Chapter 13

19.6K 635 106
                                    

[OCT. 15] HAPPY BIRTHDAY, CHOI JUNHONG!!!!

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

[3RD]

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Himchan habang nakatingin sa bahay na nasa harapan nila.

Sa di malamang dahilan, niyaya sila ni Yongguk na lumabas. Pero hindi nila akalain na dadalhin niya sila sa bahay nila Bambi.

"Dito lang kayo." sabi ni Yongguk at tumalon papasok sa gate ng bahay.

"Huy!" sigaw ni Himchan pero nakapasok na si Yongguk. "Anong plano 'nun?"

Ilang minuto silang naghintay sa labas, pero hindi pa rin lumalabas si Yongguk. Naubos na ang pasensya ni Daehyun, kaya naman tumalikod at nagsimulang maglakad palayo nang biglang nagsalita si Zelo.

"Bakit mo siya kasama?"

Nag-form ng kamao ang kamay niya para pigilan ang biglang pagsikip ng kanyang ng dibdib nang marinig ang boses ng tinutukoy ni Zelo.

"Yongguk, ano 'to?"

Bakit niya sinama si Bambi?

[BAMBI]

Ooookay. Anong meron? O_O? Bakit nandito silang lahat sa labas ng bahay namin?

Galing ako sa bathroom noon at kakatapos ko lang maligo at ready na akong matulog nang madatnan ko na lang si Yongguk na naka-crouch sa ledge ng bintana ng kwarto ko.

Umakyat siya sa puno -__-

Buti na lang naisipan kong magbihis na sa loob ng CR -___-

Tumingin ako sa mga lalaking kasama ko ngayon, at tulad ko, halatang gulat at naguguluhan din sila.

Pero nanlamig ako nang tumama ang mga mata ko kay Daehyun.

Fresh na fresh pa rin ang panaginip na 'yon sa utak ko.

Natatakot ako. Natatakot akong maalala niya na sobra niya akong kinamuhian dati.

Napansin niya siguro ang takot sa mga mata ko dahil biglang kumunot ang noo niya na para bang nagtataka. Agad kong iniyuko ang ulo ko.

"Ano bang gagawin natin? Gabi na." rinig kong sabi ni Youngjae.

Oo nga naman -____- Tumingin ako kay Yongguk at sakto namang tumingin din siya sa akin na nakangiti.

"Shopping tayo?" nakangiti niyang sabi.

Napataas naman ang kilay ko. "Shopping? Ngayon?? Bakit???"

Tiningnan ako ng matalas ni Yongguk pero nakangiti pa rin siya. "Sasamahan mo kaming mag-shopping." matigas niyang sabi habang nakangiti na ng nakakatakot.

Woah... okay...

"TARA NA!"

Umuna na sa paglalakad si Yongguk, at kahit naguguluhan kaming lahat, wala na kaming ibang magawa kundi sumunod.

"Okay!" sigaw ni Yongguk pagkapasok namin sa department store. "Ganto ang gagawin natin!"

Sobrang ang lively naman yata niya.

"Dahil nauubusan na tayo ng mga damit, mamimili tayo!"

Umhh, so anong ginagawa ko dito? Saktong tumingin sa akin si Yongguk, "At! Tutulungan tayo ni Bambi!"

O_O Tumingin ako sa lima. Ineexpect ko na kokontra sila pero nag-shrug lang sila at nagsimula nang maghanap ng mga damit.

Nakakunot noong tumingin ako kay Yongguk. Tinaas lang niya ang kilay niya at painosenteng ngumiti, "Diba sabi ko ibabalik ko sila." kinindatan niya ako at sumunod na sa iba.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Where stories live. Discover now