Chapter 24

7.2K 338 23
                                    

RECAP: Voluntarily na sumama si Bambi kila Commander A.M papunta sa planetang Mato, at doon niya nakilala ang kapatid ng kanyang Papa na si Queen Lala. Nakita niya na behind sa cold exterior ng Queen, ay isang babae na nangangailangan ng pamilya.

Sumunod sila ang anim na Mataliens, sila Flame, at si Grandmy papunta sa planetang Mato. Humiwalay sila Grandmy at Zelo para puntahan si Bambi. Nang nakalabas na si Bambi sa kwarto niya (gamit ang kanyang lakas), bigla silang hinarangan ni Commander A.M. Pinauna ni Grandmy sila Bambi at Zelo, at nagpaiwan siya para kalabanin si Commander A.M.

Nagsama-sama na ang mga mataliens, sila Flame, at Bambi. Papunta na sila sa kanilang spaceship nang nakita nila si Queen Lala na naghihintay doon. "You're leaving?"



彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ



●~* Save Me  ●~*



[3RD]


"You're leaving?"


Hindi mabasa ni Bambi ang ekspresyon ni Queen Lala. Diretso lang ang tingin nito sa kanila at wala siyang pinapakitang emosyon sa kanyang mga mata. Malamig at blanko ang kanyang tingin.


"Queen.." humakbang pauna si Yongguk pero napatigil siya nang bigla siyang tingnan ni Queen ng isang matalas na tingin.


Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Bambi pero may kaunting softness na sa mga mata niya. "You're leaving?" pag-uulit niyang tanong. This time, rinig ni Bambi ang lungkot at pagka-pagod sa boses ni Queen.


Matamlay na tumango si Bambi, "Hindi ito ang tirahan ko."


Malungkot na ngumiti si Queen Lala, "I know, and I'm sorry."


Lahat sila ay biglang napatingin kay Queen. She's letting them go? Humakbang patagilid si Queen para bigyang daan ang entrance ng spaceship. Giving them the sign that she is letting them go.


"I guess you're all coming with her?" tanong niya sa mga Mataliens. Tumango ang anim at sabay-sabay silang lumuhod sa harapan ng Queen.


"Thank you for taking care of us." sabi ni Yongguk. Naging isang mabuting taga-pamuno si Queen Lala. Sobra nilang nirerespeto ang Queen and they wouldn't ask for anyone else to sit on that throne.


"Well, I guess you better get going then." sagot sa kanila ni Queen.



"LALA!! ANONG GINAGAWA MO?!" napatingin sila sa pinanggalingan ng boses at nakita si Commander A.M na nagmamadaling naglalakad papunta sa pwesto nila. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang galit at determinasyon.


"Teka, A.M!" paghahabol ni Grandmy sa likod niya. Agad namang itinutok ni Commander A.M ang espada sa leeg ni Grandmy, "Huwag kang makikialam dito, tanda."

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now