CHAPTER 11: "THE TRUTH"

591 22 6
                                    

CHAPTER 11: “THE TRUTH”

“naaaah are you okey Ate?”

Tanong sa akin ni Yukie, habang nainom siya ng moo, sa mukha nyang yan para siyang bata kung umasta..

“ok lang ako! Pakshet lang talaga ang gumawa nito!”

Sabi ko habang hinihigpitan ang paghawak dun sa papel na may bwisit na balita!

Kaya pala lahat na lang ng tao nakatingin sa akin habang naglalakad ako!

“sino ba kasing gumawa niyan?”

Kria asked na nasa gilid ko, ako ang nasa gitna ni Kria at Yukie at nasa ilalim kami ng puno at nakaupo kami sa may damuhan..

“ewan ko! At pag nalaman ko! Babalatan ko siya ng buhay!”

“okey lang yan Ate Dafniey! Maganda ka naman!(^_____^)”

Sabi ulit ni Yukie, minsan iniisip ko kung bakit nga ba walang problema sa buhay itong batang ito..

“waaaaaaah! Si Fiance charming may kasamang babae!”

Napatingin ako sa tiningnan ni Yukie..

May isang lalaking naglalakad sa may field at may kasabay siyang babae..

Teka? pamilyar yung babae ah? At pamilyar din yung lalaki?

Tiningnan kong mabuti yung lalaki..

Ah oo! Siya yung barkada ng surot na si Ex! Di ko matandaan ang pangalan niya eh..

Tiningnan ko din ng mabuti yung kasama niya pero nagulat ako nang tumayo si Yukie at tumakbo papalapit dun sa dalawa..

“shete! Ano naman ang iniisip niya ngayon!”

Tumayo na din ako para sundan si Yukie, mukha pa naman na hindi mabait yung kasama nung lalaki na yun!

Napansin ko din na sumunod sa akin si Kria nang tumayo ako..

“Yoh!!!!!!!(^________^)”

Sigaw ni Yukie habang papalapit dun sa lalaki..

Ah! Naalala ko na! Ang pangalan nung lalaki ay Kerr Yoh Hairyn!

Ang weirdo ng pangalan noh?  Weirdo, sobra, ang alam ko, pamilya niya ang may ari ng university na to..

Kaya nga “Hairyn” diba?

Bakit kailangan ko iexplain..? leche! Paganahin niyo ang common sense niyo!

Malapit na ako sa pwesto nila pero nagulat ako sa ginawa ni Yukie..

Niyakap niya si Yoh at hinalikan sa lips..

what the??(O___O)

Ang bata niya pa pero anong ginagawa niya!

Lumapit ako at hinawakan ko siya!

“bumaba ka nga dyan Yukie!”

Saway ko sa kanya..at napatingin ako sa babaeng kasama niya..

Bakit ba pakiramdam ko, ako ang napapahiya sa ginagawa ni Yukie.?

“siya na ba yun Yoh?”

Sabi nung babaeng kasabay ni Yoh..

Ah tama! Siya yung kasama ni Annarica na nakaheadset kanina,

Tumingin siya sa amin at pagkatapos, nakangiti siya na nakatingin kay Yukie..

Mukhang mabait naman pala siya eh?

Bakit kasama niya yun bwisit na slut kanina?

“Ah oo! Siya nga”

VILLAIN!Where stories live. Discover now