The Party

145 11 0
                                    

Pinagbuksan niya ng car door si Maya at hinawakan ang kamay nito bilang pag-alalay sa kaniya. Sunod-sunod ang flash ng camera at ilang mga reporter ang nagtatanong sa kaniya. Kumapit sa kanya si Maya kagaya ng bilin niya rito. Halatang kinakabahan ang babae dahil mahigpit ang kapit sa kanya nito, "There's no need to worry." Bulong niya rito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Vice Mayor good evening. Sino po ang kasama niyo?" Tanng ng isang reporter sa kanya. "This is Maya a friend of mine." Pakilala ni Matt. Friend. Pag-uulit ni Maya sa isip niya. Pagkatapos ng ilang tanong ay pumasok na sila sa loob. Unang hinanap ni Maya ang mga kasamahan niya. "Table seven sila. Table five naman tayo kasama sila Mama." Napalulok siya. "Malapit lang tayo sa kanila." Pang-aalo ni Matt. Mukhang maiihi na kasi sa kaba si Maya dahil sa dami ng tao at puro mga sosyalin ang naroon. "Vice Mayor! Napakaganda ng party ng magulang mo." Bati ng isang lalaking naka-tuxedo na all white. Tumango lang si Matt rito. "Sino naman 'yung kasama mo... hello miss—"

"Maya Pimintel." Tiningnan ni Matt si Maya na nakangiti kay Dylan. He's annoyed. Dylan is his ex-bestfriend. Puro fame at pagpapayabang lang ang alam nito tsaka sinulot ang girlfriend niya dati. Kakamayan sana ni Dylan si Maya at tatanggapin na ito ng dalaga pero kinuha ni Matt ang kamay ni Maya at dinala sa ibang direksyon. "Kapag kinausap ng loko-lokong 'yon 'wag mong pansinin." Nagtatakang nakatingin si Maya kay Matt. "Bakit?"

"Basta." Buti na lang 'di na ito nagtanong at nanahimik na lang.



Entertained na entertained ni Maya si Madam Fely. Napapaisip tuloy si Matt kung gaano ka-close si Maya at ang Mama niya dahil panay ang tanong nito sa mga bagay na napag-usapan na nila dati. Silang mag-anak lang sa table kasama si Maya. Sa kabilang table naman ang kaisa-isang kapatid ng Papa niya. Ang Mama niya ay wala ng pamilya dahil isang anak lang din ito at ang mga kalapit na kamag-anak ay taga-ibang lugar. Isa pa, masama ang loob ng ibang kamag-anak nila sa kanila. Bakit? Dahil naiinggit ang mga ito sa kanila. Ilang beses ng nakipagbati ang mga magulang niya pero ma-pride talaga ang mga ito. Sa huli ay hindi na kinulit pa ng mga magulang nila na makipag-ayos basta alam daw nila sa sarili nila na wala silang ginagawang masama. At isa pa alam din naman ng mga taga-Insod na mabuting tao ang mga magulang niya.

"Matt tara. Nandyan na si Mayor." Aya ng Papa niya. Tumayo na siya at pupunta na kay Mayor pero bago umalis ay tiningnan niya muna si Maya na kausap pa rin ang kanyang ina. "Saan kayo pupuntang dalawa?" Tanong ni Fely.

"Kay Mayor. Salubungin natin." Sagot ni Max.

"Madam, pupuntahan ko po muna ang mga kasamahan ko." Paalam ni Maya. Sinundan niya ng tingin sa Maya na naglalakad patungo sa mga kasamahan niya. Ngayon niya lang napansin ang ibang mga tao. Nakatingin lang kasi siya kay Maya the whole time at pilit na nakikisingit sa pag-uusap ni Maya at ng Mama niya.

"Mayor magandang gabi!" Niyakap ng Papa niya si Mayor Fernando. Kaibigan ang turing ng kanyang ama rito. Kaya nga hindi maintindihan ng Papa niya kung bakit sa ibang partido siya sumama— pinagsisihan niya rin naman iyon kalaunan. Pero buti na lang ay makakalimutin si Mayor at dahil parang anak na rin ang turing nito kay Matt ay walang binanggit ito tungkol sa kampanya noon. Isa-isa silang binati ni Mayor, "Matt!" Tawag sa kanya ni Mayor, "Balita ko may date ka raw ha? Usap-usapan sa labas." Ngumiti labg siya sa sinabi ng matanda. "Kaibigan ko po 'yon si Maya." Hindi na siya tinanong pa tungkol sa kung ano nito. Bumalik na sila sa loob at agad niyang hinayap si Maya pero hindi niya makita ito kaya pumunta siya sa table nila Adelaide.

"Where's Maya?" Tanong niya Judith.

"Nag-CR lang saglit, VM." Tumango siya at nagpasalamat tsaka dumiretso sa CR.



Paglabas ni Maya ng cubicle ay nakita niya ang isang maputi at magandang babae na nagli-lipstick. Tiningnan siya nito mula sa repleksyon ng salamin at nginitian niya lang ito. Binuksan ni Maya ang gripo para maghugas ng kamay. "Maya right?" Tanong ng babae sa kanya.

The Hiding PlaceWhere stories live. Discover now