The Talk

287 19 1
                                    

Nagkakainan na sila nang makabalik si Maya. Buti na lang ay si Adelaide na ang nag-asikaso sa mga anak-anakan niya. Lima ang bata na na-assign sa kaniya. Thirty-five ang mga bata at apat sa kanila ay lalake. Hindi naman talaga tumatanggap ng lalake ang ampunan ngunit naaawa pa rin si Ma'am Judith, ang tagapangasiwa sa orphanage. Kaya naman nag-hire ng isang houseparent na lalake.

"Ate Maya pakuha po ako ng pagkain." Sabi ng isang maliit na boses. Si Sheila. Isang bata na iniwan ng magulang sa orphanage dahil labing-isa silang magkakapatid at hindi na siya kayang buhayin. Nginitian niya ito at kinuha ang pinggan nitong hawak. "Bakit naman nahuli ka ng kuha, Sheila?"

"E kasi po 'yung mga malalaki natatabunan ako. Tapos inuunahan nila ako sa pila." Reklamo nito.

"Ganoon ba? Sige kakausapin ko na lang mga housemother's nila para 'di na nila ulit gawin iyon." Nasa isang table siya kasama lahat ng mga alaga niya at tinutulungan ang mga batang inaalagaan niya na kumain. Karamihan kasi sa kanila ay edad apat hanggang pito. Isa siya sa na-assign sa mga mas bata. "Maya ba't 'di ka pa kumakain?" Tanong ni Adelaide.

"Mamaya na siguro..."

"Pumunta ka na roon at kumuha. Ako na muna bahala sa kanila." Nagpasalamat siya kay Adelaide at kumuha ng pinggan. Masasarap ang mga pagkain na pa-cater ng pamilya Cuenco. Laging sinasabi ni Ma'am Judith mamahalin daw ang kinukuhang catering ng mga Cuenco para ma-enjoy pa lalo ng mga bata. Kaya naman 'pag mga Cuenco ang magpupunta masyado silang exicted.

"Salamat po." Sabi niya sa naglalagay ng pagkain. Kukunin na niya sana ang kutsara sa gravy pero may nauna na sa kanya. Napatingin siya kung sino ito, si Matt. "Mauna ka na." Walang emosyong sabi nito at binitawan ang kutsara. Napayuko siya nang kaunti, "Salamat po."

"Maya?" Nagtaka siya kung paano nalaman ang pangalan niya nang maalala nang mapagtanto niya na may name plate nga pala siya. "O-opo."

"Gaano katagal ka ng housemother dito?"

"Simula po nang mag-eighteen ako." Sabi niya, nakataas ang kilay nito na para bang nagtataka, "Dito na rin kasi ako lumaki tapos dito na rin ako nagtrabaho." Tumango-tango lang ito bilang sagot. "Sige po." Paalam niya nang matapos na siyang kumuha ng pagkain.


Kumakanta sa gitna si DinDin. Ito ang gift ni Lord kay DinDin— ang pagkanta. Napapalakpak ang lahat sa ganda ng boses nito. Kitang-kita niya sa mukha ni DinDin ang saya.

Tinulak na niya ang wheelchair nito nang bigla na lang mangisay ang bata. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Maya. "DinDin." Nag-aalala niyang tawag. Bumula ang bibig ng DinDin at nagsimulang tumirik ang mata. Isa-isang lumapit ang ibang houseparent at ang iba'y pinigilan ang mga bata na huwag mag-panic. Lumapit ang pamilya Cuenco, "Dadalhin na ba natin siya sa ospital?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Max Cuenco. "Hindi po. Normal lang na mag-seizure siya. Hihintayin po natin hanggang matapos para madala na siya sa kwarto." Paliwanag ni Ma'am Judith. "DinDin, magiging okay din 'yan. Relax ka na anak." Sabi ni May. Tahimik na nakatingin si Matt sa bata at sa houseparent nito.



Nang matapos ang atake ng bata ay nagboluntaryo na si Matt na buhatin ang bata at ilagay sa kwarto kasunod si Judith at Maya. "Maya iiwan muna kita rito ha? Ikaw na muna bahala. Titingnan ko lang ang ibang mga bata." Paalam ni Ma'am Judith.

Nilapag ni Matt si DinDin sa maliit na kama nito. "Salamat po sir." Sabi ni Maya. Inaayos ni Maya ang bata habang nakamasid lang si Matt. "Anong sakit niya?"

"Epilepsy."

"Is she going to sleep lang? You should come back to the party."

"Sir hindi pwede. 'Pag gising niya kasi nakatulala pa siya hanggang bumalik na sa wisyo." Tumango lang si Matt tsaka lumabas at gaya kanina ni hindi man lang ito lumingon sa kanya.

Maya-maya ay bumalik si Matt at may dalang ice cream na nasa paper cup. May dala rin ito para sa kanya. Napangiti si Maya, paborito niya ang ice cream. Hindi sila nagsalita pareho hanggang sa maubos ang ice cream. Hindi rin alam ni Maya kung paano makikipag-usap sa isang tumatakbong Vice Mayor.

"Would you mind if I ask you why you chose to be a houseparent?" Napatingin siya sa binata. Sa pagkakaalam niya ay bente-sais anyos pa lang ito at isa sa mga pinakabatang tumatakbo. Dahil kilala ang pamilya at maraming natulungan, alam ng lahat na panalo na 'to. "Dahil... hindi ko maiwan ang lugar na 'to tsaka napamahal na sa'kin ang mga bata." Sagot niya, "Di ka ba nagsasawa?" Napatawa siya nang impit sa tanong nito, "Ba't naman ho ako magsasawa. Dito na ako lumaki at isa pa buhay ko na sila. Tsaka kung aalis naman ako rito, saan ako pupunta?"

"Magtatrabaho ka."

"Sir, high school lang po natapos ko. Tsaka ilang beses ko na rin sinubukan 'di ko rin alam kung ba't di ako mapasok-pasok." Kwento niya, "Siguro 'di lang will ni Lord." Hindi sumagot si Matt at tumingin sa ibang direksyon.

Kumpara sa ibang babae normal lang ang hitsura ni Maya. Kung aayusan siguro ito ay gaganda. Katamtaman ang kulay at katawan at mukha talagang mula sa mahirap na lugar. Pero hindi niya alam, gusto niyang malaman ang tungkol pa dito. "Nasaan na mga magulang mo?" Napalulok si Matt sa tanong niya. Alam niyang dapat hindi lumabas 'yon mula sa bibig niya. Tiningnan siya nito at ngumiti. She have a pretty smile. Mabilis siyang tumingin sa ibang direksyon nang maisip 'yon, "Ah 'yung magulang ko... 'di ko sila kilala. Gaya ng ibang mga bata rito iniwan lang din ako sa labas. Halos karamihan ng dito na lumaki pare-pareho istorya namin."

"Sorry for asking that." He cleared his throat. Iwinasiwas ni Maya ang kamay sa ere, "Naku okay lang sir. Tsaka sanay na ko sa mga nagtatanong. 'Di na masakit." Napangiti ito, at aaminin ni Maya natuwa siya nang makita itong ngumiti.

"Last time na nagpunta ako rito kaunti pa lang ang mga bata." Napakamot si Maya sa ulo, "Oo nga po sir. Dumoble noong mga nakakaraang taon. Tsaka nauso na rin 'yung mga maagang nabubuntis kaya ayon."

"What if you have your own family? Magtatrabaho ka pa rin ba rito?" Congratulations Matt, napakaganda ng mga tanong mo.

Napatingin sa kanya sandali si Maya saka sumagot, "Sa totoo lang 'di ko alam kung makakapag-asawa ako tsaka kung bigyan ako ni Lord 'di pa rin ako aalis rito. Tinalaga ko na sarili ko sa pag-aalaga sa kanila."

"Pa'no kung ayaw ng magiging asawa mo?" Gusto niya ng i-face palm ang sarili niya sa mga nasasabi niya.

"Edi hindi ko siya papakasalan." Kibit balikat na sagot ni Maya, "Gusto ko sa lalake may puso sa iba. 'Yung naglilingkod sa kapwa lalo na 'yung may pakialam sa mga bata. Hindi sila pwedeng maalis sa parte ng buhay ko nang ganoon-ganoon na lang. Mahirap." Nanahimik na si Matt pagkatapos sabihin ni Maya 'yon. Hindi niya alam kung may itatanong pa siya na maaaring maka-offend sa dalaga o may isagot itong hindi niya magugustuhan.

The Hiding PlaceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant