The Happenings

129 12 1
                                    

Nang gabing makabalik sila sa bahay ng mga Cuenco ay doon siya pinaghapunan ng mga ito at pinauwi pa ang isang buong cake na bigay kay Matt ng isa sa mga tauhan ng munisipyo. Umuwi si Maya na maraming dala at tuwang-tuwa ang mga tao sa ampunan dahil sapat sa kanilang lahat ang binigay na pagkain.

Kinabuksan ay maagang nagising si Maya para maghanda ng mamalengke. Habang hinihintay si Adelaide ay tinext siya ni Matt at nangungumusta. Sinend pa nito ang ilang mga litrato nila kahapon at ang mga litrato nila noong party ng mga Cuenco. Nagulat si Maya dahil mayroon palang ganoong kopya si Matt. Hindi makakalimutan ni Maya ang gabi na 'yon dahil pakiramdam niya ay si Cinderella siya. "Hoy Maya, nakangiti ka mag-isa diyan?" Sabi sa kanya ni Adelaide. "Naku, ikaw ha? Head over heels ka na kay Mayor. Hay naku, iba talaga kapag in love!" Parinig nito sa kanya. "Ade ano ka ba? Tara na nga sa palengke." Aya niya. "Sandali lang magtatali lang ako ng buhok," pinanood niya si Adelaide na magtali ng mahaba nitong buhok, "Nga pala Maya montik ko ng makalimutan pwede bang pasama ako mamaya sa padalahan ng pera? May inorder kasi ako online kailangan munang bayaran."

"Sige, pero ikaw ha napapadalas na pagbili-bili mo online." Sabi niya.

"Maya, bayaan mo na ako. Wala naman akong boyfriend kagaya mo na gagawan ko ng knitted na damit kaya paganito-ganito lang ako." Dahilan ni Adelaide.

Nang matapos ito ay nagpunta na sila sa palengke at namili ng sariwang gulay, prutas, karne at isda. Bumili rin sila ng ilang plastic ng candy para sa mga bata at ang gatas ni Carlo. Mabilis silang natapos at nag-ring ang cellphone ni Maya.

From: Matt
Maya, text me kapag nasa orphanage ka na. I'll go there. See you. :)

Napangiti si Maya sa text at sinabing malapit na silang umuwi. Inaya na siya ni Adelaide tumawid at nauna siyang maglakad dito. "Maya!" Hindi namalayan ni Maya na may humaharurot na sasakyan ang papunta sa direksyon niya at bago pa siya mahila ni Adelaide ay naunahan na siyang mabangga ng sasakyan. Namanhid ang katawan ni Maya at hindi man lang naramdaman ang sakit ng pagkakatama nito sa kanyang katawan. Agad na bumagsak ang dalaga sa lupa at puno ng dugo ang ulo at braso nito. Nawalan na siya ng malay at kumalat sa paligid ang dala niyang pinamili.

"Maya! Diyos ko! Maya! Gising..." agad na lumapit si Adelaide at nanginginig na ginising ang kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Dapat ay pauwi na sila pero nasagasaan pa si Maya. Nagkumpulan ang mga tao sa paligid at agad namang rumesponde ang mga tanod na nagbabantay sa palengke. "Kuya tumawag na kayo ng ambulansya please." Iyak ni Adelaide. "Naku po! Maya anong nangyari?!" Nakita niya si Aling Tina na may ari ng paresan at lumapit ito sa kanila. "Aling Tina si Maya po..." hindi na matuloy ni Adelaide ang sasabihin niya dahil sa sakit na nararamdaman.

Pinalabas ng tanong ang driver ng sasakyan na may sugat rin dahil sa lakas ng impact. Dumating na ang ambulansya at hinanap ni Adelaide sa bulsa ni Maya ang cellphone nito, may basag pero nang pindutin niya ay gumagana pa ito. Agad na sinakay si Maya sa ambulansya habang si Adelaide ay iyak nang iyak at naguguluhan na sa pangyayari.


Matt is outside with the staff. He's looking at what they are doing. Ginagawa niya 'to palagi pero unannouced para mahuli niya kung sino ang nagtsitsimisan at gumagawa during working hour.

Nag-ring an cellphone niya at napangiti nang makita ang caller ID, "Hello Maya."

"Mayor!" Nagulat siya ng marinig ang boses ni Adelaide na takot na takot at gulat, "Adelaide where's Maya? Are you okay?"

"Mayor si Maya!" hindi makapagsalita ng maayos si Adelaide dahil humahagulgol ito, "What happened to Maya?" Kinakabahan niyang tanong. "Nasagasaan..." ayon lang ang sinabi nito at umiyak na ulit. "M-malapit na kami sa St. Michael's." Patakbong kinuha ni Matt ang susi sa office niya at patakbo ring umalis sa munisipyo. Nagtataka ang mga empleyado ni Matt dahil hindi man lang nito narinig ang tanong ni Vince kung saan siya pupunta.

He's so nervous. He feel like every vein in his body is going to explode. Pinagpapawisan din siya sa kaba. He nervously drive his car not caring if it's beyond the speed limit. Agad siyang nakarating sa ospital at nakita niya agad si Adelaide sa labas ng operating room na umiiyak at puno ng dugo. "Mayor!" Agad itong napatayo nang makita siya, "Inooperahan siya... 'di ko na alam iba nilang sinabi, 'di ko na maintindihan. Sorry, natatakot ako para kay Maya... 'yung kotse, 'di ko siya nahila palayo. Sorry!" Iyak nito. Agad niya itong nilapitan at tinapik sa balikat, "Adelaide it's okay. 'Di mo kasalanan."

They both waited outside the operating room when Jun and Ma'am Judith came rushing in the hospital. Ilang sandali lang din ay dumating si Vince at ang body guard ni Matt na nakalimutan na niyang isama. He's freaking scared and can't stop calling to God to heal her. "Ade! Naku, punong-puno ka ng dugo." Niyakap agad ni Judith si Adelaide, "Magpalit ka muna ha? Ana samahan mo si Ade sa CR." Utos nito. Sumunod naman ang dalawa at nandoon lang si Matt at nakaupo. 'Di niya alam ang sasabihin. "Matt, anong nangyari?" Tanong ni Jun sa kanya.

"She was hit. Sabi ng doktor tatlong oras siyang ooperahan... Jun I'm so nervous." Namumula ang mata ni Matt at nagbabadya ang luha. "Matt, magiging ayos din ang lahat." Pag-aalo nito sa kaibigan.

"Mayor, 'wag po tayong mag-alala. Alam kog mahirap ang sitwasyon ngayon pero magiging ayos din ang lahat. Kilala ko si Maya, malakas ang batang 'yon." Sabi ni Judith sa kanya.


Dumating si Fely at Max at agad na hinanap kung nasaan si Maya, "Matt! Goodness, I'm so nervous anak! I can't believe this is happening." Niyakap ni Fely ang anak na mukhang pinagtakluban ng langit at ng lupa. "Matatapos na ang operation niya, Ma."

"Ayos ka lang ba? You need anything?" Tanong nito at umiling lang si Matt. Tiningnan ni Fely si Adelaide, "Adelaide... I'm sorry for what happened." Niyakap ni Fely si Adelaide at muli ay umiyak ito. Kinuwento ni Adelaide kung ano ang nangyari nang mahimasmasan ito. Kinakabahan sila pero medyo kalamado na hindi tulad ng kanina na ang taas ng tensyon sa kanilang lahat. Maya-maya pa ay lumabas na ang surgeon at hinanap si Judith na nilagay ni Adelaide bilang guardian ni Maya, "Kumusta na po siya?"

"The operation went well. Bali ang buto niya sa paa kaya kailangang i-cast ito. She also bleed a lot kaya kinailangan naming salinan siya ng dugo and we'll see if she's going to wake up for twenty four hours. For now we'll put her in ICU." Nilabas na si Maya at nakita ni Matt ang tahi sa ulo nito. Pumatak ang luha sa mata niya na agad niyang pinunasan. "Ma'am kailangan po namin ng list ng mga taong pwedeng dumalaw sa kanya dahil maselan ang lagay niya."

"Sige po... pero si Mayor po muna ang sasama kay Maya habang sinusulat ko ang mga pangalan." Napatingin si Matt kay Judith at tipid na ngumiti. He's happy that she's fine and God knows how much he wanted to see her awake.

The Hiding PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon