Chapter 22

10.1K 415 62
                                    

Hello, yes, I'm sorry and I'm here. Basahin niyo na lang yung last two chapters if ever nakalimutan niyo na ang mga pangyayari huehue



彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ


●~* The Final Battle ●~*



[BAMBI]


"Actually, magkamukha rin tayo." nakangiting sabi sa akin ni Queen Lala. Napaatras ako at ramdam ko ang panlalambot ng mga paa ko.


Siya ang sinasabing kapatid ni Papa? Ang nag-iisa nyang pamilya? Siya ang.. tita ko?


Pero ngayong nandito na ako, anong gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Sasaktan niya ba ako kahit alam niyang magka-dugo kami?


Nasagot ang tanong sa utak ko nang bigla siyang magsalita, "Magpahinga ka muna. Bukas na tayo mag-usap." Tiningnan niya si Commander A.M na nasa likod ko, "Ihatid niyo na muna siya sa kwarto." Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa akin at ngumiti ng malungkot, "Sa kwarto ng kapatid ko."




Sinundan ko lang si A.M sa isang madilim na hallway. Akala ko wala nang katapusan itong nilalakad namin nang bigla syang huminto sa isang malaking pintuan. Binuksan niya ito at rinig ang malakas na ingay mula sa pinto - isang sign na matagal na itong hindi nabubuksan.


Minotion niya ako na pumasok at may pinindot siya sa kung saan na nag-produce ng ilaw sa kwarto.


Sobrang linis ng kwarto. Walang gusot sa kama niya at doon ko nalaman na hindi na nga binalikan ni Papa ang planetang ito. Nalipat ang tingin ko sa bedside table niya at ang picture lang nila ni Queen Lala ang tanging nakapatong doon.


"Magpahinga ka na." Lumingon ako kay Commander A.M na nasa may pintuan at nakatingin sa akin, "At wag mong isipin na kahit magka-dugo kayo ni Lala, lalambot na ang puso niya sayo." Kinilabutan ako nang bigla siyang ngumiti - isang ngiti na may nakatagong mga sikreto - "You're here for a reason." At isinara na niya ang pinto.


Makalipas ng ilang segundo, pumunta ako sa bintana ng kwarto at tumingin sa labas. Sa paligid at kalangitan na nababalot ng kadiliman.


Ito ang lugar na gusto nilang lagyan ng liwanag. Ang mundong ito ang dahilan kung bakit pilit nila akong kinukuha.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at walang malay na napahawak sa aking kwintas.


Ano ba ang gagawin nila sa akin?


Tama bang hinayaan ko ang sarili kong pumunta na lang dito?



- - - -


Nagising ako sa mahinang pagkatok mula sa pintuan ng kwarto. Sisigaw na sana ako na masyado pang maaga nang naalala ko na wala ako sa bahay at hindi ko kasama ang Kuya ko ngayon.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon