The Meeting

639 23 2
                                    

Kunot noong sumakay si Matt sa sasakyan ng kanyang magulang papunta sa Jesus Loves Children orphanage. Noong bata siya hindi siya makatanggi na sumama rito, ngayong malaki na siya ayaw pa rin siyang patangihin ng kanyang ama!

Ayaw ni Matt sa mga bata. Lalo na sa mga bata mula sa orphanage at mga batang mahihirap. Para sa kanya na lumaki sa yaman, pakiramdam ni Matt ay marurumi ang mga sila. Hindi sanay sa ligo. Walang maayos na banyo. Hindi masarap ang kinakain. At kahit kailan hindi siya nakipagkaibigan sa mahirap maliban kay Jun. Si Jun ay pang-sampung bata na dinala ng ama niya sa kanilang bahay para kaibiganin siya. Wala naman siyang problema sa pakikipagkaibigan, ang problema lang ay mahirap sila! Isa si Jun sa mga batang amoy-araw na dinala ng tatay niya sa kanila. Nag-aalala kasi ang kanyang ama dahil maraming bata sa bukirin nila pero ni isa ay wala siyang kinaibigan. Kaya dinadala na sila ng ama niya sa kanila. Lagi silang pumapalya maliban kay Jun. Bukod kasi sa mas matangkad ito sa kanya noon at mas malaki ang katawan, makapal din ang mukha nito na pumunta pabalik-balik sa kanila kahit pa ilang beses niya itong awayin. Kaya sa bandang huli, napagod din siya at hinayaan niya na lang. Ngayon isa na si Jun sa mga tauhan niya. Kanang kamay kumbaga pero hindi pa rin sure si Matt kung kaibigang tunay niya ba talaga si Jun.


Napabuntong hininga siya nang makarating sa labas ng orphanage. Sakay ang mga tauhan nila ng isang pick-up truck na dala-dala ang mga gamit at pagkain para sa mga bata. Napairap siya. Kung puwede lang matapos na'y malas na araw na 'to! Sabi niya sa sarili. Napansin ng kanyang ina ang iritadong mukha ng anak. Si Madam Fely. Mahal na mahal ng mga taga-baranggay Insod ang nanay at tatay niya. Paano ba namang hindi? Matulungin at magiliw sa mga tao ang mga ito. "Matt smile ka naman diyan. Hindi matutuwa sa'yo ang mga bata."

"Bakit ma? Iboboto ba ako ng mga bata?" Iritadong sagot niya. Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang ina nang marinig ang sinabi niya, "Matt naman. Noong bata ka ginagawa natin 'to."

"Dati 'yon, Ma. Anong mapapala ko rito? Wala ka ngang dinalang photographers pa'no nila malalaman na nandito ako?"

"Matt, not all the time kailangan mo ng photographer sa pangangampanya. Puwede kang tumulong nang walang nakakaalam. Tsaka tingnan mo ang saya-saya ng mga bata tuwing nakikita nila tayo."

"Di ako masaya na makita sila," Tunog bata na kung tunog bata pero hindi talaga siya natutuwa. Nanahimik na lang si Fely sa sinabi ng anak. Buti hindi sinermonan Si Matt ng kanyang ina tungkol sa buhay nila dati na mahirap lang at alam nila kung anong pakiramdam ng walang makain kaya dapat ay ibalik nila sa Diyos ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.



Nakaayos ang event area ng orphanage. Naaalala niya, twelve years old siya nang huling makapunta rito. Ngayon ay malaki na ang pinagbago. Mas marami ng bahay, may event area pa at mas lumaki na rin ang simbahan sa loob. May play area na rin na dati ay wala at mga lamesa at upuan sa labas. Dumoble rin ang bilang ng mga bata. "I-welcome natin ang pamilya Cuenco!" Pinalakpakan sila ng mga bata at mga tauhan nang makapasok sila sa loob. Pinaupo sila sa table na mukhang nilagyan lang ng bagong labang tela para magmukhang disente. He smirked. Pati ba naman ito.

Pinagsalita ang parehong magulang niya at nagulat siya nang tawagin siya ng kanyang ama. Ipangangampanya siya nito panigurado. Hindi siya handa. Hindi naman siya sinabihan na gumawa ng kahit simpleng speech. Tumayo siya sa harapan at pinilit ngumiti. Idadaan niya na lang sa ngiti tutal ay magandang lalake naman siya. "Magandang araw sa inyo." Sumagot sa kanya ang mga bata ng 'magandang araw' hangga't maaari ay pinagmumukha niyang interesado ang boses niya, "Ako ang tumatakbong Vice Mayor Matteo Cuenco. Sana mag-enjoy kayo ngayon araw. Marami kaming hinanda para sa inyo at magpakabait kayo sa mga house parents niyo ha? Lagi silang susundin dahil alam nila ang best para sa atin. At iiwan ko lang ang katangang, 'Love one another' dahil ayon ang mandate sa atin ni Jesus to love one another kaya walang mag-aaway, lahat dapat bati at maging fair tayo sa palaro natin ngayon araw. Ayon lang at God bless." Habang naglalakad siya palapit di niya mapigilang matawa sa sarili niya. Sa'n ko nakuha 'yon? Love one another? Minsan lang siya makapag-simba pero buti may natandaan siya. Nang maupo siya sa silya niya ay malaki ang ngiti ng mga magulang niya sa kanya.




Nagmamadaling sinuklay ni Maya ang buhok ni DinDin at inupo na ito sa wheelchair. Minsan ay naglalakad ito mag-isa kaso nga lang kaninang umaga ay nag-seizure na naman ito kaya nahirapan lumakad. "DinDin 'wag ka masyadong magpakapagod ha? Enjoy ka lang pero kalma ka. Baka atakihin ka na naman." Paalala niya sa bata at lumakad papuntang event area. Naabutan niya ang tumatakbong Vice Mayor na anak nina Mr. and Mrs. Cuenco. Maganda ang sinabi nito at natuwa siya, hindi lang pala puro pagwapo ang alam nito kundi malapit din sa Diyos.

"O Maya, ako na bahala kay DinDin. Pahinga ka muna, ilang bata na pinaliguan mo." Sabi ng kasamahan niyang house parent na si Ana. Lumabas muna siya at nagpalit ng damit tsaka nag-ayos. Pagkatapos ay naglakad ulit siya papuntang event area nang marinig ang boses ng isang lalake, "Where the heck is the C.R?" Sinundan niya ang pinanggagalingan ng boses. Si Vice Mayor Matt. "Sir magandang hapon po."

Napatingin ito sa kanya. Hindi pala siya nito napansin. "Hinahanap niyo po ba ang C.R?" Hindi ito sumagot at tiningnan lang siya. Guwapo pala talaga ang tumatakbong Vice Mayor. "Nandoon po sa kabilang hallway. Kaso nga lang sira ang ilaw doon," Sabi niya. Lumakad ito papunta sa direksyon niya, "It's okay. Salamat," Sabi nito at hindi na lumingon pa sa kanya. Nagtataka siyang tumingin sa naglalakad na lalake at umiling. Okay lang ba siya? Pinagsawalang bahala niya na lang ito at tumuloy na sa event area.

The Hiding PlaceWhere stories live. Discover now