The Favorite Food

129 11 1
                                    

Kasama ni Maya si Carlo na namamasyal sa plaza. Sabi ni Ma'am Judith ay ilabas daw ang bata para makasagap ng sariwang hangin at makakita naman ng ibang tao. Mamayang hapon ay pupunta sila sa lagoon para mamasyal.

Nang matapos na sila sa Plaza ay pumunta muna sila sa Paresan sa bayan. Walking distance lang naman ito. Nagugutom na rin kasi siya at binigyan naman siya ni Ma'am Judith ng pera kahit papaano. "Magandang araw Maya! Anong gusto mong kainin ngayon?"

"Special Pares po, Aling Tina." Kilala siya ng mga nagtitinda rito. Simula noon hanggang ngayon ito ang kinakainan nila ni Adelaide. "Sino ang batang 'yan? Ang gwapo naman. Mestiso!"

"Si Carlo po. Siya po 'yung baby na napabalitang tinapon sa basurahan."

"Ganoon ba? Naku, kung ako may anak na ganyan kagwapo 'di ko tatapon. Tsaka ba't naman itatapon ang isang bata, buhay din 'yan!" Um-agree si Maya sa sinabi ng matanda at pumili na ng upuan. kaunto lang ang tao sa paresan ngayon dahil patay na oras pa. Mamayang hapon ay dadami na ito.

Hinain na sa kanya ang pares habang pinapadede si Carlo na nasa stroller. Masarap ang special pares ni Aling Tina. Maraming sahog tsaka mura at ito talaga ang binabalik-balikan at gusto kahit ng mga dayuhan.


Tinitigan ni Matt ang hitsura ng pares sa screen ng computer niya. Naalala niya kasing paborito ito ni Maya at na-curious siya kung ano ang lasa. "Jun, masarap ba 'yung Pares?"

"Pares? Oo! Lalo na 'yung sa bayan. Sikat na tindahan 'yon." Tiningnan niya si Jun. "Talaga ba?"

Napatawa ito at napakamot ng ulo, "Oo naman! Ito kala mong laging niloloko."

"Kapag ito hindi masarap humanda ka sakin." Banta ni Matt.

"Masarap nga 'yon! Tsaka paano mo malalaman kung 'di mo susubukan." Desperadong sabi nito.

"If that so, samahan mo ko doon."

"Seryoso ka? Magtatanghalian gusto mo ng pares? Ayos ka lang?" Di makapaniwala nitong tanong nito sa kanya. "Mukha ba akong nagjo-joke?"

"Hindi... eto na nga sasama na.Pero alam ko naman may mga pananghalian sila." Bulong ni Jun sa sarili.

"Sumama ka rin Vince." Utos niya sa PA. "Ako sir?" Turo nito sa sarili.

"Oo. Lilibre ko kayo." Nagkatinginan si Jun at ang PA niya. Parang may naghimala at nagtanim ng kabaitan sa puso ni Matt.



"Jesus thank you po sa masarap na food ko tsaka ni Baby Carlo. Sana po maging kalakasan namin ito at magbigay ng magandang kalusugan. In Jesus' Name, amen." Pagkatapos manalangin ni Maya kasama ni Carlo ay humigop na siya ng sabaw. Sobrang sarap! Thank You, Lord. Kaya naman paboritong-paboritong niya ang pagkaing ito. Parang kahit pakainin siya ng pagkaing masasarap at pangmayaman hindi niya pagpapalit ang pares.

"Magandang tanghali po VM!" Napatingin siya kay Aling Tina at sa lalaking nasa pinto na nakatingin din sa kanya. "VM ano po gusto niyong kainin?" Saglit na tinitigan ni Matt ang matanda. "Kung ano po 'yung bestseller niyong pares." Sagot nito.

"Naku VM magugustuhan mo 'yun sigurado!" Saad pa ng matanda. Napahinto ang pagkain ni Maya at nakita niya namang lumalakad papunta sa direksyon niya si Matt. "Maya, it's a surprise na nakita kita rito." Tiningnan ni Matt ang kinakain niya, "Ayan ba ang pares?"

"O-oo... ito 'yung specialty nila."

"Ah. So ayan din 'yung kakainin ko." Tiningnan niya sa Mata si Maya na hindi pa rin makapaniwalang nandoon siya sa harapan niya, "Kumain ka na." Tumango lang ito at conscious na humigop ng sabaw. Buti na lang at nabagsak ang bote ni Carlo at binalik niya ulit ito sa bata. "Kasama mo pala si Baby Carlo." He smiled. "Oo sinabihan kasi ako ni Ma'am Judith na ipasyal ko muna siya." Napahinto si Maya nang umupo si Jun at Vince sa table nila at kasama rin ang isang guard na ililibre rin niya. "Hello Maya!" Kumaway sa kanya si Jun.

"H-hello Kuya Jun." Sagot niya. Tiningnan ni Jun ang inorder ni Maya at nakakalokong ngumiti, "Pareho pala kayo ni Matt ng kakainin... pares!" Napatawa pa ito habang sinasabi iyon pero huminto rin nang tingnan siya nang matalim ni Matt.

"Ito kasi ang paborito ko rito." Sagot ni Maya.

"Anong inorder mo?" Tanong ni Matt kay Jun para maiba ang topic.

"Ano nga ba 'yon? Ah, 'yung special tocino nila tapos small size na pares tapos ice tea tsaka ice cream na rin para sating lahat. Kasama ka Maya." Nagpasalamat si Maya sa sinabi ni Jun. Matt wanted to pace falm. Dinaig pa siya ni Jun ng order samantalang siya isang special pares lang.

"Parang ikaw magbabayad ha?" Inis na bulong niya rito. Nanunuyang umismid ito sa kanya pero sanay na siya dahil laging mas maraming in-o-order si Jun kaysa sa kanya kaya nga madalang niya lang 'to isama sa mamahaling restaurant. Si Vince at ang bodyguard niya ay special pares lang din ang inorder, tanging si Jun lang ay may ganang um-order ng marami.

Nakipaglaro muna sila kay Carlo dahil pinakilala ito ni Maya sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga ito sa bata habang siya kay Maya lang nakatingin. Iba kasi ang hitsura nito kapag may kasamang bata. Sa tagal nitong nagtatrabaho sa orphanage hindi siya mukhang losyang.

Dumating na ang order nila at sumabay na si Maya'ng kumain dahil hinintay pa nitong dumating ang order nila at huminto sa pagkain dahil kayla Jun. Nilagay din sa gitna ang ice cream at sa ikalawang pagkakataon nagulat sila dahil sabi ni Matt na siya na ang mag-i-scoop para sa kanilang lahat, "Woah! Matt, galing ka bang simabahan kahapon? Bumabait ka yata." Pang-aasar si Jun. "Oo." Natigilan ng subo si Jun nang marinig ang sagot ni Matt.

Natuwa si Maya sa narinig niya, "Talaga? Nagsimba ka? Teka, tatlong linggo ka na 'di bumabalik ng Manila. Nagbago ka na ba talaga?" Nang-aasar na tanong ni Jun.

"Loko-loko. Ubusin mo na lang 'yang kinakain mo. Kaya ka tumataba." Sagot ni Matt sa maraming inorder ni Jun. Maya giggled and that made him want to smile. He like the feeling that she giggle, chuckle or laugh to whatever he's saying. Dinamihan niya ang scoop ng ice cream para kay Maya dahil alam niyang paborito ito ng dalaga.


"Magkano po 'yung sa akin?" Tanong ni Maya kay Aling Tina. "Forty lang Maya." Iaabot na sana niya ang bayad ng sumingit si Matt, "Isama niyo na po 'yung kay Maya."

Napatungo ang dalaga, "M-Matt..." tawag niya rito pero nag-thumbs up lang ito sa kanya at ngumiti. Nagpasalamat na lang si Maya rito.

Lumabas na sila at tinulak niya ang stroller ni Carlo. "Babalik na ba kayo sa ampunan?" Tanong sa kanya ni Matt.

"Mamasyal muna kami sa lagoon para makita rin niya 'yung magandang tanawin."

"Have you ever go to our beach resort?" Umiling si Maya, "Di ako nakasama noon nang inimbitahan kami ni Madam Fely dahil nilalagnat ang isa kong alaga at naiwan kaming dalawa."

"You should go now! Doon mo na lang ipasyal si Carlo mas sariwa ang hangin."

"N-naku Matt hindi na. Nakakahiya tsaka nilibre mo pa ako sa pagkain kanina. Okay na kami sa lagoon. Sandali lang naman kami roon."

"I insist Maya—"

"Oo nga Maya. Kapag nagsabi si Matt na "I insist" ibig sabihin gusto ka talaga niyang pumunta roon. Swerte mo kasi madalang ang mga taong pinipilit niya." Singit ni Jun. "Kaya tanggapin mo na. Maganda roon sa resort." Bumalik sa ala-ala ni Maya kung ilang beses siya sinabihan ni Matt ng "I insist" samantalang ilang buwan pa lang silang magkakilala. Alam ni Maya na pinakamaganda ang beach resort ng mga Cuenco sa lahat at sabi nila may mga artista raw na bumibisita roon. "O-o sige."

"Good dadaan na rin namin kayo roon." He said with a smile.

The Hiding PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon