Chapter 18

12.3K 501 37
                                    

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ  

 ●~* Unraveling Pt. 2  ●~*

[BAMBI]

 

"Bakit?" ang tangi kong nasabi.

Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Tiningnan niya isa-isa sila Kuya at tumango silang lahat at umalis. Bago tuluyang umalis si Kuya, tinapik niya ang balikat ko, "You're a strong girl, Princess."

Princess. Ngayon, alam ko na kung bakit nila ako tinatawag na ganyan. 

Hindi nila ako tinatawag na Princess para lang sa isang pet name; tinatawag nila akong Princess dahil iyon talaga ako.

Nang maka-alis na silang lahat, umupo si Grandmy sa tabi ko. Ang reyna. 

"Grandmy.." mahina kong sabi. Para bang unti-unti na akong nawawalan ng lakas dahil natatakot ako sa mga sasabihin ni grandmy. Oo, gusto kong malaman ang totoo pero hindi pa rin mawawala ang pangangamba.

"Mabigat ang kasalanan ko, Princess." tumingin siya sa kawalan. Tumahimik siya at para bang may hinihintay mula sa akin. 

Pinilit kong ngumiti sa kanya, "Sabihin mo na, Grandmy. Nakayanan ko naman yung mga sinabi ni Kuya, I'm sure na wala lang ito." Kahit na nanginginig na ako sa takot, "I'm a strong girl, Grandmy."

Ngumiti siya pero kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya, at bumuntong-hininga, "Kukunin sana ng papa mo ang anak ko. Ang nag-iisa sa ating planeta na may kakayahan katulad ng sa akin. Nang marinig ko ang pag-uusap ng iyong papa sa taga-kabilang planeta, natakot ako at hindi na hinintay na matapos ang usapan nila. Pumunta ako sa kwarto ko at pinag-isipan kung paano iligtas ang anak ko. Kailangan siya ng planeta natin, paano na kung mawala ako, wala nang makakapag-panatili ng liwanag sa ating planeta, lalo pa't kukunin na nila ang aking anak." 

"Tapos naalala ko, naalala ko na buntis nga pala siya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Pagkalipas ng ilang araw, bumisita ako sa kabilang planeta at sa kanilang pinuno noon." bumuntong-hininga siya, "Ipinagkasundo kita. Sinabi ko na kailangan ng planeta namin ang anak ko. Sinabi ko na ang anak na lang niya ang kanyang kunin." 

Yumuko si Grandmy, "Sinabi ko iyon dahil kampante ako na lalaki ang magiging anak niya. Dahil alam kong ilang taon - dekada - pa bago magkaroon ng babaeng tulad namin, dahil iyon palagi ang nangyayari. Pero tuluyan na akong nangamba nang ipinanganak ka. Isang babae. Hindi ko na naitago sa mga magulang mo ang ginawa ko. Nagalit ang anak ko sa akin at sinabing babawiin niya ang kasunduan, na siya na lang ang kunin. Pero isang malaking bagay sa katulad natin ang mga ganitong kasunduan, kaya kahit na subukan mong bawiin ang iyong pangako, gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang taong pinangakuan mo.

"Iyon ang kasalukuyang ginagawa ngayon ng reyna sa kabilang planeta, at hindi siya titigil. And I should know dahil kakabisita ko lang sa kanila noong mga nakaraang araw."

Bumisita si Grandmy at walang nangyaring masama sa kanya? So, nakakapag-usap na sila ng maayos?

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon