The Date

132 12 3
                                    

Sabi ni Matt ay isama niya si Carlo sa date nilang dalawa. Pagkagaling nito sa munisipyo ay sinundo na sila sa ampunan. Sa lugar kung saan daw tahimik at mag-e-enjoy ang bata, ayon ang klase ng lugar na pupuntahan nila. Sinabihan din siya nito na magdala ng pamalit.

Hindi siya makapaniwala sa nasa harapan. Tumingin siya kay Matt at tumingin sa nasa harapan niya, "Next month pa 'to mag-o-open at kayong dalawa ni Carlo ang unang guest." Sabi ni Matt sa kanya. Sa inflatable island sila dinala ni Matt. Pangalawang resort ito ng pamilya Cuenco pero 'di katulad ng una ay mas maliit ito dahil ang main attraction naman talaga ay ang inflatable island. Si Matt muna ang bumuhat kay Carlo at nang makalabas mula sa CR upang magpalit ay nakita niya ang dalawa na parehong tumatawa. Tuwing tumatawa si Matt ay tumatawa rin ito sunod ay si Matt ulit ang tatawa. "Ang saya-saya naman ni Baby Carlo."

"Syempre masaya kasama si Tito Matt tsaka ang gwapo raw kasi nito." Sagot ni Matt na nagbabata-bataan.

Tinaas ni Maya ang isang kilay, "Ha? Anong connect?" Tumayo na ito at inakbayan siya, "Maya magpasalamat ka dahil rare ang katulad ko— no, iisa lang ako sa mundo." Biro nito sa kanya. Paiiling-iling na tumawa si Maya at naglakad na papuntang inflatable island.

Inaalalayan siya ni Matt na maglakad kasama si Carlo. Safe naman sila dahil may life best ito sa katawan at braso na may superhero characters. "Mayor welcome po!" Bati ng mga tauhan na naglilinis at nag-aayos ng inflatable island. "Hello sa inyo!" Bati ni Matt. Pati si Maya ay binabati ang mga ito at ngingitian. Dumating na sila sa sa slide, "Matt sure ka ba na magiging okay lang si Carlo?"

"Of course! I'm here plus he's safe. Tingnan mo kahit mag-splash ako ng tubig sa kanya masaya pa siya."

"Naaalala ko naman noong nasa beach resort niyo kami tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko kasi gustong-gusto niya mag-swimming..." kwento niya.

Nag-slide na sila at aaminin ni Maya na para siyang bumalik sa pagkabata. Naghahabulan pa sila at panay tawa naman ang baby na si Carlo. Tuwang-tuwa ito sa larong habulan. Ilang beses ding nadapa si Maya pero natatawa lang siya kapag nangyayari iyon.

"Dapat pala turuan kong mag-swimming si Carlo, right buddy? You could be a swimmer or surfer then I'll join you in competition." Sabi ni Matt at piniga nang marahan ang ilong nito.

"Sumasali ka ba sa competitions?"

"Dati, pero ngayon hindi na. Plus I just like it, past time. Ngayon I have bigger responsibility and a beautiful girlfriend to  serve to." Ngiti nito sa kanya. Tumingin sa ibang direksyon si Maya at pinipigilang ngumiti, "Baby look... kinikilig si ate Maya. Ang galing daw kasi magpakilig ni tito Matt."

"Matt! Kung ano-ano sinasabi mo sa bata." Sabi niya at pinalo nang marahan ang braso nito. "Dine-deny niya pa oh? Naku, baby 'wag kang gagaya kay ate Maya nagla-lie—"

"Matt!" Pinalo niya ito nang malakas sa braso, "Aray!" Hinawakan niya ang palapulsuhan nito at tinaas. Pumapalag ito pero dahil mas malakas siya ay hindi magawa ni Maya na makakawala kay Matt, "Maya you know my biceps are strong so 'di ko mararamdaman 'yang mga palo mo." Biro niya, "Tsaka alam kong maganda biceps ko." Dagdag pa niya. He swam away from Maya while laughing carrying Carlo in his arm.


"Sir here's your lunch. Risotto, Hanger Steak and Spanakopita. I'll serve the desert after." Pormal na pormal sa loob ng restaurant ng inflatable island. May limang malalaking chandelier na nakasabit at muwebles pa lang upuan at lamesa mukhang mamahalin na, "Okay ka lang?" Tanong ni Matt. Ramdam niya kasi ang discomfort ni Maya. "N-naninibago lang... hindi kasi ako sanay sa ganito, parang hindi ako bagay." Sagot nito sa kanya. Matt leaned and smile at her, "You deserve every luxury in the world kaya hangga't kaya kong ibigay, ibibigay ko sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ni Maya at pinisil ito. "Wag mong isiping hindi ka bagay. Lahat ng magpupunta rito tao, and we're all equal." Tipid siya ngumiti at nagsimula na silang kumain. Masyado nga siyang maninibago, dahil lahat ng ito hindi niya pa nararanasan pero masaya siya na tinutulungan siya ni Matt na makapag-adjust.




The Hiding PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon