CHAPTER 15: "TRAP!"

473 15 2
                                    

CHAPTER 15: “TRAP!”

“HAHAHAHAHAHAXD kung nakita mo yung itsura ni Annarica kahapon! Matatawa ka din! HAHAHAHXD”

Tawa talaga ako ng tawa kapag naaalala ko yung kahapon..

Nakakatawa kasi ang itsura ni Annarica..such a loser! hahahaXD

“eh hindi ba nakakaawa si Anna sa sinabi mo?”

Sabi sa akin ni Kria..bumalik na siya kaagad ngayon at nakaupo kami dito sa rooftop...

Tamang kwentuhan sa nangyari kahapon..

Kahit kailan talaga. Ang bait niya(=_____=)

“ok lang yan Kria! Atleast nanalo si Ate Dafniey sa pang aasar! Hahaha”

At ito namang babaeng to..ang kulit!

Maldita ako ha! Masama ang ugali ko pero ewan ko ba, parang ang baduy pero napamahal na ako sa dalawang to!

Ewan ko..

Sila lang kasi yata ang nakakatiis sa ugali kong to!

“waaaaaaaah!”

Nagulat ako sa sumigaw at kaagad tumayo si Yukie para sumilip sa baba ng rooftop..

Anong meron..?

“Ate Dafniey! May magpapakamatay sa kabilang buiding oh!”

“WHAT????”

Bigla akong napatayo agad..

Lumapit ako kay Yukie at sumilip din ako dun at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa gilid..

“Si Hazel!”

Sigaw ni Kria na nakasunod na pala sa akin para sumilip din..

Agad kaming bumaba sa rooftop at tumakbo sa kabilang buiding..

Kabarkada siya ni Annarica diba?

Bakit siya magpapakamatay?

Namumukhaan ko siya, siya yung mataray na laging kasama ni Annarica..

Ano bang meron?

Naguguluhan ako..

Nakarating na kami dun sa mismong pwesto ni Hazel at nakita ko sina Annarica at Diana sa gilid..

Di sila makalapit..

Nandun din si Kenneth at ang iba pa..lalapit sana ako kay Hazel pero..

“aaaaaaaaaaaaaaah!!”

Lahat kami ay napahinto dahil sa pagsigaw siya..

“andito siya! Andito siya!”

Sigaw niya at itinuro niya ako..

Ako?? Wait wait wait??

Anong meron??

“gusto niya akong mamatay! Gusto niya akong patayin!”

Lahat ng estudyante ay napatingin sa akin..

“oh no! sabi ko na nga ba! Masama ang ugali mong babaeng ka!”

Sabi ni AnnaRica at nakatingin siya sa akin..

Pinipigilan naman siya ni Diana..

“ako? Hoy! Wala akong ginagawa ha!”

paKshet! Ano na namang eksena to?

Pakana na naman ba to ni Annarica?

Hindi talaga siya titigil hanggat hindi siya nakakaganti!

VILLAIN!Where stories live. Discover now