The Happiness

109 10 3
                                    

Binati ni Maya si Vince nang makasalubong niya ito sa munisipyo. "Good morning Ma'am Maya. May meeting lang po si Mayor pero patapos na rin po iyon." Sabi ni Vince. Pinaupo muna siya ni Vince sa waiting area sa loob ng office ng mga tauhan. Doon din kasi ang daan patungong Mayor's office. "Nga pala, ginawan ko kayo ng biko." Inabot niy ang isang bilao kay Vince, "Wow Ma'am Maya nag-abala pa ho kayo."

"Vince, Maya na lang itawag mo sa'kin." Ngiti niya, "Salamat Ma'am pero 'di kita tatawagin sa pangalan mo lang." Sabi nito, "Guys biko oh! Gawa ni Ma'am Maya." Lumapit ang ilang tauhan na may dalang platito, "Bakit nga pala sa Mayor's office ang meeting ni Matt?"

"Confidential daw po kasi e. Kahit nga ako 'di pinapasok tanging si Vice at 'yung ilang contractor lang ang nadoon." Tumango siya. "Ma'am ang sarap mo palang magluto. Kaya pala in love na in love sa'yo si Mayor." Sabi ng isang babaeng tauhan. Natawa siya sa sinabi nito.

Saktong lumabas si Matt kasama si Vice at ang mga contractor. Pinanood ni Maya na lumakad ang mga ito hanggang sa pinto. "What are you doing here?" Nagulat siya kay Matt na nasa likuran niya na pala. Napahawak siya sa dibdib niya that made Matt chuckle, "Sorry.. 'di ka kasi nag-text na dadating ka ngayon."

"Di kasi ako makakarating bukas sa inyo. Pakisabi na lang kay Madam, inaasahan niya pa naman kami ni Carlo. Kailangan kasi naming mag-ayos para bukas sa pa-event ni Konsehal." Inabot ni Maya ang bilao ng biko, "Bigay ko sa Mama mo."

Ngumiti si Matt, "Maiintindihan naman ni Mama na busy ka." Inaya niya si Maya sa loob ng opisina niya kaysa pag-chismisan sila sa labas. Alam niyang gawain iyon ng mga tauhan ng munisipyo. "Sa Sunday nga pala, sabay tayong magsimba?" Aya ni Matt. Tumango si Maya. "Nagbabasa ka ng Bible?" Nakita ni Maya ang Bibliya sa gilid ng desk ni Matt. "Yes, every morning."

"Good... masarap kayang makipag-usap kay God first thing sa umaga." Sabi ni Maya. Not only because Maya is nice thag Matt fell for her but because she loves God more than anything and everything. "Siguro sobrang saya ni Madam Fely nang malaman niyang tinanggap mo na si Lord, 'no?"

"Walang kasing saya." Sagot niya, "Tsaka ang dami ng nabago sa ugali ko. Sa puso ko sa paraang hindi ko maintindihan. Alam mo ba dati ayoko sa mga taong amoy araw? Pero ngayon sa amoy na lang hindi sa tao." Natawa si Maya sa sinabi niya, "Tinitiis ko na lang 'yung amoy."

"Naku! Kaya ka ba mataray sa'kin noong una kitang kinausap kasi amoy araw ako noon?" Pabirong tanong ni Maya.

"No. I mean, hindi ka naman amoy araw noon."

"Nagpaligo ako ng maraming bata at pawis na pawis noon. Pero joke lang Matt, ang bait mo kaya sa akin noon."

"Sabihin mo lang na-fall ka na sa'kin noong una pa lang." Biro nito. Natawa lang si Maya sa sinabi nito.

Sandali pa siyang nag-stay sa opisina ni Matt at pinasalo siya nitong kumain ng biko. Maraming nakain si Matt na biko at biniro niyang baka maubos nito lahat at hindi na makapagtira pa sa mga magulang niya.



"Baby Carlo tingnan mo ang dami-daming chicken! Pwede ka ng kumain ng chicken paunti-unti." Ngiti ni Maya rito. Mabilis lumaki si Carlo. Nakakain na rin ito ng solid food kapag hinimay ng maliit at nakakatayo na rin paunti-unti. "Carlo next week isasama kita sa bahay ni Mama Fely gustong-gusto ka niya makita. Tapos magpapakain tayo ng isda tsaka kakain ng cream cheese sa bagel." Excited niyang kwento sa bata. "Maya may package sa'yo sa labas." Sabi sa kanya ni Ana.

"Package? Hindi naman ako umoorder." Lumabas siya at nakita ang isang delivery boy, "Magandang araw po."

"Magandang araw din po Ma'am. May padala po sa inyo."

"Sure po kayo para sa akin 'yan?"

"Opo. Maya Pimintel po 'di ba?"

"Opo. Kanino po galing?"

"Kay Mayor po." Kinuha ni Maya ang package at pumasok na sa loob ng nursery room para tingnan ang laman nito. Nagulat siya sa nakita, "Carlo! Tingnan mo cellphone." 'Di makapaniwalang sabi ni Maya. Latest model ito ng iPhone at alam niya kung gaano kamahal ang cellphone na 'yon. Ang rason kung bakit hindi siya bumibili ng bagong cellphone ay, unecessary. Nakakapag-open naman siya sa computer ng orphanage tsaka mas may mahalagang bagay na dapat paglaanan. Nag-iipon kasi siya para makapagpatayo ng sariling bahay o makapagsimula ng maliit na negosyo. Balak sana niyang magtayo ng souvenir shop na gawa niya mismo ang nandoon. "Wow! Teka, ang mahal nito." Sabi niya. Agad niyang d-in-ial ang number ni Matt, "Natanggap mo ba ang padala ko?"

"Matt, salamat pero sobra-sobra naman 'to. Mas mahal pa 'to sa cellphone ni Ma'am Judith!" Natawa si Matt sa reaksyon nito, "You deserve expensive and best things, Maya."

"Salamat Matt. Kaso 'di ako gaanong sanay gumamit nito, pag-aaralan ko na lang." Nag-alok si Matt na tuturuan daw siya nito at dahil bukas ay holiday walang pasok si Matt sa munisipyo pero magbibisita muna siya sa ilang lugar para matingnan kung ayos lang ang lahat. "Sige ba. Tsaka Matt, may sorpresa rin ako sa'yo." Excited na sabi ni Maya. Napangiti si Matt sa kabilang linya, "Ano naman?"

"Matt surprise nga e. Hintayin mo na lang bukas. Sige baka nakakaabala na ako. Maraming salamat talaga ha? I love you."

"I love you too, Maya."





Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Matt. Akala niya ay hindi maaalala ni Maya. Luminga siya sa paligid pero hindi niya makita si Maya, alam ni Matt na nagtatago lang ito. "What a birthday surprise." May mga lobo sa paligid at may picnic mat sa gitna at basket pero nakalabas na ang ilang pagkain. Merong box sa gitna at tiningnan niya ang laman ng noon. Isang hand made knitted t-shirt na kulay mustard. This will be his favorite thing to wear.

Biglang may kamay na tumakip sa mata niya, napangiti muli si Matt, "Saan ka nagtago?" Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Maya. "Sa itaas ng puno." Sagot nito at pumunta sa harapan niya, "Happy birthday Matt."

"Salamat Maya. This is my happiest birthday because you're here." Sabi niya at pinitik ang ilong nito. Natawa si Maya sa ginawa niya at niyakap siya, "Sinong katulong mong gumawa ng lahat ng 'to."

"Wala."

"Wala?"

"Oo wala. Dapat nga tutulungan ako ng Mama mo pero sabi ko sa kanya ayos lang kaya pinahatid niya na lang ako rito." Kwento ni Maya. Naupo na sila sa mat at kumain. He's astounded that Maya cooked the dishes he like and most of them are fancy. He's surprised that they taste very good. "Nagustuhan mo ba 'yung regalo ko?"

"Of course. Lahat ng galing sa'yo maganda. Ito na ang favorite t-shirt ko." Sabi niya. This is a happy time for them. Just the two of them in the farm with no people. He'll admit he's full for the day, c-in-elebrate rin sa munisipyo ang birthday niya at marami-rami siyang nakain pero kahit yata anong dami ng kain niya kakainin niya pa rin ang luto ni Maya.

Pagkatapos nilang kumain ay nilabas ni Matt ang kabayo niyang si McQueen. Inalalayan niya si Maya na sumakay at sunod siya. Pinalakad na ni Matt ang kabayo para mapasyalan ang iba pang parte ng farm. "Gusto mo bang patakbuhin si McQueen."

"D-di ko alam tsaka natatakot ako baka 'di siya sumunod sa'kin tapos magwala."

"Maya you forgot that I'm just here at your back. Walang masamang mangyayari." He chuckled. "Hawakan mo 'tong reins." Ginawa ni Maya ang sinabi ni Matt, "Then sipain mo siya sa gilid."

"H-ha? 'Di ba siya masasaktan?" Nag-aaalalang tanong ni Maya.

"Mahina lang, Maya. Now go." Ginawa niya ang sinabi ni Matt at naglakad ang kabayo, "Matt! Sumunod siya." Masayang-masayang sabi ni Maya. Matt taught her some of the ways how to make the McQueen walk or run and she's so happy because God blessed her to learn something new again.

The Hiding PlaceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang