"No. May kikitain lang ako malapit rito. Just text when you're done. I will pick you up."

"Okay. If that's what you want. Thank you, Polo." she kissed his cheek and went out.

Sumakay na siya sa elevator. It's been three years since she's last here. Bumaba siya sa floor ni Athos. The hallway was the same. Naglakad siya papalapit sa pintuan ng unit.

Tiningnan niya ang passcode. Mukhang naremodel ang building dahil dati ay susi lang naman iyon. She just pushed the doorbell.

Yumuko siya at mahigpit na hinawakan ang kanyang bag. What was she thinking for coming here? This place would bring so much memories of them.

She doesn't even know if she's ready?

Sa gitna ng pag-iisip noon ay bumukas ang pintuan. Hindi nakatakas sa kanya ang pagkamangha nang bumukas ang pintuan.

Nakatayo doon ang mala-Adonis na sundalo. Walang saplot pantaas at tanging ang kulay itim na sweatpants ang suot. May headset ito sa magkabilang tenga. Pawis na pawis pa at hinihingal. May mga parang benda rin sa mga palad.

"Uh..."

Iniwas ni Samuela ang kanyang mata sa katawan nito at lumunok pa.

Shit, boba ka Sam!

Binuksan ni Athos ang pintuan para makapasok siya.

"I am sorry, nag-sparring ako ngayon. Sit on the couch. I will get dressed." seryosong sabi nito.

This is really embarrassing, Samuela. Mura niya sa sarili habang umuupo sa bagong couch.

Pumasok sa kwarto niya si Athos paraagbihis. Pinagmasdan niya ang interior ng unit nito. Everything has changed. Maging ang kulay at furnitures at mga pintuan.

Tumigil ang mata niya sa pintuan ng kanyang dating kwarto. Para bang may nagtutulak sa kanya na pumasok doon.

Naroon pa kaya ang mga gamit ko? She monolouged.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit doon para sumilip pero bago pa siya tuluyang makalapit, bunukas na ang pintuan ng kwarto ni Athos.

Nakaputing sando na ito at kinakalas ang mga tela sa kanyang palad. Tumuwid siya ng tayo at nakipagtitigan sa binata.

"Uh... sorry. I am just wondering." she explained pero parang walang pakialam si Athos doon.

"Just sit. Why do you want to see me?" Tanong nito at umupo na sa couch na kaharap niya.

Umupo na rin si Samuela sa harapan nito. Kinuha niya sa bag ang baril at nilapag iyon sa coffee table.

Kunot-noong tiningnan ni Athos ang baril.

"Where have you got this?" tila kulog iyon.

"Sa-" bago pa siya makasagot at tumayo si Athos.

Nagulat si Samuela dahil kinuha agad ni Athos ang kanyang cellphone para may tawagan.

"Hello, Kristoff? Nakita ko na ang baril. Bring the forensic here in my condo." Pinatay niya ang tawag at kinuha iyong baril gamit ang isang tissue.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now