The Sunshine

109 11 0
                                    

Tatlong araw ang nakalipas nakatanggap ng masamang balita ang buong bayan, wala na si Mayor. Hindi na niya kinaya ang pangatlong atake kagaya ng sinabi niya kay Matt. Malungkot na tiningnan ni Matt ang balita at bumababa mula sa kanyang kwarto. Nakita niyang magkausap ang mga magulang niya at nang makita siya ng mga ito ay agad siyang niyakap, "Ma, Pa... ayos lang ako. Kaya ko 'to."

"Matt, alam mo ba bago mawala ang kaibigan kong 'yan sinabi niya sakin na gusto ka talaga niyang maging Mayor kaya mauuna na siya. Kaya lahat ng bagay sinasangguni niya muna sa'yo." Sabi ng Papa niya. Tahimik silang nag-umagahan at pumunta na sa bahay ng namayapang Mayor. Matt sighed, he's there everyday hanggang sa malibing si Mayor. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naroon sa lugar pero nagtakda sila ng viewing hours noong isang araw para sa mga kababayan na gustong makita sa huling pagkakataon ang namayapang Mayor.


Late na nang makarating siya sa ampunan at naghihintay sa labas si Maya. Nakita niya ang tarpaulin sa labas ng orphanage na may nakasulat na "We will miss you Mayor Fernando." Lumabas siya ng kotse at tumingin kay Maya, "Kumusta ka na?" Tanong nito sa kanya. Napabuntong hinginga siya at lumapit kay Maya para yakapin 'to. Naramdaman niyang nabigla si Maya sa ginawa niya, "Sorry kung niyakap kita bigla... kailangan ko lang talaga ng comfort ngayon." Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya pabalik ni Maya at napangiti siya. Ang liit nito kumpara sa kanya pero ayos lang dahil saktong-sakto naman ang dalaga sa kanya. "I can get used to this... pwede bang yakapin ka araw-araw?" Pabirong tanong niya. Pinalo siya ni Maya nang marahan sa braso, "Masyado ka namang abusado." Sabi nito at humiwalay sa kanya nang may ngiti sa labi.

"Ikaw na magiging Mayor." He nodded at her statement, "Pagpe-pray kita lagi na bigyan ka ni God ng wisdom at sana huwag kang masyadong mapagod kagaya noong mga nakakaraan."

"That's done. And the city Governor will appoint the new Vice Mayor. Probably, si Manansala." Irap ni Matt na nakapagpatawa kay Maya, "Matt, pakisamahan mo na lang siya."

"Narinig mo ba kung paano ako siniraan no'n noong kampanya?" Reklamo niya. "Pero bahala na ang Diyos sa kanya. I won't problem him anymore." Napatungo si Maya sa sinabi ni Matt, "Tama ba 'yung narinig ko, Matt?" Nagtatakang tiningnan siya ni Matt, "Alin?"

"Minention mo ang Diyos..." Matt smiled and hugged her again, this time she didn't comply. "Yes. And I'll tell you Maya I'm far from perfect and I'll never be but He's doing something in me." Napangiti si Maya ng malaki. Sinagot na ng Diyos ang panalangin niya. "Alam mo Matt masaya akong marinig 'yan. 'Di mo alam kung gaano ako kasaya."

Kumalas si Matt sa pagkakayakap kaya Maya at tiningnan ito mata sa mata, "Then make me the happiest man tonight.  Say yes to me." Tinitigan lang siya ng dalaga at hindi malaman ni Matt kung ano ang iniisip ni Maya. Maya-maya pa ay ngumiti ito, "Oo Matt." He don't know how many times did he hugged her tonight but there's one truth, there's always sunshine after the rain.




Napansin ni Adelaide at Ma'am Judith na masayang-masaya si Maya. Kakaiba ang glow nito at naging blooming, "Maya may kakaiba yata sa'yo ngayon?

"Po?" Tanong niya habang nagwawalis. "Ang blooming mo ngayon tapos pansin ko kahit mag-isa ka nakangiti ka."

"Naloloka ka na ba Maya?" Biro ni Adelaide. Tumingin siya sa dalawa at lumapit, "Huwag kayong maingay... kami na ni Matt." Nagkatinginan sila Adelaide at Ma'am Judith tsaka mahinang tumili, "Talaga Maya? Sobrang saya ko para sa'yo. Naku ito na ba ang road sa pagiging first lady?" Excited na sabi ni Adelaide at hinawakan ang kamay niya tsaka pinisil-pisil.

"Maya congrats. Deserve mo si VM— ang ibig kong sabihin si bagong Mayor pala. Ang galing-galing naman!" Kinikilig ang dalawa para sa kanya, "Secret lang po ito ha? Hindi pa namin pinaaalam sa iba." Umaktong zinipper ng dalawa ang bibig nila, "Promise Maya hanggang ready na kayo kami lang munang dalawa ni Ade ang kikiligin." Sagot ni Ma'am Judith.



He's wearing the best Barong that he can wear. It's the day of his Inauguration and what's more special is that Maya will be there. Sinabi na niya sa kanyang magulang ang relasyon niya kay Maya nagulat ang mga ito at pinalo pa siya sa braso ng ina nang ilang ulit dahil hindi man lang daw nagpatulong magpaligaw sa kanya ang anak o kaya ay pinadalaw si Maya sa bahay para magka-time silang dalawa ng Mama niya. His mother is so excited that she insisted na siya na ang bibili ng Filipiniana ni Maya. He wanted to see it but his mother said that it will be surprise.

Nauna siya sa munisipyo kung saan doon din siya aagurahan. He keep on looking at the entrance, naroon na ang Papa niya tanging Mama niya na lang at si Maya. Pinatayo na siya sa gitna at nagsisimula na nang dumating si Maya at ang Mama niya. His face lit up in an instance when he saw her. Mas gumaganda si Maya kapag naayusan. She's wearing a plain white knee length Filipiniana and a white flat shoes. Her hair was straigthened and tucked behind his ears.

Pagkatapos ng agurasyon niya ay nag-picture taking na. "Maya dito ka sa tabi ni Matt..."

"P-po?" Hindi makapaniwalang tanong niya, "Pamilya ka na. Tara na rito."

"Come on Maya. Dito ka na sa tabi ko." Napatingin siya sa paligid niya, halatang nagtataka ang mga tao. Lumakad na siya patungo sa gilid ni Matt at hinawakan siya nito balikat. She smiled nervously as the camera click. Matt is so sure this will be the talk of the town, but he doesnmt care. People should know that he have an amazing girlfriend.




Kasama siyang kumakain ng pamilya Cuenco sa bahay nila. Masaya si Maya dahil madali siyang natanggap ng mga magulang ni Matt. Lagi kasing inuulit sa kanya ni Fely noon na kung gusto nga niya raw magkaroon ng girlfriend ang anak ay 'yung hindi nagmula sa mayamang pamilya. 'Yung simple lang pero may takot sa Diyos at may mabuting kalooban dahil mas maganda raw sa isang tao na alam kung paano mamaluktot at mamuhay nang masagana. Mula rin kasi sa hirap ang pamilya ni Matt. Nakabili lang ng mga baka, kambing hanggang sa napalago nila at nakabili ng mga lupa upang sakahan at dahil kasama nila ang Diyos at tapat sa pinagkaloob sa kanila umasenso sila sa buhay at nakabili pa ng maraming lupa at beach resort. "Maya, dapat madalas ka rito para naman may kasama ako. Nakakalungkot laging mag-isa. Lagi ring wala si Max." Sabi ni Fely sa kanya.

"Ma, busy si Maya sa ampunan." Sagot ni Matt.

"Okay lang! Mag-hire tayo ng isa pang houseparent para kapag wala ka nandito ka." Dahilan ni Fely. Ngumiti si Maya sa ina ni Matt, "Salamat po Madam. Gusto ko rin po iayong makasama kaso hindi po ganoon kadali iwan ang ampunan lalo na't kailangan ko pong magpaalam kay Ma'am Judith."

"Ako na magpapaalam kay Judith." Nagpapaawa nitong sabi at hinawakan si Maya sa braso, "Ma, hayaan natin si Maya she's welcome here anytime pero don't push her." Umirap si Fely sa anak, "Kasi naman first time lang na magdala ka ng babae rito tapos si Maya pa! Syempre excited ako lalo na kasi gusto ko na magkaapo. Magpakasal na kaya kayo?" Napaubo si Matt sa sinabi ng Mama niya at agad inabot ni Maya sa kanya ang isang baso ng tubig. "Fely naman. 'Wag mong madaliin ang mga bata. Hayaan mong enjoyin muna nila ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend nila." Payo ng Papa ni Matt. Nagkatinginan lang si Maya at Matt. He hold her hand under the table. "If Maya wanted too I can, pero tama si Papa we need to slow down tsaka Ma, dalawang araw pa lang na kami." Napangiti si Maya sa sinabi nito. "Siguro po Madam eenjoyin muna namin ang season na 'to." Sagot ni Maya.

"Maya! 'Wag mo kong tawagin na Madam tawagin mo kong Mama..."

"O-o sige po... Mama."

The Hiding PlaceWhere stories live. Discover now