CHAPTER 9: HOT SCENE?! (O_____O)

785 27 16
                                    

CHAPTER 9: HOT SCENE?! (O_____O)

 

 

EXLIRIO’S POV:

Trouble maker na babae!

Wala man lang utang na loob..

Matapos akong pumara ng basta basta para lang wag siyang gaguhin nung panget na matanda sa bus kanina..

Tsss...(>_____>)

Bakit ba ang sama ng ugali ng babaeng to?

“hoy! Ano! Wala ka bang narinig?! Layas! Lumayas ka dito sa kwarto ko! chupi!”

Kung mabugaw ako parang insekto lang ah?

Sa gwapo kong to?

*smirk*

Bakit ba sa lahat ng babae sa mundo, siya lang yung hindi tinatalaban ng gwapong mukha ko?!

Nakakapagtaka na talaga tong babaeng to!

“HOY! PAG BILANG KO NG TATLO AT HINDI KA PA NAALIS IHAHAGIS KO TO SAYO!”

Ay potek!

Nagulat ako nang makita na may hawak na naman siyang tambo..

Napabalikwas kaagad ako ng bangon nung makita ko siya..

“oo na! Oo na! Lalabas na”

Sabi ko sa kanya habang nakapatong ang kamay ko sa ulo ko..

Potek naman oh!

Bakit ba ang init ng dugo niya sa akin?!

Baka naman nagseselos na siya sa mga babae ko?

Kasalanan ko bang gwapo ako?

Makaalis na nga lang..

Pupunta na lang ako sa Bar..

Baka may chickababes akong matagpuan dun!

_BAR_

“oh pare!”

Pagbati sa akin ni Cloud...

Napatingin ako sa katabi niya..nakaupo kasi siya sa may harap ng bartender’s table at

oh?

nandito din pala si Kerr eh..?

silang dalawa ang barkada ko sa Hairyn..

pamilya ni Kerr ang may ari ng Hairyn..

at paksh*t lang..ayokong magpaliwanag tungkol sa kanya..

“kanina pa ba kayo dito?”

Tanong ko kay Cloud at bigla na lang siyang ngumisi..

“siguro nag uwi ka na naman ng babae sa condo mo kaya madalas kang wala dito at kaya mo kami tinatanong kung kanina pa kami ano??”

Tanong niya sa akin..

VILLAIN!Onde histórias criam vida. Descubra agora