CHAPTER 17: "X AND Z"

476 15 4
                                    

CHAPTER 17: “X AND Z”

Bakit siya nandito?

Bakit niya ako dinala dito?

Ganun na ba siya kagalit dahil sa pag aaway namin kanina at dinala niya ako dito at kinidnapped??

Ano bang iniisip niya!

“I told you to leave her alone”

Napatingin kami lahat sa lalaking pumasok sa loob ng lumang factory..

Si Kenneth..

Siya yung nagsalita at nakapamulsa siya..

“mag isa ka lang Ruiz! Asan ang mga walang kwenta mong barkada!”

Sabi nung isang lalaki at pumasok si Kenneth sa loob nang mag isa lang..

Anong bang nangyayari?

“hindi mo ba ako titigilan Ortega?”

Sabi ni Kenneth kay Ex..

Nakatingin lang siya dito..

“hindi kita titigilan Ruiz, ikaw ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko!”

Si Ex nasira ang buhay niya?

Teka hindi ko talaga maintindihan!

“wala akong sinira sayo Zee! Ikaw ang sumira sa buhay mo!”

“Zee?”

Naguguluhang tanong ko sa kanila..

Napatingin ako kay Ex..

Parang kakaiba ang hairstyle niya at iba din ang suot niyang uniform..

At parang moreno siya ng konti..

Teka?

Hindi siya si Ex..

Sino siya?

“siya ba ang syota mo?”

Tanong nung lalaking kamukha ni Ex at nakatingin siya sa akin..

“leave her alone”

Malamig na sabi ni Kenneth habang papalapit sa amin..

“eh kung ayoko ko?”

Sabi nung lalaki at inilapit niya ang mukha niya sa akin..

“P*tang ina! Wag mo siyang hahawakan!”

Sigaw ni Kenneth at nagulat ako nang makita ko na nakaupo na sa sahig yung kamukha ni Ex..

Tumayo ulit yung lalaki at gumanti kay Kenneth at yung isang lalaki naman na may cap na blue ay pumunta sa likod para hawakan siya..

Ano bang nangyayari!?

Bakit ba ako nadamay dito??

VILLAIN!Where stories live. Discover now