Chapter 16

15K 539 69
                                    

May chapter 15 na po, kung hindi nyo pa nababasa. Medyo napabilis lang ang update ko. Oha, wala nang mangungulit :-----)

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~* His Demons ●~* 

~ * ~ 

Madalas kaming pumupunta ng papa ko sa lugar nila.

Sa kanilang makulay at maliwanag na lugar. 

"Makukuha rin natin ang ganitong liwanag, anak." madalas niyang sabihin sa akin. "Magtiwala lang tayo sa kanya."

Tiwala.

Bata pa ako noon para tanungin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Pero dahil sa isang pangyayari, nalaman kong ang pagti-tiwala din ang nagiging dahilan ng kamatayan ng isang tao.

 Pumasok kami sa isang magandang kastila.

May isang batang lalaking kasing-edad ko, o siguro mas matanda, na nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. Nakita kong may lumabas na apoy sa palad niya at sinimulang habulin ang isa sa kanyang mga kaibigan.

Bakit ang saya dito?

Bakit lahat sila nakangiti?

Bakit hindi sila nababalot sa kadiliman?

Nakadating kami sa isang kwarto na may malaking pinto. "Dito ka muna." Sabi sa akin ni papa at pumasok na sa loob.

May pag-uusapan daw sila ng kanyang matalik na kaibigan.

Tungkol daw sa isang kasunduan.

Umupo na lamang ako sa sahig at sumandal sa dingding habang nakatitig sa isang malaking bintana sa harapan ko.

Kitang-kita dito ang nasa labas. Puro puno, may tubig, may malinis na hangin, may liwanag, at may kaunting kadiliman. Balanse.

"Anong ginagawa mo dito?" tiningnan ko ang isang batang babae na parang kasing-edad ko lang. May mga dala siyang bulaklak. Nakatingin ang kanyang malalaking mata sa akin na naging dahilan para umurong ang aking dila.

Nagtagpo ang kilay niya at tiningnan ako na para bang isang test experiment. "Hindi ka taga-dito 'no?"

Nakatingala lang ako sa kanya. Pumasok ang hangin mula sa maliit na pagkakabukas sa bintana at lumipad ang mga petals ng bulaklak na hawak niya, at pinalibutan kami.

Nagulat ako nang inilahad niya sa akin ang kanyang kamay at ngumiti, "Ako si Bambi. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

- - - - 

Nakarinig ako ng tunog ng isang nabasag na bagay at pagsigaw mula sa kwarto niya.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon