Chapter 5

23.5K 744 154
                                    

彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

●~*  Confusion ●~* 

[BAMBI]

Para akong hini-hypnotize.

Nakatitig lang ako sa apoy na nagsasayaw sa palad ng kapatid ko.

Parang palaki ito ng palaki pero alam kong hindi ito nangyayari.

Parang.. yung mga mata ko na mismo ang palapit ng palapit sa apoy.. hanggang sa..

May nakita ako sa loob ng apoy. Sumakit na naman ang ulo ko.

Sigawan at takbuhan.

'Ilayo nyo siya!!' rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses at nakita ko sa apoy ang mukha ni Papa.

Anong ginagawa niya?

At nakita ko sa tabi niya ang isang batang lalaki.. si kuya?

Parang isang camera, nawala ang focus sa mukha nila papa at kuya.

Lumipat ito sa isang babae na higit-higit ang isang bata.

Si Mama at ako.

Kumirot na naman ang ulo ko. Lalong nadadagdagan ang sakit.

Nakita ko ang batang ako na hinigit mula sa kamay ni Mama.

Sumigaw si Mama sa taong may itim na kasuotan na nakahawak sa akin.

Sobrang sakit na ng ulo ko pero pilit ko pa ring tinititigan ang apoy. Alam kong nakatingin sa akin si Kuya at alam ko na alam niya ang nangyayari sa akin ngayon.

Pero nawala ang apoy sa palad niya nang biglang may malakas na hangin na dumaan sa pagitan namin.

Nag-blink ako. Tumingin ako sa labas pero hindi naman nagalaw ang mga dahon ng puno. Saan galing ang hangin?

“That's enough.” rinig kong sabi ni Sky na agad lumabas sa kwarto ko.

Nag-sigh si Kuya at matamlay na ginulo ang buhok ko, “Sorry.”

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now