The Question

147 9 1
                                    

He need a date. A date? Halos isuka na nga siya ng mga ex-girlfriends niya saan siya kukuha ng date? Mahirap namang bumalik ng Manila at maghanap sa bar ng ide-date. Wala rin siyang makukuha sa Insod dahil ang gusto niya ay may class. 'Yung hindi galing sa Insod. 'Yung sanay makipagsabayan lalo na't mataas ang posisyon niya. "Saan ka naman kukuha ng date?" Tanong ni Jun sa kanya.

"Di ko alam." Asar na sagot niya.

"Gusto mo hanapan kita isa sa mga kilala ko?" Alok sa kanya ni Jun. Matalim niyang tiningnan si Jun, "Ano ka ba? Alam mo namang ayoko ng taga-rito."

"Wag ka ng choosy. Ito naman..." Hindi na niya pinansin si Jun at lumabas na siya ng kwarto niya. Sumulpot na naman kasi ito sa kwarto niya at dahil akala ng magulang niya ay hinahayaan niya lang si Jun kaya malaya itong maka-labas at pasok sa bahay nila.


"Ma sinong kukunin kong date?" Inis na tanong niya. Pinuntahan niya ang mga magulang sa kwarto at namamahinga na ang mga ito. "Aba, choice mo na 'yon anak."

"Pero tatlong araw na lang. I can't go back to Manila busy na ako sa munisipyo."

"Alam ko anak. Kaya nga sinabi ko sa'yo noong isang buwan pa 'di ba?" Sagot ng Mama niya habang naglalaro ng Candy Crush sa iPad.

"Pa..." he whined. Tiningnan lang siya ng ama at ngumiti, ibig sabihin no'n ay 'pumayag ka na lang sa gusto ng Mama mo'. "Ma wala ka saking sinabi na ngayong linggo 'yon. Plus 'di mo rin sinabi sakin na may date dapat."

Binaba ni Fely and iPad at hinarap ang anak, "Sinabi ko."

"Kailan?"

"Sa ampunan! Noong kasama mo si Maya no'n—"

"Kay Judith mo sinabi 'yon hindi sa—" Reklamo niya.

"Then ganoon na rin 'yon. Narinig mo naman."

"Ma that sounds irrational wala kang sinabi tungkol sa date—"

"Alam ko na!" Malakas na sabi ni Fely. Sinaway siya ng asawa na huwag masyadong maingay. Napatitig na lang si Matt sa ina. Pakiramdam niya kalokohan na naman ang sasabihin nito, "Si Maya na lang!"

"What?! Si Maya?" Di makapaniwala niyang tanong.

"Si Maya, my son. She's nice. May delicadeza at marunong makisama. Tsaka maganda si Maya lalo na kapag naayusan." Suhestiyon pa nito. "Si Maya 'yung isang housemother sa ampunan?" Tanong ni Max.

"Oo siya. Naku! Gustong-gusto ko ang dalagang iyon. Tsaka pupunta rin naman sila siya na lang ang date mo. At magkaibigan na kayo 'di ba?" Napakamot siya ng ulo at tumungo sa pintuan. Kapag ayaw niya ng usapan, walk out. "Bahala na nga." Naiinis siya kasi kailangan pa ng date. At naiinis siya kung bakit si Maya pa naisip ng Mama niya. Naiinis siya dahil naisip niya rin iyon kanina.



Isang sorpresa na naman ang pagbisita ni Matt sa ampunan at ngayon ay hinahanap siya. Gusto raw siya nitong makausap ayon kay Ma'am Judith. Iniwan niya muna saglit ang mga bata at nakita si Matt na nakaupo sa bench kung saan huli niyang nakausap ito. Simula kasi ng manumpa ito at maupo sa pwesto ay hindi na ito nakabalik pa sa ampunan. Busy na raw ayon kay Madam Fely.

Lumakad siya papalapit dito at agad namang tumayo si Matt. "Magandang araw." Ngiti niya sa Vice Mayor, "May kailangan ka raw sakin?"

Mukhang nag-aalangan pang sumagot si Matt. Tiningnan muna siya nito saglit bago ngumit, "Pupunta ka ba sa party?" Umiling si Maya. "Pito lang ang makakapunta samantalang anim ang maiiwan at isa na ako roon."

"Hindi ba pwedeng magpapalit ka na lang?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi ko alam... bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Mama wants you to be my date at the party." Pahayag nito. Nanlaki ang mata ni Maya, "Date?!" Mabilis siyang napahawak sa bibig at inulit muli ang tanong. "Yes. I need a date at ikaw ang inaaya ko."

"P-pero... wala akong damit tsaka ba't ako? Marami ka namang kakilalang maganda at mayaman. Tsaka hindi ako bagay sa mga sosyal na party." Pagdadahilan pa niya. Ayaw niya ring maging laman sa tsismis sa tindahan at palengke.

"Kung nag-aalala ka sa damit magpapadala si Mama ng damit para sa kanila pero bukod sa'yo... if you're going to agree I'll buy you a dress." Kalmadong sabi ni Matt. Nakahinga siya nang maluwag at nakabalik na siya sa senses niya. "Bili?"

He want to grunt dahil inuulit nito ang mga sinasabi niya, "Yes. Bili."

"P-pero mahal 'yon. Pasensya na Matt pero hindi talaga ako pwede. Marami namang iba riyan."

"Ayoko ng iba gusto ko ikaw." Diretso niyang sabi. Nagulat si Maya sa sinabi ni Matt at hindi nakapagsalita, "I-I mean... wala na akong ibang mahanap tsaka karamihan sa kanila naging... girlfriend ko dati at ayoko naman ng ganoon... plus, karamihan ng mga kilala ko nasa Manila. Masyadong mahirap kapag pinabyahe pa sila at itong event lang ang pupuntahan." Di niya alam kung bakit ang dami niyang excuse. Ayaw niya lang namang tumanggi ulit si Maya.

"K-kausapin ko muna si Ma'am Judith pero hindi ako sigurado. Ipagbibigay alam ko na lang sa iyo. Siguro mamayang gabi? May meeting kasi siya ngayon kasama mga admin hanggang mamayang hapon." Paliwanag niya. Kinakabahan si Maya, nasa isip niya na sana ay huwag pumayag si Ma'am Judith pero naaawa siya kay Matt dahil mukhang importanteng may kasama siya sa party. Napakagat siya ng ibabang labi.

"I'll get your number na lang." Sa isip-isip ni Matt ay magandang ideya ang ginawa niya. Mabilis na hinugot ni Maya ang cellphone mula sa bulsa at binuksan ito. Napataas ang kilay ni Matt. Anong taon na at de-keypad pa rin cellphone niya? Dinikta sa kanya ni Maya ang number at tinawagan niya ito. "Save mo number ko." Sinunod naman siya ng dalaga.

"Aalis na ako." Paalam niya dahil ito lang naman talaga ang pinunta niya sa lugar. Sumunod si Maya ng lakad sa kanya, "Hatid na kita sa gate." Alam ni Matt na ganito lagi sa ampunan. Hinahatid parati ang mga bisita sa gate. "Ate Maya si Popoy po inaaway ako..." Reklamo kay Maya ng isang bata. "Mga bata sandali lang ha? Iso-solve natin 'yung problema pagbalik ko." Ngiti ni Maya sa mga ito. Nanahimik naman ang mga bata. Nakarating na sila sa gate, "Sana oo ang sagot mo." Sabi niya.

"Hindi ko maipapangako pero kung papayag si Ma'am ayos lang din sa akin." Ngumiti ulit ito. Ayaw ni Matt makitang ngumiti ngayong araw si Maya dahil may something sa ngiti nito. Na-black mail lang siya ng Mama niya na pumunta sa ampunan at ayain ang dalaga. "Alis na ko." Hindi na siya tumingin pa pero narinig niya ang sinabi ni Maya. "Ingat ka. God bless." At kahit hindi niya nakita ang mukha nito alam niyang nakangiti si Maya nang sabihin ang mga salitang iyon.



Tinext niya si Matt. Pumayag si Ma'am Judith. Kinakabahan si Maya na naghihintay habang tinatapik ang pinapatulog na alaga niya. "Ate Maya?" Tawag ng bata.

"Bakit?"

"Tabi po tayo matulog..." request nito. Napangiti siya. "Sige pero huwag mong sasabihin sa iba ha?" Buti na lang ay tulog na ang lahat ng bata at itong si Bianca na lang ang gising. Ilang sandali lang ay nag-vibrate ang cellphone niya. "Good. Bukas ipapa-deliver ko 'yung damit." Basa niya. Nag-init ang pisngi ni Maya. Ano kaya hitsura ko sa damit na 'yon?


Pinatawag siya ni Ma'am Judith sa opisina nito. Nakalagay sa lamesa ni Judith ang isang malaking box at sa ibabaw naman nito ay maliit na box. Malaki ang ngiti sa kanya ni Judith. "Maya heto na 'yung padala sa'yo ni VM." Pinagmasdan niya ang box. Ang laki-laki nito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya napadalhan ng box at malaki pa at makinang. Box pa lang ay mukhang mamahalin na. "Alam mo ba ang brand na 'yan? Alam ko libo-libong halaga niyang pati 'yung sapatos." Tumayo si Judith at tinitigan nilang dalawa ang box. "Buksan mo na tapos mamayang hapon kapag dumating na 'yung padamit samin ni Madam Fely isukat nating lahat sabay-sabay." Excited na sabi ni Judith. Napangiti siya at mabilis na binuksan ang box na malaki. Napanganga sila nang malaki nang makita ito. Isang makintab na evening gown. Kahit manipis ang strap ay modest pa ring tingnan. Simple ito pero maganda. Napapalakpak sa tuwa si Ma'am Judith. "Naku 'wag mo na kaya kaming hintayin? Isukat mo na ngayon!" Manghang-mangha si Maya. Mukhang mamahalin talaga dahil salat pa lang niya sa tela ay halatang iba ito. "Ma'am hihintayin ko po kayo mamaya. Pati ako excited na... kaso bagay kaya sa'kin 'to?"

Tinapik siya nito sa braso, "Ano ka ba? Bagay sa'yo 'yan. Maganda naman ang katawan mo tsaka sigurado ako kasyang-kasya 'yan." Malaki ang ngiti nito sa mukha, "Para ka namang Cinderella diyan!" Napangiti siya at naisip na tama nga ang sinabi ni Ma'am Judith.

The Hiding PlaceWhere stories live. Discover now