CHAPTER 12: "THE REAL KENNETH"

567 18 8
                                    

CHAPTER 12: “THE REAL KENNETH”

“ah..saglit lang Dafniey”

Napatigil ako at napatingin kay Kria..ay oo nga pala, bakit ko nga ba siya hinila?

tsss(=___=) binitawan ko siya at ngumiti siya sa akin..

“hindi pa kasi ako pupunta sa room kasi may lakad ako ngayon eh, baka di na ako pumasok”

“ah ngayon? Anong point mo?”

Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay..sanay na sa akin si Kria..

Ewan ko ba..

“ah eh..hehe..magpapaalam na ako sayo ngayon hehe aalis ako ng isang linggo”

“ha?”

“oo, may pupuntahan kasi ako”

Sabi niya at maya maya eh ngumiti siya na parang ewan..pero okey lang naman na nangiti siya.

Minsan lang kasi mangyari yun eh

“magpapagamot kasi ako”

Dagdag niya pa..Oo nga pala, may sakit siya..

“ganun ba? Ok. Ingat”

Sabi ko at tumalikod na ako at iniwan siya..

Ang weird..Ang weird ng pakiramdam ko ngayong araw na ito..

Tsss..at ang isa pang weird..papasok na naman ako sa classroom at makikita ko na naman si Ex..

Sshhhh..teka nga?

Bakit ko ba siya iniisip??

Makadaretsyo na nga!!

“waaaaaaaaaah!!!”

“ang gwapo!!!!!”

“wwwwwwoooooooooh!”

Oh yes! Ang mga bida ng story na ito!

Ang mga malalanding haliparot!

Ano na naman ang source ng pagtili nila?

Si Kenneth? Si Exlirio?

Tsss..ewan ko ba kung bakit uso ang malandi ngayon..

Papasok na sana ako sa room nang makita ko si Kenneth galing sa likod ko..

At dare daretsyo lang siya na pumasok sa room..

Malamang, siya yung tinitilian nung mga estudyante..

Nagdare daretsyo na ako at umupo sa tabi niya..

Ang weird..napakaseryoso niya..

Kapag ganito naman nginingitian niya ako..

Tiningnan ko lang siya sa gilid ko..

Pero daretsyo pa din yung tingin niya sa harap..

“waaaaaaaah!! ATE DAFNIEYY!!!”

Napatingin ako sa pumasok sa pinto.

“Yukie?”

Lumapit siya sa akin at may hawak na naman siyang libro..

Ay nako, pag nalaman ko na kinuha niya yun sa library, sasabihin ko na talaga siya clerk(=___=)

“hi Ate! Classmate na kita(^________^)”

Tinaasan ko siya ng kilay..

Ano daw? Classmate?

Ang weird na naman niya..

VILLAIN!Where stories live. Discover now