CHAPTER 8: BITCH IS BACK

777 27 22
                                    

CHAPTER 8: “BITCH IS BACK”

Ay potek..

Hindi ako dapat nagpapadala sa kalokohan nitong lalaking to eh..

“te...teka nga!!”

Itinulak ko siya at nagulat naman siya..

Bakit ba kung makayap to eh wagas na wagas?!

Kapal ng mukha ng unggoy na to na yakapin ako..

..

Uso na ba talaga ang manyak ngayon?!

Asan na ang matitinong lalaki?!

Asan..!??

Bwisetttt(=_______=)

Nakakainis talaga..

Gutom na nga ako tapos ito pa ang makukuha ko?!

Makaalis na nga! Bwiset!

Uuwi na lang ako!!

“Dafniey!! Saglit!”

Tinatawag niya ako at syempre..

Ayoko ng lumingon..

Tinatamad na ako at nagugutom na ako ok?!(--______--)

“Dafniey!! Wait!!”

Ayoko ngang lumingon eh..bwiset talaga..!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad..

mag ba-bus na lang ako..

Tutal dito lang naman yung station eh..

*chiiiissss*

 

Ayan..may bus na..

“manong dadaan ba yan sa may LRT?!”

Tanong ko dun sa konduktor habang nasakay yung ibang pasahero..

“opo ma’am”

Pagkasabi ni manong eh sumakay na ako sa loob..

Habang nakaupo sa gilid ng bintana ay ikinabit ko yung headset ko..

Di ko nga pala nasabi sa inyo na iniwan ko na ang bag ko sa locker ko kanina kaya ayan!

Ang tanging dala ko lang ay ang cellphone ko, ang earphone ko na laging nakasabit sa kwelyo ko at ang pera ko..

Bwisit naman kasi yung parusa kanina...tama naman yung sinasabi ko na nandun si Exlirio eh!..

Ayan..pati siya naaalala ko na naman...

Ang bwisit na yun!

Sarap pakuluan..(>_________>)

VILLAIN!Where stories live. Discover now