Chapter 10

22.8K 738 154
                                    

PUNYEMAS NA-RELEASE NA YUNG COFFEE SHOP MV WWAAAAAAHHHHH ANDUN SYA SA GILID WAAAAH AYOKO NA I QUIT EVERYTHING!!!!!

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* For a Day ●~*

[BAMBI]

"Umayos ka nga! Nawawalan na tayo ng oras, eh! Kailangan na natin siyang ihanda!"

"Tumahimik ka nga muna! Alam ko ang ginagawa ko."

"Ano nga kase yon?!"

ASJDKGJFKBLH >O< Bakit ang ingay?

Ganito na ba lagi? Lagi na ba akong hindi nakakatulog ng mahimbing. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 5AM pa lang. Huuuuu T^T

"Nawawala na yung bisa ng pagbubura ng alaala niya!"

Napamulat na ako ng todo nang narinig ko ang 'bura' at 'alaala'.

Sino ba yung nagsisigawan sa labas? O.O

Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ko at sumilip sa labas. Nakita ko si Dark at Kuya na nagsasagutan di kalayuan sa may pwesto ng kwarto ko.

"Alam ko ang ginagawa ko, Dark. Alam kong mas makukumbinsi ko siya kapag bumalik na ng tuluyan ang alaala niya."

Tumahimik si Dark ng ilang saglit bago nagsalita ulit, "Pero bakit biglang bumalik ang alaala niya? Hindi ba pang-habangbuhay iyon?"

Umiling lang si Kuya at kahit naka-tagilid siya sa akin, kita ko pa rin ang malungkot na ngiti sa labi niya.

"Sa oras na mamatay ang isang katulad ni Papa, nawawalan na ng bisa ang kahit na ano o sino na ginamitan niya ng kanyang kakayahan."

Tinry kong makinig pa sa usapan nila pero pahina na ng pahina ang mga boses nila, hanggang sa matapos na sila at pumasok sa loob ng bahay.


Pero nag-stuck talaga sa ulo ko yung sinabi ni Kuya.

Isang katulad ni Papa? Kakayahan?

~ ~

Pagkatapos kumain ng umagahan, nagpaalam muna sila Kuya na lumabas at pumunta muna sa playground. Tsk tsk. Mga bata pa rin talaga. Tinanong naman nila ako kung gusto kong sumama pero umayaw ako.

Lalo pa't nakita kong inilapag ni Kuya ang susi ng basement sa divider, at mukhang makakalimutan pa itong kunin.

At tama nga ang hinala ko, umalis sila na hindi niya napapansing naiwanan niya yung susi.

This. Is. The. Moment.

Kinuha ko ang susi at agad na dumiretso sa labas at sa likod ng bahay.

Huminga ako ng malalim, "Sorry, Kuya. Hindi ko na kayang maghintay."

Nang narinig ko ang pag-click mula sa doorknob na nangangahulugang unlocked na siya, lalo yata akong kinabahan.

Alam kong nakita ko na ang kwartong iyon pero alam ko rin na marami ang nakatago doon.

Mga bagay na sigurado akong makakasagot sa iba kong mga tanong.

Binuksan ko na ulit ang pangalawang pinto at tuluyan nang pumasok sa kwarto. In-on ko ang ilaw at nakita ko na ulit ang mga painting na nakasabit sa pader.

Inuna kong kalkalin ang drawers ng mga lamesa... pero wala akong nakitang kahit anong laman >_<

Tiningnan ko na rin ang bawat sulok at sinilip ang bawat butas sa loob ng kwartong ito. Pero bakit wala talaga?! >3<

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon