay nakatayo sa harap ko. Matangkad, nakasalamin at nakauniform siya na pareho ng sa amin

Nagkatinginan kami at nagulat ako nang malaman kung sino ang nasa harap ko.

“haay! Nakakapagod”

Sabi ni Yukie habang hinihingal pa din dahil sa pagtakbo niya.

Sobrang nanlalaki pa din ang mata ko habang nakatingin sa lalaki sa harap ko.

Anong ginagawa niya dito?

Paanong?

Nanginginig na talaga ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Leche! Ano ba Dafniey!

“huh? May problema ba ate?”

Natanggal ang eye contact naming dalawa nang napatingin ako kay Yukie, tumingin siya sa akin at tumingin din siya sa lalaking yun na parang nagtataka.

“magkakilala ba kayo?”

Naguguluhang tanong sa min ni Yukie. Tumingin ulit ako sa lalaking nasa harap ko at tumingin siya sa gilid niya para umiwas sa akin.

Ngumiti siya kay Yukie at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo nito at ginulo ang buhok nito.

“Hindi kami magkakilala. Salamat sa paghahatid mo sa akin sa building na to ha?”

Pagsabi niya nun ay lumampas na siya sa gilid namin at pumasok sa loob ng room kung saan ako nagkaklase.

Para akong pinatungan ng napakabigat na bakal sa balikat ko pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi siya nagsalita.

“haaaah! Umalis na agad siya kahit gusto ko pa makipagkwentuhan(T__T)”

Napatingin ako kay Yukie dahil sa pagrereklamo niya na parang bata.

“ah-eh sino ba yun?”

Nauutal na tanong  ko kay Yukie kasabay na din ng pagpapanggap ko na hindi ko siya kilala. Sana tama siya, sana hindi niya talaga ako kilala. Sana nagkamali lang ako.

“Ah oo nga pala! di ko siya napakilala sayo Ate! Umalis kasi agad siya eh! Waaaaah (T___T) Siya si kuya Kenn Monterico, transfer siya galing sa ibang school at nagpaturo siya kung saan ang room na pinapasukan mo waaaaaah (T___T) ang swerte mo dahil pwede mo siyang kausapin kahit anong oras (T___T)”

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 20, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

VILLAIN!Onde histórias criam vida. Descubra agora